two

318 20 1
                                    

A/N: This is an ABRIDGED and UNEDITED version of TPrY. Available po ang complete version nito in PDF format from Elisean Books for 249 Php. Purchase link is in my bio.

This will be updated weekly.

Thank you for supporting my work! ✨

--- 

MAY MGA araw na kailangan ng dinamita para mapalabas si Lizzy ng bahay, pero may mga araw ding mas gusto niyang matulog sa talahiban sa gubat kaysa umuwi. Minsan, ibig niyong sabihin ay magpapaampon siya sa isa sa mga best friends niya o kung gusto niya mapag-isa at may extra siyang pera, maghahanap siya ng rental sa AirBnB para mag-staycation sa kung saang condo. Pero dahil madalas eh poorita siya, naghahanap lang siya ng fast food o coffeeshop na twenty-four hours bukas para tambayan.

Tulad ngayon.

Nagpaalam siya kay Betsy kung okay lang na sumabay siya rito at kay Milo papasok. Tatambay lang siya sa Jollibee o kaya sa Coffee Bean sa ibaba ng building ng mga ito sa Ayala para doon magtrabaho.

Ikinatuwa iyon ni Betsy. Minsan kasi nag-aalala ang kapatid niya na hindi siya naaarawan. Pero dahil si Betsy ay si Betsy, nag-alala rin ito na disoras ng gabi naman siya tatambay sa labas.

"Okay lang naman kasi kung sa itaas ka, Ate," sabi ng kapatid. Naka-upo ito sa tapat niya sa mesa, katabi si Milo, habang pinagmamasdan siya. "D'un ka na sa station ko magtrabaho. Okay lang naman talaga."

She gave her sister a reassuring smile. "Okay lang din naman talaga ako dito. Kumpleto ako sa gamit dito."

Sumenyas siya laptop, notebook, pouch ng ballpens at highlighters, phone, at powerbank na nakalapag na corner table na inangkin na niya. Bumili na rin siya ng large fries at extra drink na magsisilbing snack habang nagtatrabaho siya.

"Puwede ka rin naman d'un sa break room namin," giit ni Betsy. ""Tapos kung antukin ka, umidlip ka na lang sa sleeping quarters."

Pinilit niyang hindi lumabas sa boses niya ang frustration kasi alam naman niyang well-meaning ang kapatid. "Kung antukin ako, uuwi na lang ako. Okay lang talaga ako, Betsy."

"Kapag gusto mo na umuwi, text mo lang ako, Ate. Ihahatid na kita sa bahay," alok ni Milo.

Isa pa 'to eh. "Hala. Sa kalagitnaan ng shift n'yo?"

"Oo! Okay lang. Wala namang isang oras ang biyahe pauwi ng mga ganitong oras. I-lo-log ko na lang na naka-lunch ako." Siniko nito si Betsy. "Puwede mo 'ko samahan, baby. Para maka-biglang liko na rin tayo bago tayo bumalik."

Pinukpok ni Betsy ng fry sa ilong ang boyfriend na tumatawa bago siya muling binalingan ng kapatid. "Pero hindi nga, Ate. Kapag uuwi ka na, text mo ako. Ihahatid ka namin nitong si Mr. Biglang Liko."

Tumawa na rin siya. "Sige na nga. Mag-te-text ako. Saka dito lang talaga ako. Kung lilipat ako, d'yan lang ako sa Coffee Bean. Hindi ako lalayo, Mommy and Daddy, promise. Sige na. Umakyat na kayo. Okay lang talaga ako."

Halatang nagdadalawang-isip pa rin si Betsy na iwan siya. Protective kasi talaga ang kapatid sa kanya. Na-a-appreciate naman niya iyon at hinahayaan na rin niya kahit pa nahihiya rin siya sa kapatid. Ito kasi ang umako ng responsibilidad niya dapat bilang panganay mula nang magkasakit siya. Isa pa, utang niya ang buhay niya kay Betsy. Kung hindi siya nito pinilit at sinamahan na magpagamot, baka matagal nang tahimik si Lizzy sa kabilang buhay.

Sa mga pinakamadilim niyang oras, siyempre, hindi utang na loob ang tingin niya sa ginawa ng kapatid nang iligtas siya nito, pero mas madalas naman na siyang nagpapasalamat na buhay pa siya kaysa hindi.

Pabiro sana niyang ipagtatabuyang muli ang dalawa pero nagsimulang mag-vibrate ang telepono ni Milo na nasa ibabaw ng mesa. Tiningnan nito ang pangalan na nag-fa-flash sa screen, pagkatapos ay tiningnan siya nito bago sinagot ang tawag.

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon