Iniwan na ako ni ate Zerah sa field dahil bumalik na naman siya sa pagiging mataray.
"I'll go ahead. Susundan ko pa si Alexis." Aniya bago umalis.
Niyakap ko ang dalawang tuhod ko saka tahimik na humagulhol ulit. Everyone deserves a second chance, di ba? Gusto kong pakinggan si Allen pero nandun pa rin ang talagang issue para sakin... nakipag halikan siya sa ibang babae.
"L-Love..." Napalingon agad ako sa tumawag sakin.
Pawis na pawis na siya at habol ang kanyang paghinga. Ang mga mata ay nagsusumamo. Nag iwas ako ng tingin. Bumalik ako sa pwesto ko na parang walang nakita.
"Natasha... Please," Niyakap niya ako sa likod. Pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
Hinayaan ko siyang yakapin ako. 5 minuto din kaming ganun ang pwesto. Hindi ako gumagalaw. Kung minsan ay sinusubukan kong hawiin ang kamay niya pero humihigpit lang ang yakap niya.
Sinubukan kong magtanong sa kanya, "Ba't mo ako niloko?"
Kumalas siya sa pagkakayakap at umupo sa tabi ko. Nakaharap siya sakin pero nakatagilid pa rin ako. Nakatingin lang ako sa bukid sa harap ko habang nilalanghap ang masarap na simoy ng hangin.
"Hindi kita niloko,"
"Sino siya?" Malumanay kong tanong.
Ginulo niya ang kanyang buhok, "Ex fling ko si Dane nung 1st year college pa yun. It just happened na nasa birthday party siya kagabi ni kuya sa bar. Nagkalasingan kami dun dahil bawal ang tumanggi, kaya nung hilo na ako ay lumapit siya. Hinalikan niya ako."
Nilingon ko siya. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan ito. Pagkatapos ay hinawakan ng mahigpit. Ngumiti ako ng mapakla at binawi ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko.
"You should've refused if you'd want to-"
"I am drunk!" Nalaglag ang panga niya sa sariling pagtaas ng boses. "I'm sorry... umiwas ako sa kanya pero hilong hilo na ako kagabi."
Ngumisi ako kasabay ng pagtayo ko. Tumayo din siya at hinawakan ulit ang kamay ko pero tinampal ko lang iyon.
Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya.
"Are you breaking up with me?" Natigilan ako.
Nilingon ko siya, "Tinanong mo na."
Naglakad ulit ako pero ramdam ko ang mga yapak niyang sumusunod sakin.
"What? Hindi kita maintindihan! Ganun ka na lang ba kabilis sumuko?" Frustrated ang kanyang boses. Hinigit niya ang braso ko.
"Hindi ko alam."
Tumakbo na ako palayo sa kanya. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko. Hinayaan lang nila ako. Hinayaan ko na lang ang tingin ng mga nadaraanan ko dahil sa pamumugto ng mga mata ko.
Unti unting bumagal ang paglalakad ko nang makita ko ang isang lalaking nakatayo. Naka halukipkip siyang hinihintay ang paglapit ko. Naka v neck shirt na siya at blue jeans.
Inayos ko ang sarili ko. Huminto ako nang ilang dangkal na lang ang layo ko sa kanya. Bigla niya akong niyakap kaya tumulo ulit ang mga luha ko.
"Anong ginawa niya sayo?" Madiing tanong ni Harry.
"I'm sorry..." Yun lang ang nasabi ko.
"Sshhh," Tinapik niya ang likod ko. "Nagtampo lang ako. Wala na yun! Anong ginawa nung lalaking yun sayo?"
Ikinwento ko kay Harry ang lahat habang naglalakad kami sa village. Magaan ang loob kong sinasabi ang lahat sa kanya. Kumpara kina Kate ay kay Harry ko na naikukwento ang mga problema ko.
"Wag na wag magpapakita sakin ang lalaking yun. Baka anong magawa ko sa kanya!" Utas niya.
Ngumiti ako, "Tama na. Magpapalamig lang naman ako-"
"ANO?" Napangiwi ako sa pagsigaw niya.
"Harry, hindi naman pwedeng dahil lang sa ganun ay mag gi give up na ako. Hell no! He was drunk and he's known cassanova kaya ganun talaga."
"Natasha, bulag ka na ba talaga-"
"Hey..." Hinawakan ko ang braso niya. "I'm not blind. I am strong. Okay?"
Bumuntong hininga lang siya. Tahimik kami hanggang sa makarating ng bahay. Huminto kami sa tapat ng gate namin.
"Salamat dahil bati na tayo. Congrats ulit." Niyakap ko siya.
"Thanks! Magiging busy na ako nito." Aniya.
Tumawa kaming dalawa. Inaya ko siyang kumain muna pero tumanggi siya dahil may mga bisitang naghihintay sa kanya. Atleast, we're okay now.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...