Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Ganun na ba siya ka selosa? Bakit niya nasabi yun, e, wala naman kaming ginagawang masama ni Ylac.
"Anong pinagsasabi mo-"
Huminga siya ng malalim. "Hindi ako tanga para hindi makitang nilalapit mo yang mukha mo kay Ylac. Para ano? Halikan siya? Ano? Pagkatapos ni Kuya Allen si Ylac naman?"
"Kate!" Napatalon ako sa sigaw ni Ylac. Hinila niya palabas ng restaurant si Kate.
Iniwan nila akong nakatanga dun. Wala na akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila. Namuo na ang mga luha sa gilid ng aking mata. Tumakbo na ako palabas bago pa ako tuluyang mapahiya sa mga tao.
I just found myself crying while running. Dinala ako ng mga paa ko sa parking lot. Doon, hinayaan ko na ang sarili kong umiyak ng umiyak.
Anong pinagsasabi ni Kate? Anong meron sa amin ni Allen? Ano? Hindi na ba talaga maibabalik ang mga alaala ko? Fvck! I wanna scream. I wanna wreck everything.
Para akong tanga. Lahat sila may alam tungkol sa nakaraan ko pero ako wala. Saan ako pupwesto dito? Wala na akong puwang. I'm a broken empty shell. Wala akong ka alam alam sa nangyayari.
Pinunasan ko ang mukha ko at kinuha ang phone sa bag ko. Ni dial ko ang nakuha kong numero ni Shanna sa isang classmate ko. Ilang rings pa lang ay sinagot na niya ito.
"Hello! Who are you?" Napapikit ako sa sigaw niya.
Huminga ako ng malalim. Inayos ko ang boses ko. Pagtitiisan ko ang kasupladahan mo, malaman lang ang nakaraan ko.
"It's Natasha," Malumanay kong pagpapakilala.
"Okay. What do you want?"
"Can we talk now? I'm desperate to know everything."
"Sure, dear. But you have to pay me after this."
"Name the price-"
"Oh, no, no." Humalakhak si Shanna. "I want anything else,"
"Whatever." Umirap ako.
Sinabi kong magkita kami sa isang cafe. Nauna akong dumating doon. Ni serve ng waiter ang order ko pero hindi ko ginalaw 'yun.
Sunod na dumating si Shanna. Napaka laki ng ngisi niya habang palapit kung saan ako naka pwesto. Unti unting kumabog ang puso ko dahil sa kaba. Ba't naman ako kakabahan? Ito ang gusto ko. Ang malaman ang nakaraan.
Umupo siya at ininom ang inorder ko para sa kanya. Nakataas lang ang kilay ko habang hinihintay siyang magsalita. Nakatitig ako sa kanya.
"Are you ready?" Nagtaas din siya ng isang kilay.
"Damn it! Don't bit around the bush!"
Humalakhak siya sa pagtaas ko ng boses. Wala akong pakialam kahit na anong kapalit at kung gaano ako ka desperada. Ang mahalaga may malaman ako!
"Easy," Tumawa siya. "Where do you want me to start?"
"Mula sa umpisa!" Umirap ako.
Naiinis na ako. Nanggagalaiti na ako.
"Alam mo bang liberated ka dati?" Tumawa siya. Kumunot lang ang noo ko. "Naging ex mo lahat ng gwapong lalaki sa university maging ang mga kaibigan ni Allen ay naging past mo."
"Sigurado ka?" Nanliit ang mga mata ko.
"Aalis na lang ako kung ayaw mong maniwala. You're just wasting my-"
"Cut the drama!" Utas ko.
Umirap siya pero nagpatuloy pa rin, "Si Allen lang ang hindi mo makuha. Ginagawa mo ang lahat mapansin ka lang niya pero wala pa rin. Hanggang sa diretsahin ka na ni Allen at nagpakalasing ka. You bump into an accident that caused your memory lost."
"Paano mo alam ang mga ito?"
"It's because I am one of your friends before. But now, your dad told you nothing about your shits in the past. They're making a new you. You're living in a world full of lies and liars, also known as your family and friends."
Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman ko. Kaya pala umiiwas sila sakin kapag yun na ang pinag uusapan. Ayaw na nilang ibalik ang dating Natasha na bad image. I'm sorry to tell you, guys, but I'm back.
"Don't tell anyone about this. I'm pretty sure, they will not like it."
"I hate them for lying. I'm sure they will regret giving me gibberish infos."
Ngumisi si Shanna sa sinabi ko. Ibabalik ko na ang dating Natasha na ayaw nila.
"So... How will I repay you?"
"Be with us," She playfully smirked. "again."
"No worries. The bad Natasha will be back with a vengeance!"
Lumingon ako sa gilid at napahawak ako ng mahigpit sa baso. Mga sinungaling!
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...