Chapter 28

1 0 0
                                    

Napangiti ako. "Ayaw mo ba?"


Tumayo ulit ako pero sinapo niya lang ulit ako at pinilit na umupo. Binalingan niya ng titig si Shanna. Kinagat lang ni Shanna ang kanyang labi saka yumuko. Tiningnan ko rin sina Nikki at Brenda pero pare pareho na silang nakayuko na para bang may ginawang masama.


"Ano bang problema mo?" Sinigawan ko na rin siya. Nalaglag ang kanyang panga sa ginawa ko. "Kusa akong sumama sa mga kaibigan ko, okay? Saka wag mo ngang sigawan ang girlfriend-"


"SHE'S NOT MY GIRL! Damn it!" Ako naman ngayon ang nalaglagan ng panga. Bakit siya hinalikan ni Shanna noon? Bakit palagi silang magkasama? Bakit parang may naramdaman akong saya sa kaibuturan ng puso ko?


"W-What?" Bulalas ko.


Binigyan niya ng masasamang titig sina Shanna bago higitin ang braso ko. Pilit akong kumakawala pero malakas talaga siya. Idagdag pa ang kalasingan ko kaya nagpatianod na lang ako. Sinakay niya ako sa sasakyan niya at pabagsak na isinara ang pinto.


Dumaing ako sa pagkirot ng ulo ko. "Aww!" Hinawakan ko ito, trying to ease the pain. May mga bits of blurred images na namang pumapasok sa utak ko. Para bang nakasakay na ako rito dati?


Agad akong dinaluhan ni Allen pagkasakay niya. Hinawakan niya ako at pilit na pinapakalma.


"N-Natasha?"


Lalong sumakit ang ulo ko. Why does it sound so good when he's saying my name? It's like a music in my ears. Pero bakit hindi matanggal ang sakit ng ulo ko?


"Shit!" I cursed. Dumaing lalo ako sa sakit ng ulo.


"Fvck! What's happening to you?" Napangiwi ako sa sigaw ni Allen.


Tumahimik ako pero sapo ko pa rin ang ulo ko. Hinintay kong mabawasan ang sakit ng ulo ko. Ilang minuto bago ako nahimasmasan. Nang mapagtantong medyo okay na ako ay inabutan niya ako ng tubig.


Kinuha ko at ininom. Shit! Bakit ba parati na lang ganito? Palaging malabo ang bumabalik na alaala sakin. At bakit nung pumasok ako sa bar ay wala man lang akong maalala?


"Are you okay?" Nilingon ko si Allen. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala. Agad siyang nag iwas ng tingin sa pagtititigan namin.


Humalakhak ako. "You're blushing!"


Umayos siya ng upo at isinandal ang ulo sa headboard. Ganun din ang ginawa ko at pumikit para maibsan ang pagkahilo sa alak.


"Bakit?" Tanong ko.


Hindi ko alam kung anong reaksyon niya. Nakapikit pa rin ako at hinihintay ang pagsagot niya. Pero nang di siya sumagot ay nagpatuloy ako nang hindi pa rin dumidilat.


"Bakit hindi mo ako binigyan ng chance noon?"


"I don't know what you're talking about." Halata sa boses niya ang pagkairita.


Ngumisi ako. "Hindi mo ako pinapansin noon, diba? Kahit na ginawa ko na ang lahat?"


"You really lost your memory." He chuckled.


Dumilat ako dahil sa mahinang pagtawa niya. Nakatingin siya sa labas at hawak ang manibela habang nakangiti. Tinitigan ko siya nang nakakunot ang noo.


"Yes, I've lost it. But I know the past now."


"No, you don't." Tumingin din siya sakin. "Saan mo naman nakuha ang ganyang impormasyon?"


"Wala ka na dun. Ang importante alam ko na ang nakaraan ko. Sinabi sakin ng isang tunay na kaibigan."


Ngumisi siya. "Wag kang nagpapaniwala kay Shanna."


Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman na siya ang nagsabi sakin? Can he read my mind?


"Seriously, do you have mental telepathy?" Nagtaas ako ng isang kilay.


Tumawa siya ng tumawa. As in he's laughing his ass off. Nakahawak pa siya sa tiyan. Literally!


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon