Moira's Po
Ako ang may kasalanan at nagsimula kaya nangyari ang halik na iyon kaya wala akong karapatan na mahiya ngayon at mag feeling si Maria Clara na isang mahinhin na dalaga. Nadala lang ako ng emosyon ko at hindi napigilan ang sarili na dampihan siya ng halik sa labi ngunit hindi ko inaakala na lalalim ang halik na iyon..Kung hindi lang siguro dumating si Ulysses at tinawag kami baka hanggang ngayon naghahalikan parin kami. Mukhang nagulat pa nga si Ulysses at nahiya nung makita kami at tumalikod sabay sabi ng sorry bago ulit umalis. Kung si Ulysses.nahiya sa nakita niya kumusta naman ako? Kung pwede lang lumubog ako sa lupa sa tindi ng kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.
Wala ulit kaming kibo ni Sevastian habang naglalakad palayo sa may swing. Hindi narin ako nagtanong kung saan kami pupunta basta sumunod nalang ako. May idea rin naman sa isip ko na babalik kami sa bahay since tinawag kami kanina ni Ulysses.
Nadaanan na namin ang bahay at nakita ko rin sina David at Ulysses pero hindi kami huminto at parang wala siyang nakita. Nag tuloy tuloy lang kami sa paglalakad kaya lumingon ako sa dalawang lalaki at nahihiyang ngumiti at nag bye sa kanila. Parang nanunukso naman ang dalawa na abot tenga ang ngiti sa'kin at kumaway. Malamang naikwento na ni Ulysses kay David yung nakita niya. Aisht! Nakakahiya talaga.
Nakayuko ako at tinitignan ang nilalakaran ko kaya hindi ko na napansin na nakabalik na pala kami sa may talon. Ilang beses akong nag inhale exhale para marelax ako ng malabanan ang kahihiyan na nagawa ko.
"M-may dala akong pagkain, gusto mong tikman?" Lakas loob na tanong ko kay Sevastian "buti nalang walang nag interes kumuha" sabi ko pa at nagmadaling pumunta sa may blanket at umupo..
"Lagi kang may dalang pagkain, takot ka bang magutom?" Tanong naman niya. "Kahit walang pagkain sa bahay sinisigurado ko naman sa'yo na hindi ka magugutom" sabi pa nito at tumabi sa'kin.
Pagtingin ko sa kanya ay nakatingin din pala ito sa'kin at nakangiti. Mabilis ko naman inalis ang tingin ko sa kanya at nagkunwaring abala sa ginagawa. Inilabas ko kasi sa basket yung dalawang container na may lamang pagkain.
"H-hindi naman sa takot akong magutom, g-ganito lang kasi nakaugalian ko at ng pamilya ko." Nabubulol na sagot ko "Kailangan magdala ng pagkain kapag mag pipicnic kahit busog o hindi naman gutom, ganun naman talaga yung rules diba? O kami lang ng pamilya ko ang ganoon?" Paliwanag ko pero sa huli medyo napaisip din ako na kung may rules nga ba talaga na kailangan magdala ng pagkain kapag nag p-picnic.
"Ano ba ang dinala mo ngayon? Ipapatikim mo din ba sa'kin?" Tanong niya
"Gumawa ako kanina ng cabbage rolls at quesadillas wrap, sinigurado ko na walang meat para makain mo" masiglang sabi ko at kumuha ng isang cabbage roll at sinubuan siya.
Hinawakan nito ang kamay ko at kinagatan yung pagkain na hawak ko. Tinignan ko ang reaksyon niya kung nagustuhan niya at masasabi kong pumasa naman ito sa panlasa niya.
"Masarap" sabi nito at muling hinawakan ang kamay ko at sinubo ang natirang pagkain na kinagatan niya na hawak ko.
"Buti naman nagustuhan mo" malapad ang ngiting sabi ko "kumain ka pa, ginawa ko talaga yan para sa'yo" natutuwang sabi ko at inalok sa kanya yung container para kumuha siya.
"Subuan mo ulit ako" sabi nito na ngumanga at naghintay na subuan ko siya.
Alam kong sinusubukan ako ni Bathala at sinusukat ang pagiging marupok ko kaya kailangan kong pigilan ang kilig na nararamdaman ko. Kinagat ko nalang ang ibabang labi ko at sinubuan ulit siya. Pinatikim ko rin yung quesadillas sa kanya at nagustuhan rin niya.
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...