eight

170 11 1
                                    

A/N: Reminder lang po na abridged version ito. Chapter Eleven na po ito d'un sa actual book. Thanks. 😉

---

HINDI NA maalala ni Lizzy 'yung huling beses na nagising siya na walang problema. Her life was a series of small (and big) fires that needed to be put out, and problems that needed to be solved. Hindi 'yun anxiety o depression. It was just reality. 

A lot of times she woke up hoping to die but helpless to do anything about it. She always believed it was because she was too much of a coward to end things. Everybody else said it was because she was strong. Nakakapagod naman maging strong. Wish niya kapag sinabi sa kanya na strong siya eh may kasama na 'yung pagkakataong magpahinga. 

And that was exactly what Griffith had given her, the assurance that she was, in fact, strong, and the chance to lean against him and just rest. 

Madilim at malamig ang silid nang magising siya, at saglit siyang disoriented dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Then the hot (both literally and figuratively) body that was all but wrapped around her shifted, at bumalik kay Lizzy ang mga nangyari kahapon. O kanina lang ba 'yun? Anong oras na ba? 

Nanatili siyang tahimik, hindi kumikilos, pinagmamasdan lang ang mukha ni Griffith mula sa malamlam na liwanag. Guwapo talaga ito, isip niya. His face was peaceful and boyish in sleep, at mas mukhang teenager kaysa established nang doktor. His body was pressed against her, radiating delicious and comforting heat. Unconsciously, she nestled closer. Noon niya napansin na may bigat na nakalatag sa ibabaw ng mga binti niya, at may isa pang nasa likuran niya. Nang kumilos siya para silipin iyon, nag-angat din ng ulo si Sushi na nakapuwesto sa likuran niya. 

"Oh, hey!" bulong niya. The dog nosed against her neck, and she rubbed between his ears. 

Kumilos na rin si Griffith at nilingon ito ni Lizzy. 

"Hey," bati nito gamit ang malalim at sleep-sexy na tinig. Napansin nito si Sushi. "Nagising ka ba niya?" 

"Hindi." 

"Anong oras na?" tanong ng lalaki kahit pa inaabot na nito ang telepono nito mula sa side table. "Hala. 1:30 pa lang."

"Sorry, nagising kita," ani Lissy.

"No, it's fine." Nag-inat si Griffith. She had to fight not to look down at the strip of toned stomach that peeked between the hem of his shirt and the waistband of his pajama bottoms. "Halos naka-seven hours na rin naman tayo ng tulog. Saka night shift na naman ako bukas kaya okay lang." Tumungo ito sa kanya. "Ikaw? Matulog ka pa." 

"Okay na ako. Nightshift din naman ako this week." Pinagpatuloy niya ang paghaplos kay Sushi na nakatihaya na sa tagiliran niya. Umalis na si Maki sa pagkakadapa nito sa ibabaw ng mga binti nila at nagsumiksik na sa pagitan nila.

"Aba, nakalimot ang dalawa na bawal sila sa kama," ani Griffith kahit pa hinahaplos na rin naman nito si Maki.

Lumabi si Lizzy. "Bawal sila sa kama?"

"Oo. Human bed ito. May sarili silang mga kama. Special occasions lang sila puwede rito gaya ng birthdays o kung may bagyo o kumukulog." He paused as if considering something. "Well, I guess special occasion naman ngayon kasi nandito ka." They smiled at each other, then he peered down at her. "Kumusta ang pakiramdam mo?" 

"Okay na," aniya. "Actually, I feel great. Nakapahinga ako." 

"That's good." Itinulak nito palayo sa noo niya ang buhok niya. "Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" 

"Hmm, puwede naman." 

Tumango si Griffith at naupo. Muli itong nag-inat saka nito binuhay ang lamp sa side table. Sabay silang nabulag at sabay na tumawa. Napangiti si Lizzy sa kung gaano ka-cute si Griffith na magulo ang buhok. Lumundag na rin sina Maki at Sushi mula sa kama kaya bumangon na rin si Lizzy. Nagsuklay siya at nagtali ng buhok, 'tapos ay dinalhan siya ni Griffith ng tsinelas. Malaki ang mga iyon para sa kanya pero isinuot na niya. Pagkatapos ay lumabas na sila ng silid at bumaba.

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon