CHAPTER 22

56 3 3
                                    

Sebastian's Pov

"Kung gugustuhin mo pwede mo naman siyang sundan at hanapin sa Maynila, walang saysay ang pagmumukmok mo dito at paghihintay sa kanya ng walang kasiguraduhan" wika ni David habang katabi ko siya at minanasdan ang talon.

"Hindi ko siya kailangan sundan at hanapin, may tiwala ako kay Moira. Gusto ko pagbalik niya makita niya ako dito na matyagang naghihintay sa kanya" Sabi ko kay David at tipid na ngumiti sa sarili.

"Ilang buwan ka ng naghihintay sa kanya, kung wala ka pang gagawin baka tuluyan ng mawala siya sa'yo" sabi pa ni David

"Tanggap ko naman na" mahinang sabi ko. "kung ano man ang desisyon niya rerespetuhin ko. Sariling desisyon ko ang maghintay at maniwala na nalang araw babalik siya at hindi na niya ako ulit iiwan pa" matatag na sabi ko kahit nahihirapan ang puso kong tanggapin na hindi siya para sa'kin.

"Hindi lang naman si Moira ang nag iisang babae dito sa mundo. Marami akong kilalang diwata at immortal na mas maganda pa sa kanya at nababagay sa iyo."

"Marami ngang babae pero siya lang ang gusto ko" Sabi ko at nakangiting tumingin kay David "maiintindihan mo lang ako kapag nakita mo na ang babaeng mamahalin mo. Bawat paghinga mo mararamdaman mo na siya ang mundo mo" tumayo ako at tinapik ang balikat niya bago ko siya iniwan.

Bumalik ako sa puso ng gubat kung saan ako nagninilay. Dito ko rin madalas dalhin dati si Moira dahil sa magandang kapaligiran. Lahat kasi ng makikita ng iyong mata ay mga bulaklak maliban na lang sa kweba kung saan ako madalas nagpapahinga. Kami lang din ang may kakayahan na maglabas masok sa lugar na iyon at ginawa talaga ang lagusan na ito para sa mga katulad ko na nagninilay.

Sa sobrang pag iisip ko kay Moira ay nagkaroon na naman ulit ako ng halusinasyon. Nakatayo at nakangiti ito habang kumakaway sa'kin. Ilang beses ng nangyari sa'kin ito at ilang beses ko ng pinangarap na sana totoo nalang ang lahat ng iyon. Kapag nangyayari ito ibig sabihin ay iniisip niya ako. Isipin palang na iniisip niya ako ay walang puwang na ang saya sa puso ko.

Hindi mapigil ang pagtulo ng aking luha habang pinapanood siya habang sinasamyo niya ang amoy ng mga bulaklak. Kapag pumupunta kami dito ay hindi niya maaring kalimutan na gawin iyon. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at halikan, ngunit natatakot akong mawala ulit ito. Sat'wing hahawakan ko kasi siya at subukang kausapin ay nawawala ito. Kapag wala naman akong ginawa ay nanatili ito ng ilang minuto.

*****

"Hanggang kailan kapa maghihintay? May asawa na si David at tumaas narin ang posisyon ko bilang kapalit niya pero nandito ka parin at hinihintay siya. Ano ba talaga ang balak mong gawin? Tumatanda kana" sabi ni Ulysses na bagong talaga bilang taga bantay dito sa gubat.

"Ang balak ko ay maghintay hangga't humihinga ako. Kung makapagsabi ka ng matanda na ako ay parang hindi kana din matanda, sa pagkakaalam ko ay mas matanda ka ng anim na pu't dalawang taon sa'kin. Bakit hindi ka sumunod kay David at mag asawa narin? Kaya ko naman mag isang bantayan itong gubat" nakangiting sabi ko

"Hindi mo naman trabaho ang magbantay dito sa gubat kaya nga ako ang bagong itinalaga dito diba? Bumalik ka sa langit o kaya'y magliwaliw sa labas ng gubat wala namang magbabawal sa'yo, hindi kaba nag sasawa na nandito ka lang araw araw?" Tanong pa nito

"Teka, ayaw mo bang tulungan kita sa trabaho mo? Dapat pa nga ay magpasalamat ka sa'kin dahil ako ang gagawa sa trabaho mo. Bakit hindi ka magliwaliw sa langit? Pagkakataon mo na para makahanap ng mapapangasawa, hindi kana rin naman bumabata" sabi ko sa kanya

"Mahal na immortal na Sebastian, trabaho ko ang pangalagaan ang gubat. Gusto ko rin naman maranasan magtrabaho at magamit ang kapangyarihan ko para mapabuti itong gubat. Isa pa'y gusto ko ring sumaya ka, matagal ka ng malaya at walang kumukulong sa'yo dito sa gubat. Kung immortal lang ako na kagaya mo siguradong lagi akong nasa labas ng gubat upang makita kung paano namumuhay ang mga tao" sabi nito

"Wala naman akong balak agawin ang trabaho mo, gawin mo kung ano ang tingin mo ay makakabuti sa gubat at susuportahan kita. Tungkol naman sa paglabas ko sa gubat, lalabas lang ako dito kapag nakabalik na si Moira"

"Hanggang ngayon umaasa ka parin na babalik siya? Ilang taon na ang lumipas kung may balak siyang bumalik, bumalik na siya noon pa"

"Hindi na ako umaasa pero naniniwala ako na babalik siya at makakausap siya. Kahit hindi na niya ako mahal o may mahal na siyang iba ay ayos lang sa'kin. Gusto ko lang makahingi ng tawad sa kanya at tuparin ang pangako ko sa kanya na sabihin ang lahat tungkol sa'kin at ipaliwanag ang nangyari noong araw na iyon."

"Kung ganoon naman pala ay pwede ka ng magmahal ulit ng iba. Ang daming mga immortal at diwata ang may gusto sa'yo oras narin para magkaroon ka ng sariling pamilya. Huwag kang mag alala kapag bumalik si Moira sasabihin ko agad sa'yo para makapag usap kayo at matuldukan na ninyo yung nangyari noon"

"Hindi ganoon kadali ang gusto mo. Kahit hindi na ako umaasa na babalikan ako ni Moira ay mananatili ang puso ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya kaya naman binigay ko ang kalahati ng puso ko sa kanya. Kaya naman wala na akong kakayahan magmahal ng iba pero hindi ako nagsisisi. Dahil sat'wing naiisip niya ako ay nakikita ko siya. Kahit ilusyon lang masaya na akong makita siya. Kahit walang kasiguraduhan na babalik pa siya"

"Kung ganoon pala'y nasa kanya na ang kalahati ng puso mo. Hindi kita masisisi kung bakit mo agad binigay sa kanya, nakita ko kung gaano mo siya kamahal. Alam nating maikli lang ang buhay ng mga mortal, kung sakaling pumanaw ito ay kusang magbabalik sa'yo ang puso mo."

"Kahit sa kabilang buhay mananatili sa kanya ang puso ko. Kuntento na ako sa kung anong wala at meron ako ngayon. Kahit hindi ko siya kasama mananatili habang buhay ang mga alala niya sa puso't isip ko."

Ilang minuto rin tumahimik si Ulysses at kalaunan ay iniba ang paksa. Nag kwento ito kung paano niya nakikita ang sarili niya sa pinili niyang kaagapay niya na makatulong sa kanya sa trabaho. Bukas na nga daw darating ito at siguradong magiging abala ito bukas dahil marami itong ituturo sa kanya.

*****

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon