LIFE AFTER that was close to perfect as far as Griff was concerned.
Naging permanenteng opisina na ni Lizzy ang ikalawang silid sa bahay nila. Maayos na iyon at naka-display ang koleksyon nito sa lintek na bookshelf na naitayo naman ni Griff. Naka-display sa mga pader ang ilan sa mga natapos ni Lizzy na cross stitch projects na ipina-frame ni Griff. May coffee table sa ibaba niyon kung saan nakalagay ang isang ten gallon tank ng isang kulay black at purple na betta fish na kasalukuyang bunsoy ni Lizzy. Isa iyon sa mga kalokohan—business ideas—ng girlfriend at ni Tatay Harold na may dugo pala talagang negosyante. Nag-bi-breed at nagbebenta na rin ng betta fish ang dalawa.Sa tabi ng aquarium ay ilang maliliit at malulusog na succulent na alaga—at negosyon pa rin--ng mga ito.
It was a nice, comfortable, homey space that was a mirror of who Lizzy was. It was also her safe space and sanctuary kaya tuwing gustong pumasok ni Griff doon, ay talagang kumakatok siya at nagpapaalam. She worked there, spent her time there when Griff was at work, and stayed there when she wanted solitude.
Nagpatuloy si Lizzy sa pagpapagaling ng depression nito. She regularly went to therapy, and sometimes, he went with her. Hindi naman dahil sa may problema sila sa relasyon nila dahil nanatili naman silang bukas at tapat sa isa’t-isa, pero gaya ng regular na pagbisita sa doktor para masiguro na malusog ang pangangatawan ng isang tao, mainam na rin na pumunta sila sa therapist para mas lalong mapatatag ang relasyon nila. Nabawasan na din nang nabawasan ang mga gamot na iniinom ni Lizzy, something she considered a huge win.
Nagsimula na rin itong sumama kina Selene at Juliette sa mga yoga classes. At minsan nang pumayag na maging speaker para sa mental health awareness campaign nina Juliette at Nyx. Si Griff na ang pinaka-proud sa lahat ng proud nang gabing iyon nang magsalita si Lizzy sa harapan ng maraming tao para ipaalam sa iba pang nakakadanas ng depression na hindi sila nag-iisa at may mga taong handang tumulong sa kanila.
Maganda din ang takbo ng karera ni Griff. Nanatili siya sa ER dahil ‘yun talaga ang passion niya. Hindi laging madali o masaya, pero kasama na niya si Lizzy sa bawat tagumpay at bawat pagkabigo niya sa trabaho. Kumbinsido si Griff that that made the difference.
Sa mga pamilya naman nila, given naman nang mas mahal ng mga Villar si Lizzy kaysa kay Griff kaya hindi na niya kailangang i-elaborate. Basta’t maganda ang relasyon nito sa pamilya niya. Sa mga Vargas naman, tinawagan na ni Marie ang papa nila na agad din namang pumayag na makipagkita sa anak. Magkasunod ding tumawag ang dalawa kay Lizzy para ikuwento ang magandang balita at magpasama sa kanya sa weekend na napagkasunduan ng mag-ama na magkita. Inaya ni Lizzy si Griff. Inaya ni Betsy si Milo. Inaya ni Marie si Wendy. At nang magkita-kita sila sa labas ng isang restaurant sa SM Megamall, sabihin na lang nilang akala ng mga nakakita sa kanila ay may shooting ng teleserye sa kung paano sila umiyak na magkakapatid habang yakap ng papa nila.
“Why are they crying, Kuya?” stagewhisper ni Jazz. Nakabalot ang isa nitong braso sa leeg ni Griff na may kalong dito habang nakabalot ang kabila sa leeg ni Milo na nasa tabi ng doktor.
“They’re happy, baby,” ani Griff. “Those are happy tears.”
Sa huli, kahit iyon na siguro ang pinakamalaking surprise sa buhay ng mga Vargas, si Marie pa ang naging pinaka-close na ate ni Jazzy. Kung dahil ba iyon sa ito ang pinakamalapit sa edad nito o dahil ito ang pinaka-isip bata sa kanila, hindi nila alam. Lizzy didn’t mind. Masaya siyang masapawan ng iba sa puso ni Jazzy basta si Ate Mawi iyon.
Si Tita Anna ang nagmatigas pero hindi naman ito sinisi ni Lizzy. Hindi naman nito puwedeng pilitin ang ina nito na patawarin ito. Gayunpaman, hindi nagkulang si Lizzy sa pagpapaalala rito na mahal at na na-mi-miss na nito ang ina, pero okay lang dito kahit gaano katagal pa ang kailangan ni Tita Anna na maghilom. Ibinalita na lang ni Marie minsan na nagpapasama raw ang mama nila sa therapy. Muling naiyak sa tuwa si Lizzy. Wala rin naman kasi itong hinangad para sa mama nito kundi ang paghilom ng sarili nitong mga sugat.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...