A/N: This is an ABRIDGED and UNEDITED version of TPrY. Available po ang complete version nito in PDF format from Elisean Books for 249 Php. Purchase link is in my bio.
This will be updated weekly.
Thank you for supporting my work! ✨
---
BUKOD SA kuwarto niya, isa ang SM Megamall sa mga safe haven ni Lizzy. Oo, malaki ito at maraming tao pero pamilyar ito sa kanya at kaya niyang libutin nang nakapikit. Kapag stressed siya at gustong tumakas sa nakaka-suffocate na tensyon sa bahay, doon siya pumupunta. Walking distance lang iyon sa lugar nila kung sinisipag siya. Isang trike ride kung hindi. May chapel din doon kung kailangan niya ng katahimikan, at alam din niya kung aling mga CR ang hindi puntahin ng mga tao, alam mo na, for emergency purposes, mental or otherwise. Kaya kung makikipagkita siya, doon siya laging nag-aaya.
Pagbukas na pagbukas ng mall nang Linggo ng umaga, sumabay na si Lizzy sa pila ng mga taong papasok ng mall.
Mag-isa lang siya pero gan’un naman lagi. Wala naman siyang puwede o gustong ayain, lalo na sa pamilya niya.
Dahil makikipagkita si Lizzy sa papa nila.
Hanggang ngayon hindi alam ni Lizzy kung bakit pumayag siyang makipagkita sa papa nila matapos sila nitong iwan. Hindi niya alam noon kung gusto niya itong sumbatan o gusto niya ng paliwanag. She was able to do the first one. She also got the second.
Hindi siya kuntento at hindi nabawasan ang galit niya noon. Siya kasi ang nakakita kung paano nagmaka-awa ang mama nila sa lalaki n’ung araw na nag-alsabalutan ito para tuluyan nang umalis. Siya rin ang nagtakbo sa kanilang ina sa ospital nang ma-stroke ito matapos ang pangyayari.
Pero siya rin ang unang pumayag na makipag-usap dito. At kung hindi man niya tuluyan at lubusang mapatawad ang ama, pinili na lang niyang mag-adjust dahil wala naman na siyang magagawa. She had hated him and it had poisoned her. ‘Tsaka hindi naman na nila maibabalik ‘yung dati. In order to survive, she had learned to make the best out of any situation so she always tried her best. Minsan gumagana; madalas palpak. But at least she tried. And in this case, it was worth the fight.
Ngumiti siya nang makita ang papa niya na nakatayo na sa tabi ng estatuwa ni Jollibee, pagkatapos ay nagmadali siyang naglakad palapit para salubungin ang pinakamahalagang dahilan kung bakit nakikipagkita pa rin siya sa ama.
“Ate Wee-wee!”
Tumungo siya at binuhat ang batang tumili at yumakap sa leeg niya.
This was Jasmine, ang three-year old nilang kapatid, ang bunso nila na si Lizzy lang ang may alam sa bahay nila na nag-e-exist pala.
“Wow!” bulalas niya. “Ang laki mo na ah! Tumangkad ka ba ulit? Kasing laki mo na si Ate Wee-wee!”
Bumungisngis si Jazzy at humalik sa pisngi niya. Mahigpit niya itong niyakap.
Siya ang nagpangalan kay Jasmine nang ipanganak ito. N’ung una kasi niya itong nakita, ang naisip niya ay si Princess Jasmine ng Aladdin, big-eyed, black-haired, morena at alam niyang lalaking maganda.
Nagulat siya nang pumayag maging ang mama nito na iyon na ang ipangalan sa sanggol. Hindi niya alam kung bakit but she was glad.
Lumapit na rin ang papa niya para yakapin din siya. Humalik siya sa pisngi nito saka sila pumasok sa fast food restaurant. Noon nagtatanong pa siya kung saan gustong kumain ni Jazzy pero laging Jollibee ang sagot nito kaya automatic na sa Jollibee sila laging kumakain sa once a month bonding nilang tatlo.
“Ano’ng gusto n’yong kainin?” tanong niya nang maka-upo sila kahit pa kinakabahan na siya agad sa idea na makikipag-usap siya sa counter.
“Ako na ang manlilibre,” agad na sabi ng papa niya. Hindi na tumutol si Lizzy. Okay lang naman kasi ibig sabihin eh mas malaki ang maiaabot niya rito mamaya bago ito umuwi.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...