Nag umpisa ang program sa mga speech. May mga legacy something pa na hindi ko na pinakinggan. Pagkatapos ng salita ay umpisa na ng pagse serve ng mga waiter ng mga pagkain. Light lang ang kinain ko dahil gabi na at ayokong lumaki ang tiyan ko. Ang mga tirang pagkain naman ay ibibigay sa mga nangangailangan.
"Mag retouch na, girls." Sabi ni Ma'am Garma na siyang mc ng program.
Tinanggal na ang mga table na iniwan ang mga upuan sa gilid. Doon kaming third year naupo sa kabilang side. Sa kabila naman ang mga fourth year.
"Attention!" Sigaw ni Ma'am Garma pagkatapos ng 10-minute break. "Mag aannounce ako ng names at kailangan niyo mag line sa harap. Girls muna."
"Vickers... Rowles... Callas... Andrews... Karloff... Verde... Wells..." Ang mga inannounce ay napansin kong magaganda ang hitsura at magaganda ang gowns.
Wala akong pakialam sa title pero parang nanlulumo ako dahil cocktail ang akin habang ang iba ay napaka garbo ng pagka balloon ng gowns nila.
"May mga popsicles ang faculty members. Harap kayo sa stage, ladies." Humarap kami gaya ng sabi ni Ma'am Garma. "Ilagay niyo sa likod ang mga kamay niyo. The teachers will give you popsicles as points."
Nag umpisa ng mamigay ng popsicles ang mga teachers. Pagkatapos ay pinabilang samin. Nilista ni Sir Oyer ang mga points namin. Inannounce ang mga panalo.
"Kate Callas as Ms. Junior. She got 35 points." Pumalakpak kami. Umakyat sa stage si Kate at binigyan ng bulaklak at trophy. "Ms. Senior goes to... Shanna Rowles." Nung una ay disappointed siya. Halata yun sa mukha niya pero wala na siyang magagawa pa roon.
"Next award is, Ms. Star of the Night. She got 44 popsicles... Helga Andrews." Umakyat na siya sa stage at ganun din ang ginawa.
That was close. 45 popsicles ang nakuha ko. No doubt, hindi ako mananalo.
"And the most awaited part... The Prom Queen." Nagtawanan kaming lahat nang marinig ang drum rolls. "Natasha Vickers with 45 popsicles."
Nanlaki ang mga mata ko. SERIOUSLY? Isn't it my name they announced? OMG! Inalalayan ako ni Sir Oyer paakyat ng stage. Ni picturan kaming apat sa stage. Sunod naman ay ang mga lalaki.
Ang mga nanalo ay sina Fabio Montreal as Mr. Junior. Ace Xavier as Mr. Senior. Mr. Star of the Night si Ylac James Montclair. At syempre, si Harry Mitchard ang Prom King. Kaliwa't kanan din ang picture taking namin. At dahil ako ang Prom Queen at si Harry ang Prom King ay kami munang dalawa ang nagsayaw. Sunod ang mga nasa cotillion. Maganda ang naging performance nila kahit na nabalitaan kong nag walk out ang nagtuturo sa kanila nung last day of practice.
Nag dim na ang lights kaya nagsigawan ang mga estudyante. Hindi ako nakakaupo ng matagal dahil marami ang nag aaya ng sayaw sakin. Hindi tuloy kami makahataw na apat sa party dance dahil sa suki kami ng slow dance.
Nakita kong pumuslit si Nick kaya naka bantay na siya kay Jackie. Si Kate naman ay binabantayan si Ylac. Naisayaw na kami ni Ylac at okay lang kay Kate yun pero hindi na ang ibang babae. Sa tingin ko naman ay ayos lang kay Ylac iyon dahil pihikan siya sa mga babae. Nagku kwentuhan na lang kami sa isang sulok o kaya'y nagtatawanan. Minsan naman ay group dance kami kapag disco at slow dance.
Nakita ko na rin si Crent na naka aligid kay Helga. Naisip ko si Allen. Pupuslit din kaya siya ng pasok para lang puntahan ako dito? Natigil ang party music at napalitan ng romantic music. Inaya na nila Crent, Ylac, at Nick ang mga kaibigan ko. Sinasama nila ako para mag group dance pero nawalan ako ng gana.
Pinapanood ko silang magsayaw. They're perfect. Napatalon ako nang may biglang magpakita sa gilid ko.
"Hi." Sabay sabay na bati nina Leo, Chollo, Rushell, at Nancho.
"What are you doing here?" Inirapan ko sila dahil hindi nila kasama si Allen.
"Disappointed?" Ngumisi si Nancho.
"Don't worry, baby. Pupuntahan natin si Allen." Sabi ni Rushell.
"Ano?" Sigaw ko.
"Nagkasakit siya ayaw mo puntahan?" Nagtaas ng kilay ang naka halukipkip na si Chollo.
Hinila nila ako paalis doon. Ako naman ito nagpatianod dahil nag aalala ako. Kaya ba hindi siya nagparamdam sakin ay dahil nagkasakit siya?
Unti unting kumunot ang noo ko nang mapagtantong papunta kami sa field. Sisigawan ko na sana sila kaya lang tinakbuhan na nila ako.
Nakita ko ang naka pamulsang si Allen. Diretso ang titig niya sakin. May maliliit na kandila sa lupa na nagsisilbing ilaw namin. Full moon ngayon. Lumapit siya sakin at ibinigay ang isang rose.
"A-Anong... ibig... sabihin... nito?"
"I may not be your first dance..." Nilagay niya ang kamay ko sa batok niya at ang mga kamay niya sa baywang ko. Hinila niya ako sa gitna. "But I'll be your last dance." Ngumiti si Allen.
Pumailanlang ang isang romantic song. Nag umpisa kaming magsayaw. Nagkatitigan kami kahit na nangangatog ang binti ko dahil sa ginawa niya. Tumingin siya sa labi ko at mabilis na hinalikan.
Sasapakin ko na sana siya nang bigla siyang magsalita. "Mahal na mahal kita. Can you be my girl, Natasha?"
Kumabog ang puso ko. First time siyang umamin sakin at tagalog pa ito, at ngayon pa lang din niya ako tinawag sa pangalan ko. Kuminang ang mga mata niya.
Kinagat ko ang labi ko saka unti unting tumango.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...