KINAKABAHAN si Griff. 'Yung klase ng kaba na nararamdaman ng isang doktor na katatapos lang tahiin ang isang pasyente sa operating table, saka niya malalamang may kulang pala silang sponge, at, unless si SpongeBob 'yun na tumakas para bumalik sa Bikini Bottom, eh malamang naiwan nila iyon sa loob ng walang kamalay-malay na si Mr. dela Cruz.
Sinampal niya ang sarili habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. It was just a date. He'd been dating since he was sixteen. He'd been dating Lizzy for _months_ now. Bakit ngayon pa siya kinakabahan? Was it the sex? Probably the sex. Di na baleng hindi siya ganito ka-nerbyos n'ung actual virgin pa siya at first time nakakita ng boobs na live and in person. Iba ito kasi boobs ni Lizzy ang mga ito. They were special. _She_ was special.
Ilang buwan niya itong inalagaan at inaruga at iginalang, at mamayang gabi, pagbalik nila rito sa bahay, sa wakas eh matitikman na din siya ni Lizzy.
Siyempre, noon pa siya naka-isip ng mga bagay na magbibigay sa kanya ng performance anxiety. Paano kung hindi pala niya alam ang mga gusto ni Lizzy? Paano kung hindi pala siya magaling? Paano kung maliit pala siya at pinepeke lang ng mga ex niya ang mga reaksyon ng mga ito sa kanya sa kama?
Parang bigla niyang gustong tawagan si Juliette para lang manghingi ng assurance. Alam mo na. Bilang kaibigan.
But, no. Nope. This was between him and Lizzy. He was a doctor for fuck's sake! He knew anatomy more than anyone! He could find his way around a woman's body with his eyes closed and his hands tied. Kahit ilong lang ang gamitin niya, kaya niyang paligayahin si Lizzy.
Humugot siya ng malalim na hininga at ibinuga iyon. Binigyan niya ng isang huling kabadong ayos ang buhok niyang naka-gel ngayon saka muling inayos ang collar ng puti niyang dress shirt. Bago pa siya mag-panic na mukha siyang a-attend ng binyag, tumalikod na siya para lumabas ng banyo. Sabi ng mommy niya (na may second-the-motion pa ni Nanay Flor) he looks best in white daw. Kaya ayan, white long-sleeved shirt with the sleeves folded to his elbows, dark jeans, white sneakers.
Balak sana niyang dalhin sa mamahaling restaurant si Lizzy, 'yung nasa four figures ang isang maliit na platong pagkain na may pangalang hindi niya ma-pronounce pero baka lalo lang hindi ma-impress ang girlfriend. Sa isang reasonably priced steak restaurant na lang niya ito dadalhin kung saan sigurado niyang mas matutuwa at mas makakakain pa ito.
Bago siya lumabas ng silid, dinampot niya ang wallet at phone, 'tsaka ang bouquet ng white and baby pink roses na in-order niya online. Pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa kabilang silid para sunduin si Lizzy. Binigyan niya ng isang huling ayos ang buhok niya at isang huling pagtuwid ang collar ng polo niya, saka siya kumatok. Kung hindi siguro siya kinakabahan, matatawa siya sa narinig na impit na tili mula sa kabila ng pinto. He ended up grinning instead. Bahagya siyang nag-alala nang may marinig na parang nalaglag at gumulong pero bago pa siya muling makakatok at makatanong kung ano ang nangyari, nagsimula nang bumukas ang pinto.
Kahit ano naman ang suot ni Lizzy, alam ni Griff na ma-a-appreciate niya 'yun. Magagandahan pa rin siya rito at mas lalong ma-i-in love. Basta ang alam niya, ang favorite niyang porma nito ay 'yung pormang halatang komportable ito. Gaya ngayon. Nakasuot ito ng fitted, long-sleeved, v-neck na bestida. May mahabang slit sa gilid ng palda niyon na nagpapakita ng binti ni Lizzy hanggang sa itaas ng tuhod. Instead of heels though, she was wearing a pair of white sneakers na katerno ng sa kanya. She was elegant and casual and sexy as fuck. She also had very light makeup on and had spritzed herself with an equally light cologne that made him wonder where on her body would that scent be strong. Maybe right there at the tantalizing hint of cleavage? Or right beneath her jawline? At the end of the night, he would find out.
"Hi," she greeted him, almost breathlessly.
"Hi," sagot niya, equally breathless. "Ah, uh. Flowers. For you." Inabot niya ang bouquet ng bulaklak dito.
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...