nine

179 13 2
                                    

Iniliko ni Griffith ang kotse nito papasok sa gates ng NCMH. Nang maiparada na nito sa tapat ng pavilion kung nasaan ang outpatient services, sabay silang bumaba ng sasakyan. Kinuha ni Griff ang kamay ni Lizzy at naglakad na sila palapit sa gusali. 

Gaya ng dati, ito ang nakipag-usap para sa kanya. It was one of the things she most appreciated about him. Hindi nito nakakalimutan ang social anxiety niya. 

"Nasaan 'yung mochimochi mo?" tanong nito habang naghihintay sila sa labas ng clinic.

She almost forgot that. Kinuha niya ang plushie mula sa bag niya. "Hawak ko na kasi 'yung kamay mo kaya nakalimutan ko na siya," biro niya. 

"Aww," sabi ni Griff. Kahit pabiro rin ang tono nito, kita niya na na-touch ang lalaki. Her lips quirked, then she let out a full grin nang ngumuso ito para manghingi ng kiss. Pero bago pa ito mapagbigyan o maitulak palayo ni Lizzy, narinig niya na may tumawag sa pangalan nito. 

Isang matangkad at magandang babaeng mukhang endorser ng Korean beauty products ang nakatayo sa di kalayuan. Namimilog ang mga mata nito bago ito masayang ngumiti nang lingonin ito ni Griff. Nakasuot ito ng pink na blouse at itim na slacks, may nakabitin na mamahaling bag sa isang braso at nakasuot ng red-soled high-heeled pumps sa mga paa. She looked elegant and classy and expensive, at kung tumabi si Lizzy dito sa suot niyang maong, lightweight pullover at sneakers, magmumukha siyang PA nito. O kaya ay yaya.

“Juliette.”

Napalingon si Lizzy kay Griffith. At ba’t may something sa pagkakasabi nito sa pangalan ng babae? Parang pabulong na may lambing. At may something din sa mukha nito, gulat na napalitan ng tuwa. Tumayo si Griff at iniwan siya—iniwan siya ng walangya!—para salubungin ang babaeng yumakap dito at humalik sa pisngi nito.

“My god, Griff,” sabi ng babae na nasa isang pisngi pa rin ni Griff ang isang palad habang pinagmamasdan ito mula ulo hanggang paa. “You look good!”

“Thanks. Ikaw rin.”

"Nag-gy-gym ka na ba ngayon?"

"Ha? Hindi! Ako pa!" 

Sa puntong ito, hindi pa rin nakakagalaw sa gulat niya si Lizzy. Maging ang depression at anxiety niya ay na-shock yata. Hindi agad nakapag-suggest ang mga ito ng mga negatibong kaisipan tungkol sa future boyfriend niya at sa babaeng nakahawak rito.

At iyon ‘yun eh. Kung paano nito hawakan si Griff, there was no way they didn’t use to sleep together. Malamang ex ito ng lalaki.

“How are you? What are you doing here?” tanong ulit ni Griff. Pero at least binitawan na nito ang babae.

“I’m great! I’m here in behalf of my mom. She’s organizing a fund raiser for the hospital and I’m here to help coordinate with them.”

/Oh, of course. Maganda na, may ipinaglalaban pa. Paano nga ulit napadpad si Griff sa ‘kin?/

Si Lizzy na ang naka-isip niyon dahil speechless pa rin ang depression at anxiety niya.

“What are you doing here?” tanong ni Juliette.

“I’m with my...”

/Ayusin mo ang sasabihin mong walangya ka!/

“Friend,” pagtatapos ni Griff na lumingon sa kanya.

/Friend?!/ Natigilan siya bago pa umusok ang mga butas ng ilong niya. /Well, yeah. Tama naman. Hindi mo pa siya sinasagot di ba?/

Inilahad ni Griff ang palad sa kanya at bago pa niya malaman ang ginagawa, ipinatong na niya ang kamay sa palad nito at nagpahila siya patayo para makalapit.

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon