fourteen

165 14 1
                                    

TW for masasakit na salita especially for someone like Lizzy 🙏🏽 Your well-being is more important! And if you're someone who's been told the same, don't listen to them. Don't believe them. The world is an infinitely better place with you in it. 🤗 

--- 

GRIFFITH was a relatively healthy person. As far as he knew, wala siyang sakit, physical or mental. Kulang siya sa tulog pero well-compensated naman iyon ng healthy eating at regular exercise. Kaya hindi niya alam kung bakit kasalukuyan yata siyang inaatake sa puso habang nakatayo sa corridor at kaharap ang walang kaalam-alam na si Marie na may masaya pang ngiti habang nakatingin sa kanila. 

"Marie," bulong ni Lizzy mula sa tabi niya at biglang gusto itong yakapin ni Griff, buhatin saka itakbo papunta sa isang ligtas na lugar bago pa maisip ni Marie kung ano ang nangyayari. 

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?" tanong ng babae na nakangiti pa rin pero kunot na ang noo sa pagtataka. "At kaninong baby--" she asked even as her eyes shifted towards the couple behind them. Noon nalaglag ang panga ni Marie at nanlaki ang mga mata nito, bago nanlisik. 

Humakbang na palapit si Griff. "Marie, puwedeng sa loob muna tayo?" Inabot niya ang pinakamalapit na door handle ng hindi niya alam kung anong silid. It could be a broom closet for all he knew. Pero tila hindi siya napansin ni Marie. Kay Lizzy ito nagtuon. 

"Sino ang batang 'yan, Ate?" tiim-bagang nitong tanong kahit pa imposibleng hindi pa nito alam. Nangangatal ang boses nito dala ng galit. 

"Marie," simula ni Lizzy. 

"May anak sila?" singhal ni Marie. "Alam mong may anak sila at hindi mo sinabi sa 'min?" 

Nilingon ni Griffith sina Lizzy at Jazzy sa tabi niya. Namimilog ang mga mata ng magkapatid at tila nakakapit sa isa't-isa. Parehong nakatitig kay Marie ang dalawa na para bang cobrang naghahandang manuklaw ang babae. 

And to make matters worse... 

"Marie? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa ako naghihintay sa 'yo ah!" inis na sabi ng tinig ng mama nina Lizzy. Iritado ang ekspresyon nito nang makalapit pero nang mapagsino nito ang cast of characters na nasa hospital hallway kasama nito, napalitan iyon ng gulat at ng matinding poot. 

Gumawa na ng executive decision si Griff. Hinila niya mula sa mga bisig ni Lizzy si Jazzy at inabot ang tila na-shock nang bata sa mama nito. "Nesty, pakisamahan na sina ma'am sa lab."

Pero dahil kailangang dumaan ng mag-ina kina Tita Anna at Marie, lumapit na muna si Griff para pasimpleng harangan ang dalawa kung sakaling biglang manugod ang mga ito. Hinawakan niya ang dalawa sa braso, just in time, dahil biglang lumipad ang kamay ni Tita Anna sa direksyon ni Rowena kasabay ng pagsigaw nito ng "walangya kang malandi ka! Mang-aagaw ng asawa!" 

Hinarangan na ni Griffith ang babae. Naprotektahan din naman nina Nesty at ng papa nina Lizzy sina Rowena at Jazzy, at hindi ito naabot ng galit na galit na si Tita Anna, pero tumili si Jazzy sa takot at muling nagsimulang umiyak. Mabilis na nailayo ni Nesty ang mag-anak, at mabilis din namang nailayo ni Griffith si Tita Anna. Nagsisisigaw pa rin ito at nagwawala sa galit kasabay ng pag-iyak nito. Niyakap na ito ni Griff kahit pa nanlalaban pa rin ito at sinusubukang makawala. 

"Hi, Doc Grace! Pahiram naman ako ng exam room mo, please?" bati ni Griffith sa gulat na gulat na doktor sa loob ng opisina kung saan niya dinala si Tita Anna. 

"Uhm, sure. Go ahead," anito na hawak pa rin sa ere ang kinakain nitong sandwich habang pinapanood sila. 

"Thanks!" Mabilis siyang umiwas sa claws of death ni Tita Anna. Halos buhatin na niya ang babae papasok ng maliit na silid. "Tita, please. Masama po sa inyo ito," aniya para piliting pakalmahin ang babaeng pinaupo na niya sa kama. 

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon