CHAPTER 34

69 3 0
                                    

Moira's Pov

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin, lalapitan ko ba si Ulysses para lapitan at matulungan o tanungin si Sebastian kung bakit niya tinulak si Ulysses na ngayon ay nanlilisik ang mga matang nakatingin sa'kin.

Dahil naguguluhan ako sa nangyari ay hindi na ako nag isip pa. Lalapitan ko na sana si Ulysses kaso bigla akong hinatak ni Sebastian palapit sa kanya.

"Pagkatapos mo sa'kin ang kaibigan ko naman?" Tanong nito habang nakaturo kay Ulysses ang isang daliri. Taas baba rin ang dibdib niya at halatang pinipigilan lang nito ang galit niya.

"Ano bang sinasabi mo? hindi kita maintindihan" malumanay na tanong ko habang nakatingin sa galit niyang mga mata.

"Ayaw mo ba talagang umalis dito kaya si Ulysses ang pinupuntirya mo ngayon? Ano ba ang gusto mo?! Sabihin mo!" Sigaw nito sa mukha ko. Ayokong umiyak sa harapan niya pero kusang tumulo ang mga iyon.

"Nag papaalam lang naman ako sa kanya at aalis na ngayon eh" sabi ko na simula ng humikbi. "Wala na akong balak manatili dito at kung may gusto man akong sabihin sa'yo sa huling pagkakataon, gusto kong sabihin sa'yo na I am really sorry. Wala akong excuse sa mga maling nagawa ko sa'yo at ako naman talaga ang mali at may kasalanan ng lahat. Hindi kita pipilitin patawarin ako dahil alam kong kalabisan na iyon. At gusto ko rin magpasalamat sa'yo. Salamat sa lahat, sa dami ng binigay at ginawa mo para sa'kin hindi ko na ma iisa isa pa. Huwag kang mag alala hindi na kita guguluhin pa, sana maging masaya kana." Tuloy tuloy na sabi ko. Tatalikuran ko na sana siya para lumapit na kay Ulysses ng magsalita ito kaya huminto ako.

"Bakit ang dali sa'yo ng lahat? Ang bilis mong magdesisyon, ganyan ba talaga kayong mga tao? Hindi pinag iisipang mabuti ang mga aksyon at kapag nagkamali hihingi lang ng tawad at pagkatapos tapos na. Balik ulit sa dati na parang walang nangyari." Sabi nito

"Sa palagay mo madali ito? Hindi mo alam ang nararamdaman ko!" Mariin kong sabi "Oo nasaktan kita nagkamali ako pero wala kang karapatan para husgahan ako at ang nararamdaman ko!" May kalakasang sabi ko at bahagyang tinulak tulak ang dibdib niya.

"Naghahalikan kayong dalawa ni Ulysses ano sa tingin mo ang iisipin ko?!" Sabi nito na humakbang siya ng dalawang beses paurong at hinilamos ang mukha gamit ang palad niya bago ito muling tumingin sa'kin. "Alam ko wala na akong karapatan sa'yo pero bakit si Ulysses pa? Hindi kaba makapag hintay na makalabas ka dito sa gubat at maghanap ng kauri mo rin?" Parang gusto ko siyang sampalin dahil sa uri ng tanong at tingin niya sa'kin pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Wala akong ginagawang masama" Para akong naubusan ng lakas magpaliwanag pa sa kanya

"Wala nga. Pasensiya kana nakalimutan kong wala na pala tayo, hndi na nga pala tayo kaya wala akong karapatan pigilan ka at gawin ang gusto mo. Dapat nagkunwari nalang ako na walang nakita at hinayaan kayong dalawa na maghalikan. Pasensiya na talaga." Sabi nito na ipinipilit ang nakita daw niya. Pagkatapos ay tumalikod na siya para umalis

"Alam ko galit ka sa'kin pero sana huwag kang gumawa ng salita. Wala kaming relasyon ni Ulysses para maghalikan kami. Mabuting kaibigan si Ulysses at ayokong masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa maling nakita mo." Sabi ko at pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Walang mali sa nakita ko. Wala rin akong kaibigan na traydor kaya simula sa oras na'to pinuputol ko na ang ugnayan ko sa inyong dalawa." sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad.

My Dear Guardian (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon