SHE FELT NUMB. And cold. And strangely floaty, like she was watching herself from outside of her body. Hindi niya alam kung kailan siya natuto mag-astral project pero gan'un ang pakiramdam. It was Griffith's hand that kept her grounded, Griffith's warmth that kept the cold at bay.Inuulit-ulit ng utak niya ang isinigaw sa kanya ng mama niya na may kasabay pang commentary ng sarili niyang isip na nagsasabing deserved niya ang galit nito. Sang-ayon naman siya. Deserved niya 'yun.
Eh 'yung sinabi nito, deserve ba niya 'yun? Depressed Lizzy says "absolutely!" Rational (i.e. Medicated) Lizzy says "aw, hell, no!"
She decided to listen to Rational Lizzy.
Kahit ano'ng nagawa niya, hindi niya deserve ang sabihan na sana namatay na lang siya. She was grateful that she wasn't in a depressive episode, or she would have believed her mother. Dinamdam niya iyon malamang, at hinayaang lasunin ng mga salitang iyon ang isipan niya. Buti at maayos siya ngayon, kahit papaano.
Kaya kahit manliit siya sa hiya, kinapalan na talaga niya ang mukha at hiniling nang ibahay muna siya ni Griffith. Hindi niya alam kung paano niya haharapin ang sariling ina. Hindi kasi sakit 'yung nangibabaw nang sigawan siya nito kanina. It had been rage. Almost uncontrollable, violent, incandescent rage that scared Lizzy more than anything else would have. Bihira kasi siyang magalit, at isa iyon sa mga emosyon na pinaka-ayaw madama ni Lizzy. Because anger leads to hate, and hate leads to suffering. And, apparently, to quoting /Star Wars/.
Ibinalot niya ang sarili sa isang protective shell na gawa sa sheer force of will at sa presensya ni Griffith, so she was able to keep functioning and made it through without a meltdown so far. Saka na. May tamang oras para roon at hindi ngayon iyon. She'd have to remember to schedule that too, but not today. Not today.
Iniliko ni Griffith ang sasakyan sa street nila, at bago pa maisip ni Lizzy na sana ay kasalukuyang tulog si Betsy para hindi niya kailangang harapin ang kapatid, nakita na niyang nakaparada sa labas ng bahay nila ang kotse ni Milo. Nakikinita na niyang medyo magiging mas awkward ito para sa kanya kung gising at nasa ibaba ang dalawa.
At, siyempre, dahil galit sa kanya ang universe, nasa sala ang kapatid niya at ang boyfriend nito nang pumasok silang dalawa ni Griffith ng bahay.
"Hey!" bati ni Betsy bago napalitan ng pag-aalala ang masayahin nitong ekspresyon sa mukha. "Hey," ulit nito na iba na ang tono at nagtungo kay Griffith ang mapang-akusang paningin nito. Nanatiling naka-upo sa sofa si Milo, nagpapalipat-lipat ang mga mata sa kanilang tatlo.
Huminga nang malalim si Lizzy. Nang magsalita siya, walang nginig sa boses niya. "Betsy, kailangan kitang maka-usap."
Kumurap ang kapatid. "Uh, sure. Gusto mo ba sa taas—"
"May kapatid pa tayo," bigla na lang niyang sabi bago pa magsimulang mag-proseso ng flowchart ang utak niya para sa kung paano aaminin kay Betsy ang lahat. Alam niyang hindi lang ang kapatid niya ang nabigla. Maging si Milo sa sofa ay natigilan. Sa likuran niya, parang narinig niyang nabilaukan si Griffith.
Kumurap si Betsy at ipinilig ang ulo. "What?" kunot-noo nitong tanong.
Still feeling numb, she met her sister's eyes. "May kapatid pa tayo na mas bata kay Marie. Anak ni Papa at ni Rowena. She's three."
"Paano mo nalaman?"
/Here we go./ "I was there when she was born." Hindi pa rin siya nag-iwas ng tingin nang mamilog sa gulat ang mga mata ni Betsy. Will you look at that? Depression has made her braver... O puwede ring dahil matagal naman na siyang suicidal kaya wala na siyang pakialam kung bigla siyang sakalin ng kapatid ngayon.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...