seventeen

171 12 1
                                    

TW// There's a scene with depictions of a panic attack. If that triggers you, please read with caution. Take care of yourselves! 💜

NATULOY ANG usapan nila ni Betsy kinabukasan. Ikinuwento niya rito ang lahat mula n'ung una silang nagkita ng papa nila matapos sila nitong iwan hanggang sa makaharap ng mga ito ang kanilang mama at si Marie sa ospital matapos ang aksidente ni Jazzy. Tahimik lang ang kapatid niya habang nakikinig at si Lizzy na ang nagsabi na okay lang kung galit ito sa kanya. 

_"Hindi ako galit, Ate," anito na inaabot ang kamay niya. "Pero sabi ko nga, may tampo ako na hindi ninyo sinabi 'to sa 'kin. Pero siguro kahit 'yun naiintindihan ko kung bakit. Hindi ko sinasabing tama," mabilis nitong dagdag. "Pero naiintindihan ko."_

They both cried a little, hugged a lot, and became emotional again when Betsy asked if she thought it would be okay for her to meet Jazzy. Sinabi niyang ipapaalam niya sa papa nila pero sigurado niyang matutuwa si Jazzy na makilala ang isa pa nitong ate. 

At kung anim na pirasong chunky chocolate chip cookies ang kinain niya pagkatapos ng emotionally draining na usapan nilang iyon ng kapatid, deserve niya 'yun. 

Kung nang mga sumunod na araw ay nag-ubos siya ng sahod para maki-pasabuy ng dalawang large na fuwakororin ng ship niya sa favorite niyang anime matapos niyang malamang naka-block siya sa _Facebook_ ng nanay niya, deserve niya 'yun. 

At kung inaya niya si Griffith na mag-tub date ulit at lampas isang oras silang nakababad sa bath water na amoy cherry blossoms habang kumakain ng unli sushi mula sa isang sosyal na Japanese restaurant, deserve. Niya. 'Yun. 

They haven't talked about sex since the night after the hospital incident, pero first time sa buhay ni Lizzy na na-experience niya ang sexual frustration. Sa likod kasi ng mga moment-destroying na biro at beta male cuteness, may itinatago ring seduction skills si Doctor Villar. Skills na ginamit nito to "ease" her into sleeping together. 

Minsan, na-corner siya nito sa banyo. Binuhat siya nito at iniupo siya sa counter top sa tabi ng lababo. He caged her there with his hands on either side of her hips, then he wedged himself between her knees before he kissed her breathless. At nang halos hindi na siya makakita nang direcho at hindi na niya mahabol ang hininga niya, lumayo ito, binigyan siya ng adorable boy grin saka siya inayang mag-merienda.

The other time he was slow and deliberate as he kissed his way down the side of her neck, his fingers slowly, sloooowly unbuttoning her blouse. Akala niya ay lalagnatin siya. First time kasi nilang subukang magtanggalan ng damit. His lips had moved back up and he nipped just beneath her jaw as he pushed her blouse down her arms... Pagkatapos ay sinuotan siya nito ng higante nitong t-shirt para raw mas komportable siya sa /Slam Dunk/ marathon nila. Kinurot siya nito sa ilong saka siya iniwan para raw maghanda ng popcorn. 

Ang pinaka-frustrating para kay Lizzy? Sa dami ng nabasa niyang romance stories, wala siyang maisip na gawin para gantihan man lang ang panlalandi ni Griff. Kung bakit kasi mas tumatak sa isip niya ang mga episodes ng mga pinapanood niyang sports anime kaysa sa mga nababasang shoujo manga. Napa-research tuloy siya. In any case, she wasn't complaining. Researching seduction techniques was distracting her. At least hindi na niya naiisip (masyado) ang paghaharap nila ng Mama niya. 

Tahimik naman na sana siya. Busy siya sa trabaho at sa marami niyang bagong hobbies. Masaya siya na araw-araw kasama sina Griff. Pakiramdam niya ay mas close pa siya ngayon kay Betsy, sa Papa niya, kay Jazzy at maging kay Rowena. At kung nakunsensya siya dahil mapagpasalamat siyang hindi niya kasama ang mama niya sa bahay, iniisip na lang niyang may karapatan din naman siyang magtampo. Malamang naman ay siya rin ang unang mag-so-sorry at manunuyo, pero saka na. Pahinga muna siya. Sa ngayon, sarili muna, si Griff at trabaho ang focus niya. 

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon