twenty-two

194 13 2
                                    

"I THINK she's faking it," malungkot na sumbong ni Griff kay Jeff habang nagbibihis sila bago ang simula ng shift. Nilingon siya ng best friend na nanlalaki ang mga mata sa pag-aalala. "Si Lizzy. I think she's faking it. I don't know. Pakiramdam ko lang naman." Nagkibit-balikat siya.

"Ah, uhm..." Tumikhim si Jeff. "Ano kasi. Baka ayaw niyang saktan 'yung feelings mo? I'm sorry, dude," pagtatapos ng kaibigan na sympathetic ang boses.

"Hindi ko alam kung saan ako nagkamali o nagkulang eh. Nagtatanong naman ako kung ano ang gusto niya pero hindi naman siya nagsasabi. At least, lately hindi na siya nagsasabi. She barely talks to me."

"Uhm, ibase mo na lang sa body language? Kasi minsan nahihiya ang mga babae na magsabi."

"Oo nga pero wala naman kaming communication issues ni Lizzy," sabi niya na sinabayan ng self-reflection ang pag-iisip ng mga dati nilang usapan ng girlfriend. "Honest naman siya sa 'kin 'tapos alam naman niyang hindi ako magsisinungaling sa kanya. Ngayon lang naman talaga ako hindi masyadong nagsasabi kasi pakiramdam ko may nagsisimula na naman siyang depressive episode. Which is why I'm thinking that she's faking it."

"Dude, baka naman kaya gan'un. Di ba apektado rin ng depression ang sex drive?"

Kumunot ang noo ni Griff. "Oo. Yata. Apektado ba?" Bigla siyang napalingon kay Jeff. "Teka, ano'ng kinalaman ng sex drive dito?"

Kumurap ang best friend. "Ah, hindi ba 'yun ang pinag-uusapan natin? Sabi mo Lizzy was faking it."

Hinampas niya ng t-shirt ang kaibigan. "She's faking being happy, ungas!"

Malakas ang tawa ni Jeff. "Ahhh! Langya, akala ko orgasm ang fine-fake niya!"

"Tarantadong 'to! Akala ko naman kung anong body language ang pinagsasasabi mo!"

Hinihika na ang best friend sa tabi niya. "Pero pinag-alala mo talaga ako, dude! Bibigyan na sana kita ng refresher sa female anatomy eh! Hindi ako papayag na mababa ang rating mo sa mga ganyan!"

Binigyan niya ito ng isang huling hampas bago isiniksik sa loob ng bag ang t-shirt niya. "Langyang 'to. Magaling ako d'un! Ang ibig kong sabihin eh parang malungkot si Lizzy ngayon at parang kasalanan ko."

"Eh madalas naman talaga kasalanan natin," hagikgik pa rin ni Jeff habang nag-aayos na ng sariling bag. "Ano ba kasing ginawa mo?"

"Wala," agad niyang sagot pero agad ding napa-isip.

"Eh ayan 'yung mukha n'ung lalaking may mali talagang ginawa."

Nilingon niya ulit ang kaibigan. "Mali ba na gusto ko siyang protektahan sa trabaho natin? Alam mong may depression siya, dude. Minsan malungkot siya kahit wala namang external na dahilan. Paano kung ikuwento ko pa sa kanya 'yung nangyari sa pamilya ni Kylie?"

Bumuntong-hininga ang kaibigan. "Hindi ako therapist at wala akong experience sa depression, pero may experience akong maging best friend mo. Isang tingin ko lang d'yan sa mukha mo, alam ko na kung may problema ka. Kung tanungin kita 'tapos ayaw mong sabihin sa 'kin, hindi kita pipilitin pero medyo mag-aalala ako. Iisipin ko na baka kailangan mo lang ng time. Pero kung matagal na at mukhang okay ka na, 'tapos hindi mo pa rin sinasabi sa 'kin kung ano 'yung naging problema mo, magtatampo na ako. Iisipin ko nang ako 'yung may pagkukulang sa 'yo kaya hindi mo ako pinagkatiwalaan. 'Tapos magsisimula na akong mag-inom, manigarilyo at mag-drugs hanggang sa kailangan ko nang magpa-rehab kasi sobrang apektado na 'yung utak at katawan ko na hindi na ako 'yung Jeff na kilala mo at natatakot ka na kasi baka mabalitaan mo na lang na inubos ko na 'yung savings namin ni Selene sa shabu 'tapos ipinadampot na ako ni Mommy sa mga pulis habang umiiyak siya at sumisigaw ng ginawa ko 'to, anak, kasi mahal kita. Para sa 'yo rin 'to! 'Tapos dadalawin mo ako at itatanong kung bakit ko 'to ginawa sa sarili ko kasi hindi mo alam na ikaw ang may kasalanan. Hindi ka pa ba mag-re-react? Nauubusan na ako ng sasabihin!"

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon