Chapter 29

1 0 0
                                    

Tumahimik na lang ako sa kinauupuan ko at nag crossed arms. Walang nakakatawa! At bakit ang gaan yata ng pakiramdam niya sakin ngayon? Hmp.


Narinig ko ang unti unting paghina ng tawa niya. Sa gilid ng mata ko, naaninag kong sumeryoso siya ng titig sakin. Hindi ko 'yun pinansin, instead, tumingin ako sa labas ng bintana. Pinaandar na niya ang sasakyan at tahimik na nag drive.


Buong biyahe pauwi ay sa labas ang tingin ko. Naiinis talaga ako saka masakit pa rin ang ulo ko. Gusto ko ng isumpa ang alak!


"Wala..." Hindi niya tinuloy ang sasabihin. Hinampas niya ang manibela kaya nilingon ko siya.


"Maawa ka sa manibela!" Pinandilatan ko siya ng mata. Nakakainis! Amputek!


"Sorry," Humina ang kanyang boses.


Kumabog ang puso ko. Sorry? Para ba sa paghampas sa manibela? O ibang dahilan? Umiling ako sa sariling tanong. Ano bang nangyayari? Hindi ko na alam. Ang daming pagbabago.


Bumaba siya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto. Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay. Hindi niya ako magawang tignan kaya huminto ako sa harap niya. Hawak pa rin niya ang pinto ng sasakyan.


"Para saan yung sorry mo?" Diretso kong tanong. Kumunot ang noo ko. Hinihintay ko ang sagot niya pero nag angat lang siya ng tingin.


Nagkatitigan lang kami at walang nagsasalita. There is something behind his eyes but I could not tell. Nostalgia? Is that the right term?


"Natasha!" Napatalon ako sa pagsigaw ni daddy. Nilingon ko ang galit niyang mukha. Isang kalabit na lang, sasabog na siya.


Hindi siya sakin nakatingin kundi kay Allen. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Malamig ang ekspresyon ni Allen habang bumubulusok sa galit si daddy.


"Aalis na po ako," Yumuko si Allen at tatalikod na sana nang pigilan siya ni daddy.


"Sandali lang!" Huminto si Allen. "Mag usap tayo." Sa tono ng boses ni daddy ay walang makakatanggi sa kanya.


"Dad," Sinubukan kong pigilan si daddy pero natigilan ako sa galit na ipinakita niya sakin.


"Go to your room," Mahinahon niyang utos.


Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ko na ang sarili ko. Pumasok ako ng bahay. Pagkapasok ko ng kwarto ay sinilip ko sina daddy at Allen na nag uusap sa labas. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila.


Tumulo bigla ang luha ko. Bakit ako umiiyak? No! Bakit ako parating umiiyak? Hindi na yata mauubos ang luha sa mga mata ko. Hindi na yata mapapagod ang mga mata ko sa kakaiyak. Okay na naman this past few months, e. Ba't biglang nagulo? What happened?

--


Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip kagabi. Ni hindi na ako nakapag palit ng damit. Tinignan ko ang oras at nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas diyes na. Shit! Late na ako.


Sinubukan kong tumayo pero ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong umupo at tumingin sa gilid. Nakita ko ang repleksyon ko. Omaygad! Mugto ang mga mata ko.


Bumaba ako at nadatnang nagpupunas ng table ang isang kasambahay. Huminto siya sa pagpupunas at nilingon ako.


"Kakain na po ba kayo, mam?" Tanong niya.


Umiling ako. "Kape lang po,"


Tumango na lang siya at nagtuloy na para magtimpla ng kape. Wala namang gagawin sa school ngayon, since Intrams ulit. Saka mugto ang mga mata ko.


Pagkatapos kong magkape ay lumabas muna ako ng bahay. Nagsoot na ako ng aviators para hindi makita ang mugto ng mga mata ko. Kahit na naka payong na ako ay dama ko pa rin ang init ng araw. Mabuti na lang at naka pajama pa rin ako.


Naglakad lakad muna ako sa village namin. Habang naglalakad ay may napansin akong isang batang babae na nakabaon ang mukha sa pagitan ng kanyang dalawang tuhod. Nilapitan ko ito at nang maramdaman niya ako ay nag angat siya ng ulo. Mugto din ang kanyang mga mata. Napangiti ako.


"Pareho tayo, mugto ang mga mata."


Kumunot ang kanyang noo, "Wala ka namang mata, e."


Tumawa ako. "Syempre, tinatago ko dito sa salamin ko."


"Gusto ko din itago ang mga mata ko,"


"Kung ganun, samahan mo ko dun sa tindahan, bibili tayo." Sabi ko at itinuro ang isang grocery store na nasa labas lang ng village.


Umiling siya kaagad. "Sabi ni mommy, wag akong sasama sa di ko kilala. Baka kidnapin ako,"


Napahawak ako sa ulo ko. Shit! Dumaing ako sa sakit. Dinaluhan ako nung bata at tinanong kung anong nangyayari sakin. Hindi ako makasagot sa pag inda ng sakit.


Nilapitan na rin kami ng mga guards sa pagsigaw ng bata.


"Mam Natasha, okay lang po ba kayo?" Tanong nung isang guard na dumalo sakin.


Pumikit ako saglit at pinakalma ang sarili. Inalalayan nila akong tumayo.


"Paki bantayan po muna ang bata, may bibilhin lang ako sa labas." Sabi ko.


"Pero, mam, baka po sumakit ulit ang ulo mo-"


"No, I'm okay. Paki tignan muna ang bata."


Tumango na lang sila. Ramdam ko ang tingin nila habang papalabas ako ng village. Tumawid ako sa daan para marating ang grocery store. Nagtingin tingin ako at may nakita akong mga shades. Kinuha ko ang maliit na sa tingin ko ay kakasya dun sa bata. Nagbayad na ako at bumalik ng village. Nakahinga ng maluwag ang mga guards nang makarating ako ng maayos.


"Eto oh," Inabot ko sa batang babae ang binili ko. Sinoot niya ito agad at kasya niya.


Tuwang tuwa siya ng malamang kasya ito sa kanya. "Salamat po, ate."


"Ako pala si Ate Natasha. Ikaw, anong pangalan mo?"


"Danica," Nakangiti niyang sagot. Humawak siya sa kamay ko at naglakad kami papuntang park.


"Asaan ang parents mo, Danica?" Tanong ko habang dinuduyan siya sa swing.


"Hindi ko po alam," Lumungkot ulit ang mukha niya. Naramdaman ko ang kirot ng puso ko.

***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon