CHAPTER 27

74 2 0
                                    

Sebastian's Pov

Gusto kong tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko kasing hindi dapat dahil hindi tama. Nagdesisyon na akong palayain siya para sa ikabubuti niya pero konti nalang at bibigay na ako.

"Pease magpakita ka" para akong sinasaksak ng paulit ulit ng marinig ko ang sinabi niya. Kaya ko namang magpakita pero iniisip ko ang posibleng mangyari kapag nagpakita ako. Malamang ay hindi ko na siya bitawan at kapag nangyari iyon makukulong siya sa mundo ko. "Sebastian!" Sigaw nito sa pangalan ko. Wala akong magawa kundi tignan lang siya habang lumuluha.

"Sebastian!" Muling sigaw nito sa pangalan ko. Sa pagkakataong ito ay lumapit na sakin sina Ulysses at Red.

"Mahal na immortal hindi kaba talaga magpapakita sa kanya? Kung hindi ako nagkakamali siya ang pamosong babaeng mortal na ipinaglaban mo sa tore ni Bathala, hindi ba?" Tanong ni Red. Tumango tango ako bilang tugon.

"Kanina pa siya nariyan at hinihintay ka, hindi kaba naaawa sa kanya?" Tanong naman ni Ulysses

"Aalis din siya kapag hindi niya ako nakita" sagot ko

"Bakit ang lupit mo sa kanya? Hindi mo ba nakikitang umiiyak siya?" Kumpronta pa sa'kin ni Ulysses

"Hindi malabo ang mga mata ko at mas lalong hindi ako bulag. Malinaw kong nakikita na umiiyak siya at naghihirap ang kalooban ko sa nakikita ko pero kailangan ko siyang tiisin" sagot ko na kanina pa pinipigilan ang pagpatak ng mga luha.

"Pero bakit? Bakit kailangan mo siyang tiisin? Paano kung umalis siya at tuluyan ng Hindi magpakita sa'yo?" -Ulysses

"Dahil mahal ko siya!"  Malakas na sagot ko kay Ulysses at tinignan siya. "kailangan ko siyang tiisin, kailangan kong tiisin ang sakit dahil kung hindi ko ito matitis magsisisi siya! Magsisisi siya dahil hindi ko na siya pakakawalan pa kahit makiusap pa siya. Kaya hanggat kaya ko at may pagkakataon pa siya gusto kong umalis na siya."

"Seb hindi mo ba nakikita na mahal kapa niya? Sa palagay mo ba iiyak siya ng ganyan diyan dahil gusto ka lang niyang makita?" -Ulysses

"Mahal niya ako noon pero pinili niyang iwanan ako. Nandito siya ngayon dahil nagbabakasyon siya ng ilang araw at aalis din. Gusto lang niya akong makita dahil sa hindi ko alam na dahilan, pero sigurado akong hindi dahil sa mahal niya parin ako. Sa huli, aalis parin siya at iiwanan ulit ako "

Ilang beses pa nitong sinigaw ang pangalan ko ngunit pikit mata at sarado ang mga tenga ko. Konting tiis nalang. Alam ko na aalis din siya at makakalimutan na parang walang nangyare.

"Kinalimutan mo naba talaga ako? Nasaan ka magpakita ka!" Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko. Tumalikod ako para hindi siya makita pero naririnig ko parin ang mga hikbi niya.

Bakit ba kasi naging magka iba ang mundong kinabibilangan namin? Kung magkapareho lang kami hindi ako papayag na mangyari ito.

"Kung bukas bumalik ulit siya at ganito parin ang sitwasyon niya, pasensiya na Seb pero magpapakita na ako sa kanya. Hindi ko kayang makitang nagkakaganyan siya, naging kaibigan ko rin naman siya. Mauna na ako sa inyo" paalam ni Ulysses

Tumango nalang ako sa kanya at pinasunod si Red sa kanya. Ako naman ay binantayan lang si Moira habang umiiyak ito.

***

Moira's Pov

Gusto ko pa sanang manatili at maghintay kay Sebastian pero malapit ng dumilim. Wala pa namang ilaw dito at madalang lang ang mga tao at sasakyan na dumadaan.

Isang ikot pa sa paningin sa paligid ang ginawa ko bago ako nagpasyang umalis na. Babalik nalang ulit ako bukas at maghihintay kay Sebastian.

Dahil wala akong makitang sasakyan ay sinimulan ko ng maglakad. Kung maghihintay kasi ako ng sasakyan baka abutin na talaga ako ng dilim doon. Ang lakas maka wrong turn pa naman nung vibes ng gubat.

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa hindi ko alam na dahilan. Siguro dahil naisip ko yung wrong turn. Alam kong hindi totoo yung wrong turn at walang pamilyang cannibal dito sa Pilipinas pero may mga naniniwala na totoo ang mga aswang. Hindi ba parang cannibal din ang mga iyon kasi nangangain sila ng tao?

Mas lalo akong natakot dahil sa naiisip ko. Ang dami ko naman kasing dapat isipin bakit cannibal at mga aswang pa? Binilisan ko nalang ang paglalakad at feeling ko talaga may sumusunod sa'kin. Wala naman akong ibang masisi kundi ang panonood ko ng mga nakakatakot na pelikula.

Napangiti ako kahit hinihingal ng makarating na sa may mga mataong daan. Mas binagalan ko na ang paglalakad at ng may makitang tricycle ay hindi na ako nag dalawang isip na parahin iyon at sumakay.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Ate Ivy. Tinanong nito kung kumusta ang lakad ko at sinabi kong magkikita ulit kami bukas ng kaibigan ko. At least may idadahilan ulit ako sa kanya bukas kapag aalis ako.

Habang nagpapahinga ako ay iniisip ko ang gubat. Ilang oras akong nandoon pero mukhang wala na sina Sebastian doon. Bigla din akong nagduda sa sarili ko kahit alam ko at sigurado ako na tama yung yung dinadaanan ko kanina papunta sa bahay na tinitirhan niya. Napapaisip tuloy ako kung mali ako ng pagkakatanda dahil sobrang tagal narin simula ng pumunta ako doon.

Naligo lang ako at nagpasyang kumain na. Hindi pala ako nakakain ng lunch kanina kaya bukas magbabaon ako ng pagkain ko.

Sana lang talaga makita ko na si Sebastian bukas. Kahit hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sakaling magkita kami, at hindi alam kung ano ang maaring maging reaksyon niya, kung matutuwa o magagalit siya ayos lang sa'kin. Ang mahalaga lang sa'kin ay makita ko ulit siya at malaman na ayos lang siya.

*****

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon