Maaga ang dismissal namin ngayon dahil may practice game ng volleyball. Bukas ay basketball. Noon sa Canada, pampalipas oras ko lang ang volleyball, pero ngayon nabilang ako sa first six tapos ay naging leader.
"Uwi na kayo?" Tanong ko sa mga kasama ko.
"Ako, oo. Susunduin ako ni mommy." Sabi ni Helga.
Bigla akong nalungkot. Nakaka miss magkaroon ng tinatawag na mommy. Super close pa naman ako sa kanya pero maaga siya nawala sa amin.
"Ah! I'm sorry, Tash..." Ngumuso si Helga.
Pilit akong ngumiti. "It's okay."
Pagkatapos namin ihatid sa gate si Helga ay nagpunta na kami ng court. Nakakapagtaka nang mapansin kong halos mapuno ang court. Unlike nung unang practice ay kaunti lang dahil puro basketball ang pinapanood nila.
"Anong meron?" Tanong ko.
"Late message talaga sayo, no?" Tumawa si Jackie.
"Manonood ang Court Phantoms sa pangunguna ng leader na si kuya Allen." Pahayag ni Kate.
Nanlaki ang mga mata ko. Manonood si Allen? OMG! Anong gagawin ko? Paniguradong distracted ako nito. Kainis naman, e. Magpalusot na lang kaya ako at wa'g na mag practice? Tama!
"Teka! Sa'n ka pupunta?" Hinila ni Jackie ang likod ng damit ko.
"Sumakit tiyan ko. Uuwi na lang-"
"Palusot-dot-com. Laos na yan, teh!"
Kainis din ang dalawang ito! Ano nang gagawin ko? Ugh! Mababaliw na ako! Pinagpapawisan na naman ako!
"Wala na tayong pwesto! Kaya umuwi na tayo." Dinig kong utas ni Allen.
Lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko. Nanlamig na naman ang mga kamay ko. Pinagmamasdan lang ako nina Jackie at Kate habang ngumingisi. Dinig na dinig ko na ang papalapit na yabag ng mga sapatos. Lahat ng babaeng nasa court ay napalingon na rin sa likod namin.
"Oh! Kuya Allen, what are you guys doing here?" Tanong ni Kate nang nasa likod ko na sila.
"Nag aya manood ang mga mokong na 'to." Reklamo niya.
"Ganun? Tara na, sama kami sa inyo para may pwesto rin kami." Naaninag kong ngumisi si Kate.
"Yun naman pala. Tara!" Sabi ni Giovan.
Maglalakad na sana ako nang bigla akong tinawag ni Jackie. "Natasha! Sa'n ka?" Ngumiti siya.
"Ma-Magbibihis." Sagot ko at hindi na sila hinintay magsalita. Tinalikuran ko na sila.
"Siya yun, dude!" Dinig ko pang sabi ni Rushell bago ako makalayo.
Mabilis akong nakapag bihis pero nagpalat pa ako sa harap ng salamin. Ano na? Kinakabahan ako! Hindi ako kinakabahan dahil practice game pa lang ito, si Allen ang nakakapagpakabog ng puso ko, e. Aatakihin na ata ako! Darn.
"Natasha! Tawag na tayo ni coach!" Utas ni Vera, kasama ko sa first six.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Natasha, keep cool. Isipin mo na lang wala siya. Wag mo siya lilingunin. Wag ka magpaapekto!
Habang kinakausap kami ni coach ay mas lalong naghuhuramentado ang puso ko. Please! Lamunin na sana ako ng lupa, ngayon din!
"GO LADY SPIKERS!" Sigaw namin. "LADY SPIKERS FIGHTING!"
Nagpwesto na kami at bago pumito ang referee ay umalingawngaw ang boses ni Kate at Jackie.
"GO NATASHA VICKERS! SEXY SPIKER! PEEWEET!"
Tumawa ako pero hindi ko sila pinansin. Iwasang mapatingin sa kanila dapat. Ayokong ma distract lalo sa titig ni Allen. Huminga ako ng malalim at tinanguan ang mga kasama.
"GO SEXY SPIKER!" Napalingon kaming lahat sa sumigaw na lalaki. Nakatayo siya kaya agad namin siyang napansin. "I LOVE YOU, CRUSH!" Sigaw pa niya.
Nag init ang pisngi ko. First time may nag confess sakin. At sa harap pa ng maraming tao. Nagtataka nga ang mga kaibigan ko dahil panay ang puri nila sakin pero walang nag coconfess. Nagtawanan ang lahat pati mga teachers na nanonood. Imbes na tumitig ako sa sumigaw ay napalingon ako sa pwesto nina Kate.
Napawi bigla ang mga ngiti ko nang makita ko si Allen... nakatitig sa ibang babae. Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya at nakita kong si Shanna Rowles ang tinitignan niya. Si Shanna ang leader ng 3rd year na kalaban namin ngayong practice game. Parang may tumarak sa puso ko. Nagbara ang lalamunan ko.
No, Natasha! Don't be affected! Don't cry! Focus. Focus.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Historia CortaCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...