ten

271 16 1
                                    

SA ISANG tahimik na coffeeshop sila dumiretso at habang hinihintay na bumalik si Griffith na nag-o-order sa counter, sinubukan ni Lizzy na ilagay sa ayos ang mga iniisip. Para kasing TV na mahina ang nasasagap na signal ang isip niya ngayon. Puro static lang na manakanakang may malinaw na picture bago muling mawawala.

Her fingers flexed around her mochimochi as she stared at Griffith's broad back. Sinabi niya ritong mahal niya ito. Just blurted it out without thinking, analyzing, and running through the usual one thousand decision boxes in her Griffith Flowchart. And what did that get her? 

A gorgeous, wonderful, amazing man for a boyfriend. 

She sighed. Not quite sure kung lovesick iyon o frustration sa sarili dahil wala sa plano niya na mangyari ito. Sa pangarap lang. Sa panaginip. Sa mga pantasya! Pero sa mga plano? Wala pa. Kaka-realize lang niyang mahal niya ito! Kaka-amin lang niya sa sarili niya niyon kahit pa matagal naman na niyang naisip na forgone conclusion nang one day in the future eh mahuhumaling siya rito. 

She jumped a little when he sat down beside her. Hindi kasi niya napansin na tapos na pala itong mag-order sa lalim ng iniisip niya. Nilingon niya ito at nakita ang nagniningning nitong mga mata at ang masaya nitong ngiti na hindi na naalis mula pa kaninang aminin niya na mahal din niya ito. She smiled back, pero parang napansin ng lalaki na may pag-aalangan sa ngiti niyang iyon. 

"Hey," tawag nito na marahang hinahaplos ang buhok niya. May pag-aalala na rin sa mukha nito. "You okay?"

"Yeah," sagot niya. "Just thinking."

"Overthinking?" biro nito kahit pa pinagmamasdan naman siya nito at pinag-aaralan ang bawat expression niya. 

Mahina siyang tumawa at kinuha ang kamay nito, saka pinagbuhol ang mga daliri nila. Kailan pa naging ganoon kadali at ganoon ka-natural na kunin niya ang kamay nito? At na gaano kagaan at ka-secure ang pakiramdam niya habang nasa malapad at capable nitong palad ang kamay niya? 

"Pinagsisisihan mo na ba agad na sinagot mo ako?"

Lumipad ang mga mata ni Lizzy kay Griffith. "Ha? Hindi, ano ka ba? Hindi ako nagsisisi!" 

"But-?" he urged, not unkindly. 

"But... kinakabahan ako," amin niya dahil ayaw niyang magsinungaling, at alam niyang mas gusto na ni Griffith na maging honest siya kaysa 'yung magtago siya ng nadarama, no matter how uncomfortable it would be for the both of them. "Hindi ko kasi talaga 'to napag-isipan. Isa 'to sa mga... spontaneous decisions ko sa buhay so..."

Humigpit ang hawak nito sa kamay niya. "Gusto mo bang bawiin? Kasi okay lang." She gave him a surprised look. Nagkibit-balikat si Griff at mahinang tumawa. "Seryoso ako! Kung nagdadalawang-isip ka pa at hindi mo pa 'to sigurado, puwede mo namang bawiin." Saglit itong natigilan para mag-isip, pagkatapos at tumango-tango ito. "Iiyak lang ako nang kaunti—kaunti lang—'tapos ikakain ko lang 'yung feelings ko pero hindi naman kita sisisihin at hindi sasama ang loob ko sa 'yo." 

Hindi napigilan ni Lizzy ang matawa.

"Promise!" giit ni Griffith. "Hindi mo naman kasalanan at hindi mo naman sinasadya di ba? If people can be excused for saying stupid things when they're angry, then why can't people be excused for making rash decisions when they're happy?" Kumunot ang noo nito. "Teka, masaya ka ba kanina n'ung sinagot mo ako? Kaya mo ba ako sinagot kasi masaya ka?"

Kinurot niya ang ilong ni Griffith. "Oo, masaya ako kanina. At masaya ako ngayon. At masaya ako na sinagot kita," she assured him. Then she tested herself by lifting a hand to cup his cheek. Her pulse jumped and her heart sighed when he leaned against her touch. "At masaya ako na ikaw 'yung klase ng lalaki na super understanding na kahit alam mong iiyak at mag-se-stress eating ka, papayag ka pa rin na bigyan ako ng oras para masiguro ko na ito talaga 'yung gusto ko."

The Precious YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon