Chapter 25

1 0 0
                                    

Buong linggo akong naghintay kay Shanna. Sa tuwing makikita ko naman siya ay iiwas siya agad. Hindi ko naman kayang istorbohin silang dalawa ni Allen kapag magkasama sila. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit parating naka simangot si Allen kapag kasama na niya si Shanna. Hindi ba dapat masaya siya dahil girlfriend niya yun?


"Waiting for someone to call?" Nagulat ako sa matandang lalaking tumabi sakin sa sofa.


Ngayon ko lang napansin na nakatulala na pala ako sa phone ko at di na nasundan ang flow ng pinapanood ko.


"Wala, dad." Sagot ko.


Tumango siya pero halatang hindi siya naniniwala. "Aalis na ako,"


"Saan ka pupunta?"


"Sa trabaho," Humalakhak si daddy. What's funny?


Tumayo na siya at lumabas ng bahay. Pinatay ko na lang ang TV, wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko.


It's Saturday, and yet I'm bored. Wala akong maisip na gawin. Tamad pa naman akong gawin ang mga school works ko. Maybe, I should get up and hang out in the mall... alone.


Naligo ako at nag ayos ng sarili. Kinuha ko ang car key at mag isang nagpunta sa isang malapit na mall. Pinagbabawalan akong mag drive ni daddy pero nagpaturo ako ng palihim sa isang schoolmate.


Labas pasok ako sa iba't ibang mga botiques pero wala akong ganang bumili. Nagpasya na lang akong magpunta sa isang arcade. Nagpunta ako dun para tumanganga lang din. Nakaupo lang ako habang pinapanood ang mga naglalaro at nag eenjoy.


"I wanna dedicate this song to my childhood friend na unfortunately, wala ngayon. Matagal na kaming di nagkikita,"


Lumapit ako sa lalaking nagsasalita. May videoke din pala rito. Umupo ako sa likuran ng mga kasama niya.


"Go, Blaze! Tama na ang drama!" Sigaw ng isang babaeng nasa harapan ng bench. Hindi ko makita ang mga mukha nila. Pero yung lalaking nasa harap na tinawag nilang 'Blaze' ay aminadong gwapo. Hot and sexy. Para siyang brazilian sa features ng kanyang mukha.


"Gago! Kanta na!" Nagtawanan na lang ang iba sa sigaw ng isa pa nilang kasamang lalaki.


"Fvck you, bro. Eto na," Sabi nung lalaking nasa harap.


Nag umpisa nang pumailanlang ang isang kantang hindi pamilyar sakin. Nag umpisa na ring kumanta ang lalaking nasa harap.


Do you remember when I said

I'd always be there.

Ever since we were ten, baby

When we were out on the playground playing pretend.

Didn't know it back then.


"Ka dramahan mo, Blaze! Tangina." Humalakhak ang isang lalaking kasama niya.


Hindi iyon pinansin nung Blaze at ipinagpatuloy ang pagkanta. Pumipikit pa siya at talagang dinadama ang bawat lyrics ng kanta.


Now I realize you were the one

It's never too late to show it

Grow old together,

Have feelings we had before

Back when we were so innocent

I pray for all your love

Girl our love is so unreal

I just wanna reach and touch you,

squeeze you, somebody pinch me

This is something like a movie

And I don't know how it ends, girl

But I fell in love with my bestfriend.


"Uy, pre! Si Kate!" Muling sigaw ng isang lalaki.


"Asaan?" Nagpalinga linga yung si Blaze pero agad sumimangot nang mapansing niloloko lang siya.


Kate? Nagkibit balikat na lang ako. Hindi lang naman si Kate na kaibigan ko ang may pangalang ganun.


"Move on ka na lang, Blaze." Sabi nung isang babaeng katabi nung lalaking parating sumisigaw.


"Tama si Juls, pare!" Humalakhak ulit yung lalaki.


Tumayo na ako at umalis na dun. Mabuti pa sila masayang magkakasama. Pumasok ako sa isang restau at nag order ng pagkain. Puno sa loob at nagsisisi ako kung bakit hindi muna ako naghanap ng mauupuan bago nag order.


May napansin akong nag iisang lalaki sa isang table. Lumapit ako.


"Pwede maki upo?" Tanong ko. Nag angat siya ng mukha. "Ylac!" Ngumiti ako at umupo na.


"Umupo ka na, e." Tumawa siya.


"Ba't ka nag iisa?"


"Kasi wala akong kasama," Simpleng sagot niya.


Ngumuso ako. Akala ko tahimik lang itong si Ylac pero may pagka pilosopo din pala.


"Anong meron sa inyo ni Kate?" Humilig pa ako para makita ang kanyang mukha. I have to say, napapalibutan kami ng mga gwapong nilalang. Mga anak ni Adonis.


Nag iwas siya at nakita kong namula ang kanyang mukha. Napangiti ako. Hinuhuli ko ang tingin niya pero patuloy siya sa pag iwas.


"W-Wala," Iritadong sagot ni Ylac.


"Talaga?" Panunuya ko.


Natigilan kaming pareho ni Ylac nang marinig ang malakas na pagbuga ng hangin ng isang babae. Sabay namin siyang nilingon.


"Uy! Kate!" Utas ko. "Hindi mo sinabi, Ylac, magkikita pala ka-"


"Walang ganun." Malamig na sagot ni Ylac. Nagtaka ako sa pagiging malamig niya at ang galit sa mukha ni Kate.


"Siya ba?" Kinabahan ako sa pagtaas ng boses ni Kate. Nakaka tawag na ito ng pansin. Tumayo ako para pakalmahin siya pero tinampal lang niya ang kamay ko.


"Mang aagaw ka na ba ngayon, Natasha?" Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin.

***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon