NGAYON lang na-appreciate ni Griff nang ganito ang rest days niya. Oo, hindi siya 100% na napapahinga, pero hindi naman niya sasayangin sa tulog ang mga oras na kasama niya si Lizzy ano. Sanay naman siya sa puyatan, kaya kahit walang tulugan, okay lang kasi kasama niya si Lizzy.
Matapos ang breakfast buffet ng tira nilang pagkain n'ung nakaraang gabi at pagkaing inihanda ni Nanay Flor, sinamahan (well, pinanood niya, mostly) si Lizzy na mag-yoga. She was getting better at it, and was actually talking about wanting to go to yoga classes. Siyempre, suportado ito ni Griff. Maganda naman talaga sa isip at sa katawan ang yoga pants—Ang yoga! He meant ang yoga. But those pants, man! They were doing amazing things for Lixzy’s butt.
Pinutol nito ang kadalasang isang oras na session dahil gusto raw nitong mas matagal mag-focus kay Griff. He didn't mind if she wanted to extend her session actually, because those pants! And her stretching while wearing those pants!
Matapos 'yun, tinulungan niya itong ayusin ang mga succulent na order daw ng mga kapitbahay nila na i-de-deliver ni Tatay Harold mamaya. Nang malagyan nito ng label at thank you notes ang maliliit na mga paso, inaya na siya nito sa kusina kung saan ito ang nagluto ng crispy tofu sisig na natutunan daw nila ni Nanay Flor mula sa isang celebrity chef sa YouTube. Nakangisi lang siya habang nakapangalumbaba at pinapanood ito mula sa kitchen island.
"Bakit?" tanong ng girlfriend nang mapuna siya nito.
Umiling si Griff pero hindi niya inalis ang ngisi niya. "Nabanggit ko ba kung gaano ako ka-proud sa 'yo? Kasi proud na proud ako sa 'yo."
She gave him a look that showed a mixture of confusion and amusement. "Para saan?"
Sumenyas siya para tukuyin ang kabuuan nito. "'Yan. Ikaw. Hindi mo ba napapansin kung gaano ka na nagbago mula n'ung una tayong magkakilala. You're keeping yourself busy, trying out things you used to say you wanted to try out but you were scared to. Sumasagot ka na sa tawag ngayon! And you're thinking about joining an actual yoga class, love. With other people!" Natawa ito. "And you're cooking!"
Nagliwanag din ang mukha ni Lizzy na para bang noon lang nito naisip ang mga bagay na iyon. "Oo nga ano?" She laughed again. "Dati, ganitong oras, nasa kama pa rin ako kasi wala akong motivation bumangon. 'Tsaka everyday na ako nagsusuklay ngayon!"
Si Griff naman ang natawa. Tumayo siya at lumapit dito. Nagpayakap si Lizzy sa kanya at inangat pa ang mukha sa kanya. Hinalikan niya ang kunot nitong ilong. "I'm so proud of you, and happy for you, love. I really am."
"Thank you," she said with a sweet smile. Hinalikan niya itong muli.
"After lunch, ano'ng gusto mong gawin?" tanong ni Lizzy bago siya tinutukan ng tong. "Huwag sex, walangya ka!"
Malutong ang tawa ni Griff bago muling niyakap at pinsil-pisil si Lizzy. "I love you."
"Love you rin."
Binitawan na niya ito para mabalikan nito agad ang niluluto. Excited din naman kasi siyang matikman ang crispy tofu nito. Bumalik siya sa puwesto niya sa kitchen island. "Gusto mo bang lumabas? Kasi okay lang naman. Okay lang din kung gusto mo lang dito sa bahay. Ituloy na natin 'yung One-Punch Man?"
Mabilis itong tumango-tango habang malaki ang ngiti. "May snacks pa ba tayo?"
"Di pa kumakain, snacks na agad?!"
***
MAY SNACKS pa sila, at kahit bagong kain, pareho na silang may hawak na bukas na bags ng potato chips (baked, reduced salt) habang magkatabi sa sahig ng sala kung saan sila nanonood ng anime. He was relaxed and happy and secure sa sarili niya. Secure din siya sa relasyon nila ni Lizzy in the way na secure ang isang tao matapos masigurong napag-usapan na nila lahat ng kailangang pag-usapan at malinaw na sa kanila ang bagong expectations at boundaries ng relasyon nila.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...