one

915 23 1
                                    

A/N: This is an ABRIDGED and UNEDITED version of TPrY. Available po ang complete version nito in PDF format from Elisean Books for 249 Php. Purchase link is in my bio.

This will be updated weekly.

Thank you for supporting my work! ✨

C/W for the whole book na po, not just this chapter: mental health issues like depression, anxiety, panic attacks, mention of past self-harm, hospital emergency situations, traffic accidents. If these are triggers for you, please read with caution. Your mental health is more important than anything. Take care of yourself first! 

With that said, please bear in mind that this is also an unedited draft so marami pa pong mali (spelling, grammar, syntax, etc.) Ngayon pa lang, mag-so-sorry na po ako.

Thank you and I hope you enjoy this!

---

NANATILING nakahiga sa kama niya si Annelise Vargas, yakap ang isang malaking bag ng Clover Chips na inaalmusal niya, habang pinakikinggan ang World War III sa ground floor ng bahay nila. Mukhang back to normal ang takbo ng buhay ng mama niya at ng bunsong kapatid na noong isang buwan lang ay na-ospital matapos nitong muntikang mamatay sa alcohol poisoning.

Masyado kasing magkapareho ang ugali ng mama niya at ni Anne Marie. Parehong hindi nag-iisip bago magsalita, 'tapos pareho ring pikon. Kung hindi lang natakot ang mama niya na muntik nang mawala rito ang bunso nito, malamang kahit 'yung isang buwan ng katahimikan eh hindi nila pinagdaanan. Mukhang fully recovered na rin naman si Marie kaya ayan, tuluyan nang natapos ang ceasefire.

Bumuntong-hininga si Lizzy at pinuno ng chichirya ang bibig. Sa isip niya, mabuti na rin siguro na nagsasagutan na ulit ang dalawa. Isang buwan na rin naman kasi siyang hindi makahinga at namimilipit sa sakit ng sikmura niya sa kaba kakahintay na mangyari ito. 'Waiting for the other shoe to drop,' 'ika nga. At para sa isang taong tulad niya, mas mahirap 'yung naghihintay na may mangyari.

Annelise had been diagnosed with clinical depression and an anxiety disorder. Sa kabila ng gamot at therapy, isa siyang overthinker na ang talent ay ang gawing supermassive black hole ang isang problemang 'sing laki lang dapat ng butas ng karayom.

Hindi niya maintindihan ang mga salita dahil mula sa ibaba dahil sarado ang pinto pero naririnig niya ang tono ng mama at ng kapatid. Kung wala lang siyang hawak na Clover Chips baka nagkaroon na siya ng panic attack na kadalasang sagot niya kapag may nag-aaway.

Tumigil ang sagutan pero narinig niya ang padabog na mga yabag paakyat ng hagdan. Alam niyang si Marie iyon dahil hindi nagdadabog nang ganoon ang mama nila. Pigil ang hininga, hinintay niyang lumampas ng silid niya ang kapatid pero huminto ang mga yabag. Pagkatapos ay sinundan iyon ng mga katok sa pinto niya.

Pumikit si Lizzy, huminga nang malalim, nagbilang hanggang sampu pagkatapos ay bumangon. Pumasok si Marie ng silid niya nang buksan niya ang pinto at wala siyang nagawa kundi tumabi para hindi siya nito mabangga.

"Ate, may pera ka ba d'yan?"

Kumurap si Lizzy. Sabagay, ano bang ine-expect niyang dahilan kung bakit kakatok ang bunso nila? Hindi naman ito mahilig makipagkuwentuhan sa kanya.

"Magkano'ng kailangan mo?" tanong niya.

"One thousand lang. May school project lang ako na kailangang ihabol," sagot nito na nauupo sa kama niya. Kinuha nito ang bag ng chichirya na iniwan niya roon saka ito dumukot ng Clover Chips.

"Ang mahal naman ng school project mo."

Tumawa ito. "Mura na nga 'yan, Ate! Kasama na d'un 'yung pamasahe at pang-Jollibee ko." Muli itong sumubo ng chichirya. "Kay Ate Betsy sana ako manghihiram kaya lang wala pa siya, eh papasok na ako."

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon