GINAMIT NI Griffith ang well-developed observation skills niya sa girlfriend habang nagmamaneho pauwi. Tahimik ito at malayo ang tingin pero hindi naman out of the ordinary iyon. Natural naman na tahimik at introspective si Lizzy. She did look tired though, at alam ni Griffith na mas emotional at mental iyon imbes na sa pisikal.
Pagdating nila sa bahay, siya na ang nagbitbit ng mga bag ni Lizzy lalo na't inatake na ito ng pagmamahal at doggy kisses ng mga aso niya at naging busy na ang girlfriend. Bumungisngis ito habang hinahaplos sa pagitan ng mga tainga sina Maki at Sushi, at nag-baby talk para sabihing na-miss nito ang dalawa kahit ilang oras pa lang naman mula nang umalis ang babae ng bahay.
Sumilip mula sa kusina si Nanay Flor. "O, kumusta 'yung kapatid mo?"
"Okay naman po. Kailangan daw pong i-MRI para sigurado pero maayos naman daw po."
"Magaling 'yung doktor na nag-asikaso," pabirong singit ni Griffith.
"Ah, sino? Si Grady?" nakangising balik ni Nanay Flor.
"Ngyeeeeeh," ani Griff saka tumatawang nagkalabitan ang dalawa. Natawa na rin si Lizzy sa kakulitan ng mga ito.
"Ay, Nay! Dito pala muna sa 'tin uuwi si Lizzy," anunsyo niya. Sa kabila ng dahilan kung bakit kailangang doon tumira ang girlfriend niya, hindi mapigilan ni Griff ang tuwa kahit pa hindi niya iyon maipakita. Kahit papaano, sensitive naman siya sa pinagdaraanan ni Lizzy.
"Ows?" Malaki ang ngiti ni Nanay Flor nang bumaling ito sa girlfriend niya. "Gaano ka katagal dito? Forever na?"
Muling natawa si Lizzy. "Hindi, Nay!" anito saka siya sinulyapan at binigyan ng mapagtanong na tingin na tila nanghihingi ng permiso. "Mga ilang araw lang po siguro."
He stroked her hair. "Sabi sa 'yo kahit forever na eh." Lizzy wrinkled her nose at him before letting out a soft smile, and then made his heart even happier when she tucked herself against his side. Tumungo siya para halikan ito sa tuktok ng ulo saka nag-angat ng mukha para makita ang ngiting tagumpay at tuwa ni Nanay Flor. Kumindat at nag-thumbs up siya rito at humagikgik ang babae.
"Eh sige na. Iakyat mo na 'yang mga gamit ni Lizzy. Tatawagin ko na lang kayo kapag oras na ng hapunan."
Nagpasalamat silang dalawa, at naalala ni Lizzy na isauli ang helmet ni Tatay Harold bago sila umakyat sa second floor. Hindi na nagpanggap na gentleman si Griffith. Idinerecho na niya ang mga gamit ni Lizzy sa kuwarto niya. Hindi tumutol ang girlfriend. She sat on his bed and absently petted his dogs while she fiddled with her phone.
"Check ko lang sila Papa ah," paalam nito, at nang tumango si Griffith, inangat ni Lizzy ang telepono sa tainga nito. Naibalita na ni Kuya Grady na okay naman ang MRI scan ni Jazzy pero naiintindihan ni Griffith ang concern ng babae.
Tumalikod siya at sinubukang hindi makinig sa usapan ng may usapan habang tahimik na kinukumusta ni Lizzy si Jazzy. Binuhay niya ang aircon at hinila na pasara ang mga kurtina sa bintana niya dahil alam niyang mas gusto ni Lizzy ang medyo madilim. Pinilit naman talaga niya na hindi makinig pero natuon ang tainga niya kay Lizzy nang mapunta sa nangyari sa opsital ang usapan.
"I'm sorry, Papa." Ba't ka nag-so-sorry?!, isip ni Griffith. Medyo ikinagulat niya nang sagutin siya ni Lizzy. "Hindi ko po alam. Pakiramdam ko may kasalanan ako eh."
Sumuko na si Griff sa pagkukunwari niyang bigyan ng privacy ang girlfriend.
"Huwag na muna, Papa. Si Jazzy muna ang asikasuhin ninyo. Saka baka lumala pa lalo kapag kausapin n'yo pa sila. Ako na lang po ang bahala."
And there she was again, trying to carry the weight of the world on her deceptively delicate shoulders.
"Huwag na nga po kayo mag-alala. Kay Jazzy muna kayo mag-focus. Pupunta po ako ulit d'yan bukas. Magpahinga na rin po kayo. Sige po. Bye, Pa. Love you rin po." Pinutol nito ang tawag at ibinaba ang phone sa mesa sa tabi ng kama bago ito tumungo para ibigay ang buo nitong atensyon kay Sushi na halos mag-stunts na sa paanan nito para pansinin ni Lizzy. Nagbukas si Griff ng bibig para sawayin ang alaga nang umakyat na sa kandungan ni Lizzy ang aso pero niyakap ito ng girlfriend niya at ibinaon ang mukha sa batok ni Sushi. Now he didn't have the heart to scold the dog since it looked like he was giving Lizzy the comfort she needed.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...