CHAPTER 05

97 4 0
                                    

Moira's Pov

Alas nuwebe ng umaga ng magpaalam ako kay Mama na mag iikot ikot sa farm. May nakita kasi akong bisikleta at gusto kong maglibot sa farm. Sayang naman ang bakasyon ko kung tutunganga lang ako sa bahay, nandito ako para mag relax at mag enjoy.

Una kong pinuntahan ang manggo farm, ang dami kong nakilala doon at magiliw nila akong inistima. Binigyan pa nga nila ako ng mga hinog na mangga bago ako umalis.

Maliban sa manggahan dito sa farm ay may fishponds din si Lola. Kahit wala na si Lola ay pinagpatuloy parin ni Tito Dale ang pagpapatakbo dito bilang tulong narin sa mga tauhan nila na umaasa lang sa farm. Si Papa lang yata ang walang pake sa farm, kaya nga hindi kami nagulat ng hindi siya pamanahan ni Lola ng mga lupain niya. Bagkus pera ang binigay niya at karapatan na tumira parin sa bahay. Silang tatlong magkakapatid ang nag mamay-ari sa bahay ngunit wala siyang karapatan sa farm.

Alam din ng lahat na ako ang paboritong apo kaya hindi narin nagtaka ang mga Tito't pinsan ko ng pamanahan ako ng malaking halaga ni Lola na makukuha ko lang pagsapit ko ng labing walong taon. Hindi rin naman nainggit sa'kin ang mga pinsan ko dahil hindi naman sila ganid sa kayamanan. Wala lang naman kasi talaga ang ibinigay sa'kin ni Lola, mga mayayaman na kasi sila.

Hindi naman kami mahirap ngunit kung ikukumpara sa mga Tito ko malayo ang agwat ng yaman namin sa kanila. Hindi ko din naman hinahangad na maging kasing yaman nila, tama na sa'kin ang karangyahan na tinatamasa ko ngayon.

Hindi pa ako tapos mag ikot ikot sa farm ay nagpasya na akong umuwi dahil masakit na sa balat ang sikat ng araw. Mamayang hapon itutuloy ko ang paglilibot at balak kong magpaturo kay Mang Ernie na sumakay sa kabayo. Buti nga dumaan ito kanina sa bahay at siya pa ang nagsabi na kung gusto namin ni Maica na mangabayo ay tuturuan niya kami.


"Aahhh... Akala ko ma h-heatstroke ako sa sobrang init sa labas" sabi ko pagkapasok ko sa bahay at dumiretyo sa sofa at sinandal ang likuran.

"Sandali at ikukuha kita ng malamig na tubig" sabi naman ni Aling Lupe

"Maraming salamat po" nakangiting sabi ko

"Ano ba yang mga dala mo?" Pansin naman ni Mama sa eco bag na hawak ko.

"Naabutan ko kasing nag h-harvest ng mangga yung mga tao sa manggahan kaya binigyan nila ako. Ang dami nga ng binigay nila eh" natutuwang sabi ko at inilagay sa hita ko yung eco bag at sinilip ang laman.

"Ang dami nga at mukhang matatamis, kung gumawa kaya ako ng mango grahams? Matagal narin nung huli akong nakagawa nun" masiglang sabi ni Mama.

Pagbalik ni Aling Lupe sa sala ay may dala na nga itong isang basong tubig na may yelo pa. Nagpasalamat naman ako at nagpaalam na babalik na siya sa kusina dahil nagluluto daw ito.

"Bigla tuloy akong nag crave ng mango grahams mo Ma" malambing na sabi naman ni Maica na abala sa panonood ng tv.

"Sige pagkatapos nating mag lunch mamaya samahan niyo ako sa supermarket para makabili ng ingredients" sabi naman ni Mama

"Okay! Gusto ko rin bumili ng chips at magpaload para makapag data ako. Wala kasing internet dito at ubos na data ko" -Maica

"Uhm, siguro kayo nalang ang mamili, ibili niyo nalang din ako ng chips at ice cream. Gusto ko kasing maglibot ulit mamaya sa farm at magpaturong mangabayo kay Mang Ernie' sabi ko naman

"Hala! Hindi ka natatakot sumakay sa kabayo Ate? Ang laki ng dalang kabayo kanina ni Mang Ernie parang nakakatakot sumakay baka ihulog ka" -Maica

"Ang saya kayang sumakay sa kabayo! Sumakay na ako dati pero may kasama ako, nakalimutan ko na kung sino 'yon pero ang sarap kaya sumakay sa kabayo lalo na kapag tumatakbo ito. Natatandaan ko pa may nagsabi sa'kin nun kung natatakot daw ako, mararamdaman ng kabayo iyon at baka ihulog ako. Kaya ikaw kung natatakot ka huwag mo nalang subukan baka mapahamak ka" -Ako

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon