"Hey! Natasha!" Bumalik ako sa katinuan sa pagtawag ni Kate. "Daydreaming, again?"
Tumawa silang tatlo. Kaming apat na magkakaibigan ay palaging nag aasaran, pero walang pikunan. Thankful ako dahil pagka transfer ko dito ay naging kaibigan ko agad silang tatlo. Kindergarten hanggang 1st year highschool ay sa Canada ako nag aral with my family. Nung mamatay si mommy, nag decide si daddy na bumalik na ng Pilipinas. Kaya ngayong 2nd year ay dito na ako at ang ate ko na si Zerah ay 4th year highschool.
Buong university (elementary, highschool, at college department), alam na kapatid ako ng 'The Queen Bitch' na si Zerah. Lahat sila nagtataka, bakit magkaibang magkaiba ang ugali namin.
"Hanggang pagde daydream lang naman ako, e." Sabi ko. Nangapalumbaba akong bumuntong hininga.
"I told you, ibigay mo na kay kuya Allen ang poem na ginawa mo." Suhestiyon ni Kate.
"Ayoko nga! Nakakahiya! Ang panget!"
Sabay sabay silang umirap sakin.
"Kung ako sa'yo, gumaya ka kay Kate. Showy sa feelings niya para kay Ylac." Untag ni Jackie.
"Guys, nakakahiya naman talaga ang ganun, e." Sabi ng mahiyaing si Helga. Kung ako ay mahiyain din, siya naman ay sobra. Mahinhin! Maria Clara!
"Helga!" Hinampas ni Jackie ang katabi ko kaya uminda siya sa sakit. "Wa'g mo itulad sayo si Natasha! Masyado kang makahiya leaves!"
Humalakhak sila kaya pati ako ay natawa. Bully sina Jackie at Kate, ako at si Helga ang palaging nabubully.
"Ikaw na manlilibre ngayon, Tash!" Pag iiba ni Kate.
Nagkatinginan sila ni Jackie at ngumisi. Hay naku! May plano na naman ang dalawang ito!
"Okay." Sagot ko na lang.
Tumayo ako at nag order ng mga pagkain. Mahaba ang pila dahil halos mapuno ang canteen. Hirap na hirap na ako sa pagbitbit ng mga pagkain namin. Halos mag give up na ako sa pagbibitbit nang marinig ko ang pamilyar na boses sa likod ko.
"Ano? Nakaka boring kaya manood ng volleyball." Reklamo niya.
OMG! Halos magka stiff neck ako. Hindi ako makalingon sa likod. Nagtawanan ang mga kasama niya.
"Allen, dude, hindi naman yung laro ang papanoorin natin." Sabi ni Chollo.
Kilala ko lahat ng kasama niya. At lahat sila ay basketball varsity ng college department. Sina Allen, Chollo, Leopold, Giovan, Rushell, Nancho, at Crent. At lahat sila ay gwapo. Mas habulin sila ng mga babae kaysa sa mga varsity ng highschool department.
"Oo nga, brad!" Sang ayon ni Crent. "Balita ko, yung transferee, varsity ng volleyball-"
"At maganda!" Pagpuputol ni Nancho.
Nagtawanan sila. Shit! Tawa lang ni Allen ang naririnig ko. Para ba'ng musika ang tawa niya para magustuhan ko. Nangingilabot ako sa boses niya.
"Miss?" Napatalon ako sa pagtawag ng babae sa counter.
Ako na pala ang nasa unahan ng pila. Nakakahiya naman! Nasa likod ko pa naman siya.
"S-Sorry..." Kinakabahan kong sabi. Naghuhuramentado ang puso ko. "Eto bayad."
Inabot ko ang pera sa babae at agad itong kinuha. Nanlamig ako at nanigas nang magsalita ang kasama ni Allen.
"Miss, gusto mo ng tulong?" Dinig kong tanong ni Crent.
Nilingon ko siya sa gilid ko pero hindi ako gumalaw. Nanlaki ang mga mata niya kaya pilit ko siyang nginitian.
"No, thanks."
Kinuha ko ang sukli at dali daling bumalik sa table namin. Mabuti na lang malinis ang daanan dahil kung hindi, nadapa na ako.
Nakakainis ang ganitong feeling kapag malapit ka sa crush mo. Nanlalamig ang mga kamay mo. Naninigas ang buong katawan mo. Naghuhuramentado ang puso mo. Umuurong ang dila. Name mental block. Kulang na lang mapahiya ka sa harap niya.
Pagkaupo ko, nakangisi sina Kate at Jackie, samantalang si Helga ay tinatago ang ngiti habang nagba blush. Nilingon ko ulit ang kinatatayuan ni Allen kanina at laking gulat ko nang lahat sila ay nakatingin sakin. Dali dali ang pag iwas ko. Darn! Sobrang init ng pisngi ko. Kinagat ko ang labi ko sa pamamawis. Yumuko na lang ako para hindi sila mapansin.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...