Moira's Pov
"Bakit biglaan naman? Hindi man lang kita naipagluto ng masarap." Malungkot na sabi ni Ate Ivy
"Lahat naman ng niluto mo masarap eh. Pasensiya na talaga, hindi ko din alam na aalis na ngayon ang kaibigan ko. Ayokong naman bumyahe mag isa kaya sasabay na ako sa kanya" sabi ko
"Ikaw ang bahala ayoko din naman masira ang bakasyon mo. Sabihin mo nalang sa kaibigan mo na sunduin ka dito" sabi pa nito
"Hindi niya alam itong lugar natin eh, kaya nga 'di rin niya ako mahatid dito sa bahay. Hayaan niyo na isang tricycle lang naman at sa plaza lang din naman kami magkikita." -ako
"Ang kaibigan mo lang ang may 'di alam sa lugar natin. Kilalang kilala kaya itong farm ninyo." -Ate Ivy
"Hayaan mo na, ako lang din naman ang nakikisuyong sumabay sa kanya eh" -ako
"Ano pa nga ba, sige Miss Moira mag iingat ka ha?" Malungkot na sabi nito.
"Kayo din mag ingat dito. Ikaw na bahala magsabi kay Aling Lupe at Mang Delfin."
Sumakay na ako ng tricycle dala ang lahat ng gamit ko. Nakasanayan ko ng magsinungaling kay Ate Ivy at sobrang na giguilty na ako. Kung hindi pa ako aalis sa bahay at baka lalong dumami ang kasinungalingan ko at baka mahuli na niya ako. Maganda narin itong naisip kong umalis nalang para wala narin akong iniisip.
Bago ako ulit sumakay ng tricycle papunta sa gubat ay namili muna ako ng mga gamit ko. Mabuti nalang talaga maraming tindahan dito at nabili ko ang lahat ng sa palagay ko ay kailangan ko. Ang problema lang sobrang dami at sobrang bigat. Nagsisisi tuloy ako kung bakit binili ko agad ng isang bagsakan.
Sumakay na ako ng tricycle at nagpahatid sa gubat. Hindi tulad ng mga nasakyan kong tricycle driver hindi ito nagtanong. Ang tinanong lang niya kung saan niya ako ihahatid.
Tinulungan pa ako ng driver ng ibaba niya ang mga gamit ko. Dinagdagan ko nalang ang ibinayad ko sa kanya at nagpa salamat naman ito. Pagtingin ko naman sa mga gamit ko ay bigla akong nanlambot. Hindi ko pa nga nabubuhat pero pagod na ako.
Gumawa nalang ako ng paraan para hindi ako mahirapan. Binuksan ko ang maleta ko at ipinasok yung ibang binili kong pagkain doon pati na yung portable stove. Yung iba naman hinayaan ko nalang sa plastic at isinukbit sa trolley suitcase bag ko.
"Ulysses!" Sigaw ko habang hirap na hirap sa paghila ng bag ko. May naiwan pa akong ibang gamit sa labas ng gubat nito.
"Ulysses!" Muling sigaw ko at buti nalang sa ikalawang pagkakataon sumulpot na ito sa harapan ko.
"Ano yang mga dala mo?" Natawang tanong nito ng makita ang mga gamit ko. Sumimangot naman ako.
"Mamaya ko na ikukwento sa'yo tulungan mo muna ako. May gamit pa akong naiwan sa labas kukunin ko lang." Sabi ko at iniwan sa kamay niya ang maleta ko.
Kinuha ko yung ibang gamit na naiwan ko at mabuti nalang ay hindi na iyon gaanong mabigat, pero mabigat parin. Ang gulo ko jusme! Ibig kong sabihin hindi na iyon kasing bigat nung sa maleta ko na sinaksak lahat doon.
Nakakailang hakbang palang ako ay nakita kona ulit si Ulysses at may kasama pa ito ngayon. Ang gwapo din ng kasama niya pero bata pa, parang teenager palang. Palagay ko lahat ng diwata mga gwapo at magaganda. Kung nakakalabas lang sila dito sa gubat hay na'ko! Pagkakaguluhan sila.
"Ano ba ang mga ito bakit ang dami mong dala?" Tanong ni Ulysses na kinuha sa kamay ko yung mga hawak ko.
"Mga gamit ko iyan dito na ako titira" sabi ko. Mukhang nagulat si Ulysses sa sinabi ko at napatulala sa'kin. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. "huwag kang mag alala hindi naman ako titira sa bahay niyo. Alam kong nandoon si Sebastian at hindi ako welcome doon' sabi ko nanunulis ang nguso. Kahit nakakahiya ay umaasa parin akong alukin niya na doon nalang tumuloy sa kanila.
"Kilala mo din si Immortal na Sebastian? Ikaw ba yung tagalupa na nobya niya?" Nangingislap ang mga mata sa tuwa na tanong ng kasama ni Ulysses.
"Uhm, Hi! Ako si Moira, anong pangalan mo?" Tanong ko
"Pasensiya na binibining Moira, tawagin mo nalang akong Red. Ako ang kanang kamay ni Ulysses" pakilala nito
"Ikinagagalak kong makilala ka, sana maging mag kaibigan din tayo" sabi ko naman sa kanya
"Oo naman binibini karangalan para sa'kin maging kaibigan ka" sagot nito na nagpangiti sa'kin.
***
Binuhat nina Ulysses at Red ang mga gamit ko na walang kahirap hirap at ipinababa ko nalang ang mga iyon sa may bandang talon.
"Ano ba ang gagawin mo sa mga dinala mo?" Tanong ni Ulysses na sumisilip silip pa sa mga plastic bags.
"Kasi umalis na ako sa bahay. Lagi nalang kasi akong nagsisinungaling kapag pumupunta dito. Akala nila niyan nasa byahe na ako papuntang Manila" sabi ko "hindi naman kayo magagalit kung magtatayo ako ng tent dito diba? Please?" Pakiusap ko pa
"Bakit hindi ka nalang sa bahay tumira?" Sabi naman ni Red. Napatingin naman kaming dalawa ni Ulysses sa kanya.
"Ayoko kasi sa bahay niyo, mas gusto ko dito. 'Yung tipong pagkagising ko makikita ko agad yung talon" sabi ko
."Ahh, sabagay maganda nga naman ang talon. Bago ako pumunta dito kanina nakita ko si Immortal na Sebastian, gusto mo bang tawagin ko siya?" Nakangiting tanong nito.
"Huwag na, pupunta 'yon sa kweba at magninilay. Alam mo namang ayaw naiistorbo nu'n kapag nagninilay siya" sabi ni Ulysses
"Mabuti pa tulungan niyo nalang akong itayo 'yung camping tent ko. Bibigyan ko nalang kayo ng premyo pagkatapos" pambobola ko sa kanila.
Dahil may instructions naman kung paano itayo 'yung tent ay nagawa din namin. Akala ko noong bilhin ko yung tent ay maliit lang pero good for four people pala.
Inayos ko agad yung loob ng tent at inilagay ang mga gamit ko. Bumili ako ng comforter set kanina at inilatag iyon sa loob. At least magiging komportable parin ako mamaya. Dahil may promise ako kina Red na bibigyan ko sila ng premyo ay inilabas ko yung isang pack ko na toblerone bite size at binigay sa kanila. Nagtaka pa sila noong una kung ano iyon pero ng sinabi ko na chocolates para silang bata na natuwa. At dahil natuwa din ako sa reaksyon nila binigyan ko rin sila ng tig isang Pringles.
****
BINABASA MO ANG
My Dear Guardian (COMPLETED)
RomanceSa gubat na kung saan paboritong pinupuntahan para pasyalan ni Moira noong kabataan niya, nakilala siya si Sebastian. May pagka masungit at suplado ang binata pero hindi ito naging hadlang upang mahulog ang loob niya dito. Pakiramdam pa nga niya ay...