THIS was going to be a problem, a big one, isip ni Lizzy, habang pinapanood na matulog si Griffith. Halos isang linggo na ang nakakalipas mula n'ung gabi ng aksidente at wala pa ring nagbabago sa mood ni Griff... O sa pekeng mood ni Griff.
Masayahin ito, madaldal, maalaga sa kanya, the usual, pero may ibang lungkot sa mga mata nito, at hindi pa rin humihinto ang mga bangungot. Gigisingin niya ito, tatanungin kung gusto nitong pag-usapan ang panaginip, 'tapos ay halos puwede na niya itong sabayan kapag sabihin nitong hindi nito maalala kung ano ang napanaginipan nito. And then, he'd turn to her, kiss her, and make her forget her own name. Then, repeat cycle the next day.
Willing naman si Lizzy na hintayin itong magsabi sa kanya, pero matapos kasi ang isang linggo, parang siya na lang ang hindi nito kinakausap tungkol doon. N'ung unang gabi, narinig niyang kausap nito si Tatay Harold sa kusina.
Napansin kasi niyang nadumihan pala nila ni Griff (siya, mostly) ang mga bedsheets kaya pinalitan niya ang mga iyon at napagpasiyahang dalhin na sa laundry room sa ibaba. Napahinto siya bago makapasok ng kusina dahil narinig niyang nag-uusap sina Griff at Tatay Harold. It had broken her heart to hear Griff cry, but she didn't think he wanted her to see him like that. Dahil kung ganoon, sa harapan sana niya ito umiyak. So she quietly went back to their room and pretended to be asleep when he came back.
Kinabukasan, si Nanay Flor naman ang narinig niyang kausap nito. Naglakas loob siyang pumasok sa kusina para kung sakaling gusto siya nitong isali sa usapan, puwede, pero agad na binago ni Griff ang topic. She had swallowed the hurt and went along with him. Kung iyon ang gusto nito, iyon ang ibibigay niya rito. It was the least she could do. That was what she kept telling herself. Gayunpaman, hindi niya maalis 'yung tampo na hindi siya ang una nitong nilapitan. Siya ang girlfriend nito, hindi ba? At kung merong makaka-intindi ng emotional o mental trauma na pinagdaraanan nito, siya na iyon.
Griff moaned in his sleep again, a soft sound that conveyed pain. Halos araw-araw itong nananaginip at araw-araw niya itong ginigising at tinatanong kung gusto nitong pag-usapan ang mga bangungot. He never did.
Akma na niya itong gigisingin nang bumalikwas ang lalaki at bumangon. She wanted to reach for him and tell him he was okay, and that he wasn't alone. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya na magpanggap na natutulog. Pumikit siyang muli at binagalan ang paghinga. Nadama niyang inabot siya ni Griff at napuno ng pag-asa ang puso niya na gigisingin siya nito, at, sa wakas ay magsasabi na ito sa kanya. Pero hinaplos lang ni Griff ang buhok niya saka siya masuyong hinalikan sa noo. Pagkatapos ay nadama niyang bumangon ito mula sa kama saka ito lumabas ng silid.
Kumunot ang noo ni Lizzy. Dahan-dahan din siyang bumangon. Hinaplos niya ang ulo ni Sushi nang akmang sasamahan siya ng aso at sinabihan itong mag-stay. Muling ibinaba ng aso ang ulo nito sa ibabaw ng weighted blanket ni Lizzy.
Tahimik siyang lumabas ng silid. Walang ilaw sa hallway pero nakasindi ang ilaw sa guest bedroom. Naglakad siya papunta doon. Ano'ng ginagawa ni Griff doon? Did he think he shouldn't sleep beside her because of the nightmares? Umangat ang kamay niya nang makalapit siya sa pinto pero bago siya makakatok o makasilip, narinig na niya ang tinig ni Griff.
"Hey, hi. I'm sorry for waking you," sabi ng lalaki. May kausap ito sa telepono. Lizzy bit her lip. The decent thing to do was to go back to their room and not eavesdrop, pero hindi niya magawang maglakad palayo. "I had another dream. The same one. Na hindi ko nailigtas 'yung bata at na umakyat sa mukha ko 'yung dugo niya."
Was that what he had been dreaming about?
"Yeah, well. Hindi ko alam. Naikuwento ko naman na sa therapist ko."
Oh. Nakadama ng hapdi sa sikmura niya si Lizzy. He'd been talking to a therapist (which is good), pero kahit iyon eh hindi nito nabanggit sa kanya? (Which is bad.)
BINABASA MO ANG
The Precious You
RomanceCOMPLETED ABRIDGED | UNEDITED VERSION SELF-PUBLISHED Alam ni Annelise Vargas na tatanda siyang dalaga. And it's okay with her. Kuntento na siya sa secondhand kilig mula sa masayang love life ng mga kapatid niya, at sa romance novels at mga shoujo m...