seven

202 12 1
                                    

SAGLIT na inakala ni Griffith na nagkamali siya ng dinig kanina nang pumayag si Lizzy na umuwi kasama niya. He had launched into a lengthy speech to argue his point hanggang sa mapuna niyang nakatingala lang ito sa kanya at mukhang naguguluhan.

"Griffith? Sabi ko 'sige, uwi tayo sa bahay mo'." 

And that was the point when his brain short-circuited. 

Pero naka-recover naman siya agad at naigiya si Lizzy pabalik sa kotse niya at naipagmaneho pa niya ito pauwi. Sa kalagitnaan pa n'un, nagawa pa niyang makatawag kay Nanay Flor para magpaluto ng super special school canteen macaroni soup nito na may extra chicken at hotdog. 

Inabot ni Lizzy ang braso niya nang ihinto niya ang sasakyan at bumusina sa tapat ng isang two-story house na may puting gate at maliit na bakuran na puno ng halaman.

"Sandali. Bahay ba 'to ng parents mo?" nag-pa-panic nitong tanong.

"Hindi, bahay ko talaga 'to," he reassured her. Maybe he sounded a little too proud and why wouldn't he be? Unang pundar niya ang bahay na 'to. "Nasa kabilang street 'yung bahay ng nanay at tatay ko." 

"Akala ko kasi nakatira ka sa condo or something." 

"'Yun din 'yung una kong naisip, na mag-condo na lang. Pero halos pareho lang ng presyo 'yung bahay at condo eh. Saka gusto ko talaga ng sarili kong bahay kaya 'yan." 

Hindi muna niya binanggit na may kinalaman din 'yun sa romantic niyang puso na maagang naghanda para sa pagdating ng future misis niya at ng magiging mga anak nila. Baka kasi matakot si Lizzy, lalo na kapag malaman nitong ito ang unang babaeng dinala niya sa bahay niya.

Si Tatay Harold ang nagmamadaling lumapit sa gate para pagbuksan sila. Muling pinaandar ni Griffith ang sasakyan para maiparada niya iyon sa garahe. Patago niyang pinagmasdan si Lizzy. Kinakagat-kagat nito ang labi nito sa nerbyos. Sa palagay niya dahil ‘yun sa may makikilala itong ibang tao. Pero inalis nito ang seatbelt nito at sumabay sa kanya sa pagbaba ng sasakyan. 

"Ano na naman 'yang binubungkal n’yo, Tay?" tawag niya dahil may bahagi na naman ng hardin nila na may hukay.

"Pang gulay!" tawa ng hardinero na lumalapit sa kanya. Hindi nakalampas kay Griffith 'yung kinang sa mga mata nito nang tumaas-baba ang mga kilay nito. Tumango ito sa direksyon ni Lizzy na awa ni Lord eh curious na nakatingala sa second floor balcony at hindi nakatingin sa kanila. Inabot niya ang braso ng babae at lumingon ito sa kanya. 

"Lizzy, si Tatay Harold. Tay, si Lizzy po, kaibigan ko." 

"Good afternoon po, ma'am!" 

"Naku, huwag n'yo po akong i-ma'am! Lizzy na lang po," mahiyain nitong saad. Inilahad nito ang kamay kay Tatay Harold na halos malaglag sa hukay nang lumundag ito palayo na winawagayway ang sariling mga kamay.

"Naku, huwag na at marumi ang mga kamay ko!" tawa nito. "Thank you na lang, ma'am... Lizzy." 

"Hardinero namin siya mula pa n'ung bata ako pero dahil kinidnap ko 'yung misis niya, dito na rin siya sa 'kin nakatira. Pero d'un ang opisina niya kina Mommy," paliwanag ni Griff kay Lizzy. 

"Ahh." Tumango-tango ang babae. "Ang ganda po ng mga halaman ninyo. Pang magazine po." 

Kinilig naman si Tatay Harold. Malaki at masayahin ang ngiti nito. "Thank you. Eh araw, dilig, saka lambing lang naman 'yan. Eh, sige na, mainit dito. Pumasok na kayo. Nasa kusina si Flor, nagluluto ng merienda, 'yung super special sopas niyang pang karinderya." 

"Request ko 'yun eh," ani Griffirh. "Sunod na kayo sa loob para makakain!"

"Oo. Tatapusin ko lang 'to." Itinuro nito ang garden saka sila kinawayan at tinalikuran para balikan ang mga halaman. 

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon