Sebastian's Pov
"Ano ang pinag usapan niyo?" Tanong ko kay Ulysses. Kanina ko pa talaga siya hinihintay at inaabangan pumasok sa bahay.
"Ni Red? May inutos lang ako sa kanya" sagot nito at lalagpasan na dapat niya ako ng magsalita ulit ako.
"Alam mong hindi si Red ang tinutukoy ko" seryosong sabi ko.
"Wala naman akong ibang nakakausap dito kundi kayo lang dalawa ni Red" sagot nito
"Ulysses, hindi ako nakikipag biruan sa'yo" sabi ko na malapit ng uminit ang ulo. Sinalubong naman nito ang tingin ko.
"Immortal na Sebastian, patawarin mo ako kung may nagawa at nasabi man akong mali. Sumusunod lang ako sa utos mo at hindi rin ako nakikipag biruan sa'yo," sabi naman nito
Hindi ako nakapagtimpi at hinila ko ang kwelyo nito at tinitigan siya ng masama. Kanina pa akong wala sa kundisyon dahil narin sa pinag gagagawa niya.
"Anong sinabi mo kay Moira?" Matalim ang mga matang nakatingin ako sa kanya.
"Akala ko ba ayaw mong marinig kahit anong tungkol sa kanya? Nagbago naba ang isip mo?" Sagot nito.
"Sagutin mo nalang ang tanong ko!" Inis kong sabi na mas hinigpitan pagkakahawak sa kwelyo niya.
Noong una'y akala ko lalabanan niya ako dahil narin sa uri ng tingin niya sa'kin. Sa huli ay kumalma rin ang tingin niya na tila sumuko at sinubukang tanggalin na lamang ang kamay ko sa kwelyo niya. Niluwangan ko naman pagkakahawak sa kanya.
Sa tagal na ng pag sasama namin ni Ulysses hindi pa kami nag away, lahat kasi ay napagkakasunduan naming dalawa. Ngunit kung paiiralin nito ngayon ang katigasan ng ulo niya baka ngayon ang unang beses na masasaktan ko siya.
"Mahal mo paba siya?" Medyo nagulat ako sa tanong niya at binitawan ang kwelyo niya.
"Huwag mong ibahin ang usapan, sabihin mo nalang kung ano ang pinag usapan niyo" sabi ko at iniwas ang tingin sa kanya
"Hindi ko iniiba, 'yon ang pinag usapan namin." Sagot nito kaya tinignan ko ulit siya at matalim na tinignan. "Kaibigan ko kayong pareho ni Moira at alam kong mahal mo pa siya. Bakit hindi mo ipaglaban pagmamahal mo sa kanya? Dapat pinakinggan mo pag uusap namin kanina ng narinig mo rin sana nung sabihin niyang mahal kapa rin niya" sabi pa nito
"Alam mong hindi kami pwede!" Malakas at halos pasigaw ng sabi ko sa kanya..
"Seb, ikaw lang ang nagsasabing hindi kayo pwede. Ikaw mismo pinatunayan mo na sa langit na pwede kayo. Mahal mo siya mahal ka niya huwag mo ng lagyan ng problema. Kung magkaroon man kayo ng problema harapin niyo ng magkasama. Akala mo ba pinoprotektahan mo siya sa ginagawa mo? Hindi Seb, sinasaktan mo lang siya at sinasaktan mo lang rin ang sarili mo." Tuloy tuloy na sabi nito
"Napaka dali sayong sabihin yan dahil hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko." Sabi ko naman
"Pinapahirap mo lang Seb, 'yun ang totoo. Gusto kong intindihin ka pero wala kana sa katwiran. Nakikiusap ako sa'yo bilang kaibigan mo na kausapin si Moira ng masinsinan. Kung ayaw mo na talaga sa kanya at wala na talaga kayong pag asa sabihin mo ng harapan sa kanya." Sabi nito
"Makulit ka lang talaga, kung hindi ka nagpakita sa kanya kanina hindi na 'yon babalik dito. Kaya kapag bumalik siya at gusto mo siyang makausap okay gawin mo, gawin mo ang gusto mo, hindi naman kita mapipigilan sa gusto mo. Huwag mo nalang akong banggitin. Kung sakali sabihin mo nalang na wala na akong pakialam sa kanya." Sabi ko sabay talikod at lakad paalis.
"Kung ganoon ayos lang sa'yo na ligawan ko siya diba?" Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya at mabilis na sinuntok siya.
"Subukan mo kung gusto mo ng mamatay" tiim bagang at nakakuyom ang mga kamay na sabi ko.
"Nagawa mong ipaglaban siya noon sa langit at sa palagay ko ay kaya ko ring gawin 'yon. Kakayanin ko ang parusang ipapataw nila sa'kin dahil alam kong sulit ang sakit." Sabi pa nito
"Kapag hindi kapa tumigil huwag mo akong sisihin kung may magawa man ako sa'yo. Hindi magandang biro ang sinasabi mo at kahit kailan ayoko ng marinig sa'yo ang kahit ano tungkol kay Moira" babala ko sa kanya
"Hindi ako nagbibiro. Kung sakaling magustuhan niya ako ipapangako ko sa'yo na hindi ko siya sasaktan. Kung kailangan ko ring ibigay ang kalahati ng puso ko gagaw-" isang malakas na suntok ulit ang binigay ko kay Ulysses. Susuntukin ko pa sana siya pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Ang sabi ko tumahimik kana" babala ko ulit sa kanya habang hawak ang kwelyo nito habang nakaangat siya sa lupa.
"Saktan mo lang ako hangga't magsawa ka. Wala naman akong laban sa'yo kaya hindi ako lalaban. Hindi lang naman kasi ikaw ang may puso at kayang magmahal. Mababa nga ang antas ko kumpara sa'yo pero kaya ko ring magmahal kagaya mo." Sabi nito na hindi parin tumitigil
"Walang pumipigil sayong magmahal pero huwag si Moira! Alam mong iniiwasan ko siya dahil magkaiba ang mundo namin. Iniiwas ko siya dito dahil ayokong mahirapan siya tapos liligawan mo siya at dadalhin dito? Nahihibang ka naba?! Ano pa ang saysay ng sakripisyo ko kung ganoon?! Alam mong mahal na mahal ko siya at handa akong isakripisyo ang sariling kaligayahan ko para sa kanya!" Sigaw ko kay Ulysses at itinulak siya. Halos hindi siya makatayo ng lapitan ko siya kaya inalok ko ang kamay ko para tulungan siya.
"Seb, hindi mo kailangan mag sakripisyo. Alam kong mahal mo siya at alam kong mahal karin niya pero kung ipipilit mo ang baluktot na katwiran mo ipipilit ko rin ang gusto ko. Magkaibigan tayo pero handa akong tablahin ka at masira ang pagkakaibigan nating dalawa kung wala kang gagawin para kay Moira" sabi nito.
Ilang minuto ng naka alis si Ulysses pero nanatili parin akong nakatayo kung saan niya ako iniwan. Kulang paba ang sinabi ko at mga paliwanag ko sa kanya kaya hindi niya maintindihan na ang lahat ng ginagawa ko ay para kay Moira? Ayoko rin naman masira ang pagkakaibigan naming dalawa, pero kung ipipilit niya ang gusto niya, handa akong mawalan ng isa pang kaibigan.
*****
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...