twelve

185 14 1
                                    

A/N: Hello! Medyo may mild spice 🌶️ po ang chapter so again, might have to remove from here kasi strict daw sila sa N/S/F/W content ahaha delicades. Pero mild lang naman po. More on the topic rather than what happened. But still, paalam ko lang po. 🤭

--- 

“WE CAN stay longer kung gusto mo pa,” ani Griff nang mapuna niyang parang disappointed si Lizzy na uuwi na sila. Ikinagulat pero ikinatuwa niya ang naging obvious closeness nina Lizzy at Juliette. Nagpalitan na ng numbers ang dalawa. Malaking hakbang iyon dahil nga takot sa phone notifications si Lizzy. Himala lang (o tapang na dala ng kalasingan) ang makakakumbinsi ditong ibigay ang number nito sa iba. 

“No, it’s okay,” anito na humilig sa kanya habang hinihintay nila ang pagdating ng elevator. Humikab ito. "Naparami yata 'yung nainom ko."

Namilog ang mga kata ni Griffith. "Hindi nga?" biro niya kaya siya muling nakurot. He laughed and wrapped an arm around her shoulders. And when the elevator doors opened, he led her inside. 

“Ba’t ganyan ka makangisi?” kunot-noo nitong tanong nang mapansin sa salamin sa harapan nila ang ekspresyon niya.

“Kasi hindi kita puwedeng ihatid sa inyo na ganyan ka,” masaya niyang sabi. “Papaluin tayong dalawa ni Tita Anna. Ibig sabihin, sa ‘kin ka na uuwi ngayong gabi.” 

“Wala akong dalang damit.”

“Kailan ba natin naging problema 'yun?" pilyo niyang saad. “Isa pa, tayo naman na. Legal ko nang puwedeng ipakita sa 'yo ang puwet ko.” 

Umikot ang mga mata ni Annelise. “Kahit naman n'ung hindi pa tayo eh willing ka nang magpakita ng puwet sa 'kin ano!”

"Oo nga. Ikaw lang naman ang pakipot eh. 'Tapos malaman-laman kong interesado ka palang malaman kung may kinks ako. Aaminin ko naman sa 'yo eh. Hindi mo kailangang kay Juliette pa itanong." 

"Eh nahihiya ako eh," she replied in an uncharacteristically whiney voice that made her about a thousand times more adorable to him. 

"Ngayon ka pa nahiya." Pinisil niya ang balikat nito at mas mahigpit itong niyakap. Tiningala siya ni Lizzy na may expression ng isang spoiled brat na hindi napagbigyan na bagay na bagay sa tono nito kanina. Mas lumaki ang ngisi ni Griff. "You really want to know what my kinks are?"

"You... really have kinks?" tanong ni Lizzy na tila biglang nag-alala.

Hindi niya kaya 'yung smouldering, sexy looks ng mga alpha male heroes sa mga libro so he gave it his own spin. Binigyan niya ito ng pinaka-convincing niyang manyak look. At gamit ang isang mababa at husky na tinig, sinagot niya ito. "Paano kung sabihin ko sa 'yong I'm into pain?" 

Kumurap si Lizzy. Pagkatapos ay inabot nito ang tainga niya saka siya piningot. Humiyaw siya at ibinaba ang ulo para hindi masyadong masakit. "Joke lang! Joke lang! I don't like pain! I don't like pain!" 

Tumawa siya nang itulak siya ni Lizzy at muli itong niyakap. "Hindi na! Ito na. Seryoso na. Romance talaga ang kink ko."

She looked confused. "Huh?" 

"Romance," ulit niya. Bumukas na ang mga pinto ng elevator at giniya niya palabas sa parking garaga si Lizzy. "Candlelit dinners, flowers, chocolates and champagne, holding hands, cuddling under a blanket while stargazing, slow dancing in the moonlight, gan'un. That's what gets me off." 

"Really?" napapangiting tanong ng girlfriend na parang ikinatuwa ang sagot niya.

"Yeah." Sinulyapan niya ito. "Kahit sa p0rn, mas gusto ko 'yung amateur kasi totoong couples 'yung mga nasa video. Alam mong totoo 'yung romansa at hindi scripted."

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon