CW// Nightmare images and blood (in the context of nightmares).
---
SA PAGOD ni Griff, mga sampung minuto na siyang nakatulala sa locker niya, hindi pa rin niya nagawang kumilos para gumayak pauwi. The night kept playing in his mind like a horror movie on repeat. Kasama 'yun sa trabaho niya pero hindi yata masasanay si Griff sa mga ganoong eksena.
He shuddered and clenched his hands into fists before slowly opening his fingers again. Malinis na ang mga kamay niya pero nakikita pa rin niya ang dugo sa mga iyon. He could still see the broken bodies—
Noon siya tumayo at lumapit sa locker niya para abutin na ang bag niya. Kailangan niyang may ibang gawin para hindi na maisip ang pangyayari kagabi.
Nag-shower muna siya. Kinuskos niya ang balat na para bang maaalis kasama ng dead skin cells ang alaala ng dugo. Pagkatapos ay nagbihis na siya at nagmamadaling umalis bago pa siya maabutan ni Jeff. Parang hindi niya kayang humarap sa kahit na sino sa trabaho. Isang tao lang ang gusto niyang makita ngayon. He didn't even want to talk. He just wanted to go home to Lizzy, hold her, and just ground himself. (Puwede rin sanang "grind himself against her" pero masyado yata siyang pagod.)
Hindi niya alam kung paano siya naka-uwi sa totoo lang. Naka-autopilot siya. Nagpapasalamat lang siya na hindi siya naaksidente o nagkaroon ng traffic violation. Or did he? Wala talaga siyang naaalala sa mga pangyayari matapos niyang lumabas ng ospital.
It was nearly 10 PM, the day after the accident. By that time, he'd been awake for... He had no idea. More than 36 hours, definitely. He was powered by at least two twenty-minute naps and maybe two or three bottles of Lizzy's favorite energy drink na lagi niyang sinasabing tigilan na nitong inumin. Sa ngayon, humahabol na ang puyat, pagod, adrenaline crash, emotional vulnerability at self-doubt na nagsasabi sa kanya na kung mas ginalingan lang niya, kung mas mabilis sana siyang gumawa ng desisyon, kung mas mabilis siyang kumilos—
Binigyan niya ng maliit at pagod na ngiti si Nanay Flor nang salubungin siya nito. Nagsabi siyang pagod lang talaga siya kaya hindi na muna kakain at na didirecho na lang sa tulog. Hinanap niya si Lizzy at sinabi ni Nanay Flor na kakaakyat nga lang daw nito sa silid nila. Nagpaalam na siya at sumunod na sa itaas.
He couldn't wait to see her, hold her, lose himself in her. He needed her so bad that his hands were shaking. Pero noon siya natigilan sa hallway, at sa kabila ng kagustuhan niyang tumakbo papunta sa girlfriend, binagalan niya ang paglalakad hanggang sa tuluyan na siyang huminto.
Lizzy had her own demons to fight. She didn't need his, not even for one night. Not even for one second. Huminga siya nang malalim at ginaya ang breathing exercise na paborito rin ni Lizzy. Breathe in through the nose for four seconds, hold for seven, exhale through the mouth for eight. Nag-practice din siya ng ngiti dahil ayaw niyang mukha siyang batang na-api kapag makita siya ng babae. And, taking another page from his girlfriend's book, nag-practice na rin siya ng script ng sasabihin, 'yung masayahin at assuring, 'yung hindi mag-aalala si Lizzy.
O puwede rin siyang magdasal na sana eh tulog na ito.
No luck though. Dahil kung tulog man ito, malamang eh nagising na ito ng raket nina Maki at Sushi na kumakahol na sa loob ng silid bago pa man makalapit si Griff sa pinto. At hindi pa niya nakukuhang kumatok, bumukas na iyon at sinalubong siya ni Lizzy na may pag-aalala sa mga mata. Nakasuot na ito ng pantulog (lumang t-shirt ni Griff and boyshort panties, favorite niya sa lahat ng get up ni Lizzy).
Binigyan niya ito ng isang malaking ngiti at isang masayahing, "hey!"
"Hey," balik nito habang pinagmamasdan siya. Her eyes were probing, too knowing, as if she could see into his soul.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...