A/N: Lagi ko nalilimutan mag-update ng Wattpad. I'm so sorry. Post ko na lang ngayon para wala nang antayan. 😅
The complete, unedited version is available in my Ko-fi (monthly membership tier).
The complete, edited version is available as a digital download from Elisean Books.
Links to both are in my profile.
Thank you for supporting my work. ✨
TW // Depression, panic attacks and self-harm
💟
HE WAS not happy. Ang totoo, nag-aalala na talaga siya.
Matapos ang date nila noong hinintay siya ni Lizzy nang mahigit tatlong oras, akala ni Griffith okay na. Parang nabawasan na ang pag-aalangan at kung anumang reservation mayroon si Lizzy sa kanya.
Sa Shangri-La sila pumunta para maiba naman. Kumain sila, at hindi man niya ito nalambing na manood ng sine, inaya naman siya nitong maglakad-lakad hanggang sa maggabi na.
Inihatid niya ito sa bahay at naka-kiss siya ulit sa pisngi nito—may paalam na—bago niya ito inihatid sa gate ng bahay nito. Nagpalitan sila ng text, and she’d seemed fine. Masayahin pa nga ito eh. Pero dumalang ulit ang reply nito hanggang sa wala na naman. He felt… Ano’ng tawag ng kabataan d’un? Ghosted?
Ang masama pa, hindi siya puwedeng magreklamo o mag-demand na pansinin siya nito. Kasama ito sa usapan nila, na maging maramot ito at unahin nito ang sarili.
Which was why he was worried. Inuuna ba nito ang sarili dahil kasalukuyan itong may pinagdaraanan? He hated not knowing.
Nang manghingi siya ng payo kay Jeff, siyempre hindi na naman ito nakatulong. Baka ilusyon lang daw niya ‘yung kung ano man ‘yung akala niyang mayroon sila ni Lizzy. Ni hindi pa nga kasi siya nakaka-totoong kiss dito. Minsan lang niya mahawakan ang kamay nito. At ‘yun nga, ni hindi siya nito ni-re-replyan sa text.
Kumbinsidong-kumbinsido si Jeff na wishful thinking lang niya ‘yung may kung anong ibang ibig sabihin ‘yung pagsubo nito sa kanya ng chocolate n’ung dumalaw siya rito.
Bagong singhot ka kasi n’un ng Baygon, sabi ng walangya. Kaya kung anu-anong naisip mo. ‘Tsaka sinabi naman kasi niya nang malinaw na ayaw niya mag-boyfriend, dude. Kung mayroon ka mang nakikita sa mga kilos niya ngayon, ikaw na lang ang nagbibigay ng malisya d’un.
Bakit nga ba niya best friend ang gagong ‘to? Ni hindi man lang siya masuportahan sa mga ilusyon niya!
Pero hindi maalis ‘yung pag-aalala niya. He had to know how she was, kahit para lang sa sarili niyang peace of mind. Dadaan lang siya sa bahay ng mga ito. Kukumustahin niya ito sa mama o sa mga kapatid nito saka niya iiwan ang mga chichirya na binili niya para rito.
Nag-text siya, siyempre, pero hindi na siya naghintay ng reply. Basta alam ni Lizzy na darating siya, bahala na ito kung haharapin siya nito o hindi.
Inihinto niya ang kotse niya sa tapat ng bahay ng mga Vargas, saka siya bumaba ng sasakyan na bitbit ang malaking paper bag ng “healthy” na potato at corn chips. Paglapit pa lang niya ng gate, narinig na niya ang boses ni Tita Anna. Mukhang masama ang timpla nito.
“Hindi ka ba nasasayangan sa buhay mo, Annelise? Matalino ka naman. Nakatapos ka. Sayang lang ‘yang natapos mo, ni hindi mo mapakinabangan. Aba, eh ngayon ako pa ang bumubuhay sa ‘yo ah! Si Betsy pa ang nagpapakain sa ‘yo! Imbes na ikaw ang asahan ko dahil ikaw ang panganay, ikaw pa ‘yung kargo ko?”
Nadama ni Griffith na nagsimulang kumulo ang dugo niya. Alam nito na may karamdaman si Lizzy. Alam nito na depressed ang anak nito pero parang wala itong pakialam kung ipagdiinan nito ang malamang ay iniisip na ni Lizzy tungkol sa sarili nito kahit hindi iyon totoo.
BINABASA MO ANG
The Precious You
Любовные романыCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...