four

372 16 1
                                    

A/N: This is an ABRIDGED and UNEDITED version of TPrY. Available po ang complete version nito in PDF format from Elisean Books for 249 Php. Purchase link is in my bio.

This will be updated weekly.

Thank you for supporting my work! ✨

--- 

NOONG bata siya, automatic ang utak ni Annelise. May maririnig siya at automatic na alam na niya kung ikatutuwa ba niya iyon, ika-iinis, ikagagalit o ikababahala. Hindi niya alam kung kailan siya nagbago na bawat bagay na marinig niya ay nag-ti-trigger ng fight or flight response niya.

Pangit na balita? Ano'ng gagawin niya? Paano niya 'yun haharapin at lalampasan? Kaya ba niya iyon? Ha? HA? PAANO? PAANO? BAKIT BA GALIT ANG MUNDO SA KANYA?

Kung maganda naman ang balita, bakit? Gaano katagal 'yun? May kapalit ba 'yun? Ano na naman? Kaya ba niyang bayaran 'yun? Ha? HA? PAANO? PAANO NA NAMAN? BAKIT BA GALIT ANG MUNDO SA KANYA?

That was how she was. Nakakasawa, nakakapagod, paulit-ulit na walang katapusang cycle ng ups and downs. She fought with meds, therapy and sheer will pero minsan talaga...

Bumuntong-hininga si Annelise at kumurap sa kisame niya. Isang linggo na mula nang maging magkaibigan sila ni Griffith pero hindi pa niya tuluyang napoproseso ang napag-usapan nila. Siguro dahil pilit niya iyong itinutulak sa likod ng isip niya.

Kinabahan kasi siya n'ung unang beses niyang binalikan ang mga sinabi nito n'ung inihatid siya nito sa bahay matapos nilang mag-usap. Na-realize kasi niyang lahat ng sinabi nito ay mga bagay na minsan na niyang naisip na gusto niyang marinig mula sa isang lalaki.

Na naiintindihan siya nito, igagalang at aalagaan kung paano niya kailangang alagaan bilang little anxious baby girl. Pagkatapos ay pinatunayan iyon ng lalaki nang sumunod na mga araw.

At least three times a day itong mag-text na hindi nag-de-demand na mag-reply siya. Minsan siyang nag-text at inaya siya nitong lumabas, and she didn't feel pressured to make excuses. She told him directly and honestly na mas gusto niyang manood ng anime nang araw na 'yun. And what did Griff do? Said okay, enjoy, 'tapos nagpa-deliver ito sa bahay niya ng pizza, chicken wings at fries para daw may snacks siya habang nanonood.

That had been on day three. By day five, siya na 'yung nagpipigil na mag-text dito. At 'yun mismo ang dahilan kung bakit inis na inis siya. Kung sa sarili ba niya o kay Griff 'yun, kailangan niya ng isa pang session ng malalim na pag-iisip.

Sinulyapan niya ang telepono niya. Naka-silent 'yun pero alam niyang may text mula kay Griffith. Imposibleng wala.

Bumangon siya na hindi inaabot ang telepono, nag-inat-inat saka siya lumabas ng kuwarto. Magtitimpla lang siya ng kape 'tapos magtatrabaho na siya.

Natigilan siya sa gitna ng hagdan nang marinig na tumatawa ang mama niya.

Wow! Mukhang good mood ito ngayon ah. Sino kaya ang kausap nito? Malamang si Betsy. Malabong tatawa ito nang ganoon kung si Marie.

Nagpatuloy siya sa pagbaba pero muntik niyang malaktawan ang isang baitang at tumambling hanggang ground floor nang marinig ang tinig ng isang lalaki, specifically ni Griffith. Si Griffith na nagsabing magpapaalam ito kung pupunta sa bahay nila.

Sumilip siya sa baluster at umusok ang ilong niya dahil naroon nga ang lalaki. Nakaharap ito sa mama niya habang naka-upo ang dalawa sa sofa. Ikinakabit nito sa braso ng mama niya ang isang cuff.

"'Tapos pindutin n'yo lang 'to, Tita," anito habang may ipinapakita sa mama niya. "Siya na bahalang mag-pump ng hangin sa cuff."

Saglit lang ay narinig na niya ang robotic na tinig ng isang babae mula sa electronic blood pressure meter na hawak ni Griff na nagsasabi kung ano ang blood pressure ng mama niya, kung ilan ang heartbeats nito per minute, at na normal ang blood pressure nito.

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon