KAHIT puyat at maaga ang shift, maganda ang gising ni Griffith. Kahit pakiramdam niya ay twenty minutes lang siyang nakatulog sa magdamag, mataas ang energy level niya. Kahit pa iniwan niyang mahimbing na natutulog si Lizzy at sinimulan ang shift niya sa pamamagitan ng pagsalubong sa buena mano niyang pasyente na isang lalaking lasing na nahulog sa kanal at kinailangan ng tahi sa noo, pinilit ni Griffith na manatiling positibo. Kahit pa kinailangan niyang mag-shower at magpalit ng scrubs dahil amoy magkahalong estero at gin siya matapos gamutin ang lalaki.
Nag-text siya kay Lizzy nang dumating siya sa ospital pero first break na niya, hindi pa rin ito nag-re-reply. Kay Nanay Flor siya sumunod na nag-text. Hiniling lang niyang alagaan nito si Lizzy at na huwag ito hayaang magutom. Si Nanay na ang nagsabing hindi pa bumababa ang girlfriend niya. Baka tulog pa. Hindi raw lasing kagabi ah. Pero kahit na. Pag-uwi ni Griff mamaya, mag-uusap sila. At sana—SANA!
Pinigil niya ang imagination. Mahirap nang magka-erection nang naka-scrubs.
Pasipol-sipol pa siya habang nag-u-update ng isang file nang makarinig ng komosyon sa entrance. Dahil trained na mabilis mag-react at kumilos, tumatakbo na si Griff bago pa niya mautusan ang katawan niya para salubungin ang lalaking humahangos na may kargang batang babae na duguan at walang malay.
"Tulong po," pagsusumamo ng lalaki na halatang nasa bingit na ng histerya pero pinipilit na manatiling kalmado. Kinuha ni Griffith ang bata mula rito at inilipat iyon sa gurney na inihabol ng isang staff sa kanya.
"Ano pong nangyari?" tanong niya habang chini-check na ang vitals ng bata.
"Sabi po n'ung nagbabantay, nahulog daw po n'ung umakyat sa monkey bars. Nabagok daw po," kuwento ng lalaki na mukhang ama ng bata. "Doc..." Huminto ito pero nabasa ni Griff ang gusto nitong sabihin.
/Huwag n'yong pabayaan ang anak ko./
Tumango si Griff para ipakitang naiintindihan niya, saka siya sumenyas sa isa pang miyembro ng staff niya para ito ang gumiya sa lalaki sa reception para makuha nila ang mga detalye ng bata, at kung kailangan, bigyan din ng tubig o gamot si tatay dahil gaya ng kadalasang kasama ng mga nagiging pasyente ni Griff, mukhang mahihimatay na ito sa takot.
Mabilis nilang ipinasok ang bata sa isa sa mga cubicles at nilinis ng isang nurse ang dugo sa mukha into habang naghahanda si Griff. Nang tingnan niya ang bata, para siyang tinamaan ng kidlat.
The little girl had a childish version of Lizzy's face.
---
INUNTOG-UNTOG NI Lizzy ang noo sa counter top ng kitchen island kasabay ng masayang tawa ni Nanay Flor.
"Ano naman ang masama d'un?" Ibinaba nito ang isang mug ng kape sa harapan niya saka ito naupo sa katapat na stool na para bang naghahanda ito para sa isang mahaba at malalim na talakayan. "Ano naman kung sinubukan mo siyang i-seduce? Boyfriend mo naman siya ah. Bakit? Lalaki lang ba ang may pangangailangan?"
She whined. "Pero nakakahiya, Nay! Hindi naman kasi ako gan'un. Ngayon lang ako..." Huminto siya para mag-isip ng tamang salita para ilarawan ang ginawa niya kagabi.
"Naglandi?"
"Naaaaay," ingit niya na muling ikinatawa ni Nanay Flor. Muli niyang ibinaba sa mesa ang mukha.
"Bakit ba? Wala namang masama d'un! Ang masama eh kung sa ibang lalaki ka naglandi! Teka, /nahihiya/ ka ba na ginawa mo 'yun o mas /napahiya/ ka kasi nagpaka-gentleman si Griffith?"
Ni hindi niya kailangang mag-isip at hindi siya nag-atubiling umamin. "Pareho po." Tumawa si Nanay Flor. Bumuntong-hininga si Lizzy at tumuwid na. Inabot niya ang mug ng kape. "Pero ngayon medyo kabado ako, Nay. Kasi mamaya raw, pag-uwi niya..."
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...