Chapter 19

1 0 0
                                    

"Uh. Nasabi na ba ni Jackie sayo?" Untag ni Allen nang nasa tapat na kami ng gate namin.


Nilingon ko lang siya. Tinaas ko ang kilay ko at hinintay ang sasabihin niya.


"Sa monday?"


Tumango ako. "Sasama ako." Sabi ko.


Ngumiti siya at hinalikan na ako sa pisngi. Nag init na naman ang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin. Hindi pa rin ako sanay sa mga sweetness niya.


"Sunduin na lang kita. And..." Nilingon ko ulit siya saka nagkamot ng batok. "Turn on your phone."


Sumakay na siya ng sasakyan at umalis na. Napangiti ako. Minsan naiisip ko, ayaw niyang ipakitang masyado siyang sweet. Kahit na kapag may ibang tao, hindi siya masyadong showy. Compare sa mga flings niya nun, puro PDA. Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako dun o hindi. Kasi kahit ako ay hindi sanay sa PDA.


Papasok na sana ako nang may lumapit na babae sakin.


"Hi po?" Nahihiyang bati niya. Magkasing tangkad lang kami at sa palagay ko ay magkasing edad lang din kami.


"Hi. Sinong hanap mo?" Tanong ko.


"Ikaw ba si Natasha Vickers?" Ni head to foot niya ako na parang may hinahanap na palatandaan.


"Yes. Why?"


"Gusto ka kasi makausap ni Ma'am Garma. Nasa labas siya ng village niyo."


Kumunot ang noo ko. Anong kailangan ni Ma'am Garma sakin? Saka bakit hindi na lang siya pumasok rito? Kinakabahan ako.


"Bakit daw?" Inayos ko ang sarili ko para hindi halatang kinakabahan na ako.


"Ewan. Basta gusto ka niya makausap."


Naglakad na siya palabas ng village. Kahit kinakabahan ay sumunod pa rin ako. Binuksan ko ang phone ko nang hindi niya alam. Masama ang kutob ko dito. Ni silent ko ito para hindi niya marinig.


Nag type ako ng mensahe para kay Allen.


Ako:

Allen, please. Punta ka rito.


Ise send ko na sana iyon nang biglang may tumakip sa bibig ko. Nag black out na ang paningin ko.


--


Nang magmulat ako ay nakaupo na ako sa isang silya. Naka gapos ang mga kamay at paa ko. May panyo ring nakatakip sa bibig ko. Nilingon ko ang paligid. Lumang garahe. Makalat. Mabaho. Medyo madilim.


"Hmmm." Umungol ako.


Sinubukan kong gumalaw at makawala pero masyadong mahigpit ang pagkakatali. Oh Lord! Gisingin niyo na ako sa bangungot na ito. Hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko.


Nag init na ang mga mata ko. No, Natasha! Matapang ka, di ba? Wag kang iiyak. Hindi ako iiyak.


"Mmmm." Umungol ulit ako.


May lumabas na mga lalaki at babae. Pamilyar ang mga mukha nila. Tama! Schoolmates ko sila. Ka batch sila ni Harry. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Shanna. Siya ang leader nila.


May lumapit na isang babae sakin. Siya yung kumausap sakin kanina pagkahatid ni Allen sakin. Tinanggal niya ang panyong nakatakip sa bibig ko. Nakangisi silang lahat.


"S-Shanna?" Yun ang unang lumabas sa bibig ko.


Lumapit siya sakin at hinawakan ang panga ko.


"Oh, yes, darling!" Humalakhak siya. "Kamusta ang pagiging serious at first girlfriend ni Allen?"


Kumulo agad ang dugo ko. "Yun ba?" Nanliit ang mga mata ko. "Yun ba ang dahilan?"


"OO!" Sigaw niya. "Ano sa tingin mo? I've tried all my best just to make him fall in love with me. But you? Isang lintek na tula lang? Sana pala nagpagawa na lang ako sayo para ako ang nagustuhan niya." Ngumiti siya ng mapakla.


"Hindi ko naman alam na ibibigay yun-"


"Whatever, bitch! Mahal ko si Allen at akin lang siya!"


Binitawan niya ako. "Mahal ko rin siya!" Sigaw ko pabalik. Ngumisi ako. "At ako ang mahal niya."


Agad lumipad ang kamay niya sa mukha ko. Wala pang nagbuhat ng kamay sakin. Ni mommy ko, hindi ako nagawang sampalin! Pinandilatan ko siya ng mata pero tumawa lang siya.


"I don't care. Maraming paraan para siya mismo ang umayaw sayo."


Hindi ako nagsalita. Ayokong mangyari yun. Hindi ko kakayanin. Gagawin ko ang lahat para lang bumalik siya sakin.


"O kung gusto mo? Kamatayan na ang maghiwalay sa-"


"Walanghiya ka! Kaya mong pumatay para lang sa isang lalaking kailanman ay hindi ka rin mamahalin? You are a desperate and martyr woman!" Sigaw ko.


Sinampal niya ulit ako. Nilapitan ako ng iba pa niyang kasamang babae at pinagkakalmot at sinabunutan.


"AHHH!" Sigaw ko. Sobrang sakit na ng mukha at katawan ko sa ginagawa nila. "TAMA NA!"


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon