Buong gabing tumatawag si Allen at kahit ang mga kaibigan niya. Hinayaan ko na lang ito hanggang sa ma lowbat na ang cellphone ko. Sunod naman na nag ring ay ang telepono sa kwarto ko.
"H-Hello?" Kinakabahan kong sagot.
"Tash!" Naka hinga ako ng maluwag nang mabosesan ko si Jackie. "Are you okay?"
"Yes... Nasaan kayo?"
"Sa bahay na. Nag alala kami sa'yo but Harry called us."
Kinagat ko ang labi ko. Hindi ako sumagot. Ayoko dahil baka may masabi akong hindi dapat.
"May group date tayo sa Monday, ah? Pahinga ka muna for this weekend."
"Okay. Kasama ba si Harry?" Tanong ko.
"No. He'll be busy for preparing college saka magsa summer job yata siya."
Bumuntong hininga ako, "Sige, goodnight, Jack!"
"Night, Tash!"
Humiga ako sa kama. Hindi pa ako inaantok. Narinig kong may bumusina sa labas. Sinilip ko agad ito at nakita ko si Kuya Alexis. Dali dali akong bumaba.
"Kuya!" Utas ko. Niyakap niya ako agad.
"Kamusta?" Nanliit ang mga mata niya.
Napayuko ako kasabay ng pag iling. Hinawakan niya ang baba ko saka ini angat ang mukha ko. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Mas matangkad siya sakin kaya nakatingala ako sa kanya.
"Zerah told me about it."
"Ha? Nagkausap kayo ni ate?" Nanlaki ang mata ko.
Humalakhak si Kuya Alexis. "Nagkaka usap naman kami kahit na parati ko siyang tinataboy. Sinabi niya sakin yung nangyari sayo. I was also there, remember? I texted you na binabantayan ko si Andjelka nun sa bar."
Tumango ako. "Nakapag explain na si Allen, kuya. Pinapalamig ko lang ang sitwasyon."
"It's up to you. Kung talagang mahal ka nga ni Allen ay kaya niyang maghintay at susuyuin ka niya palagi." Ngumiti siya.
Ngumuso ako. "Alam ko yun, kuya..."
Tumawa siya saka niyakap ulit ako. "Sige na, matulog ka na."
"Ako lang pinunta mo dito?" Nag angat ako ng tingin.
Tumango siya. Nagtawanan kami. Sumakay na siya sa sasakyan niya pero kinatok ko muna ulit siya.
"Kanino yan?" Ngumuso ako. Tinutukoy ko ang kotseng gamit niya.
"Ninakaw ko!" Humalakhak siya pero sumimangot lang ako. "Eto naman! Hiniram ko saglit sa kaibigan ko."
Tumango na lang ako at pinaharurot na niya ang sasakyan. Sinalubong ako ni Ate Zerah sa harap ng pintuan ng kwarto ko.
"A-Ate?"
"Mabuti ka pa, close sa kanya." Tumaas ang kilay niya.
"Ate, ano kasi..."
"Don't bother. Atleast close ka na sa future brother-in-law mo." Humalakhak siya at pumasok na ng kwarto.
Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na ng kwarto. Ni charge ko ang cellphone ko pero hindi ko ni turn on. Humiga na ako at hinintay maka tulog.
--
"Natasha!" Narinig ko ang mabibigat na katok sa pintuan. "May bisita ka!"
Tamad akong tumayo at pinagbuksan ng pintuan si Ate Zerah. Nakangisi siya nang pagbuksan ko.
"Pasalamat ka, wala si daddy!" Tinalikuran na niya ako.
Nagsuklay ako at mabilis na nag toothbrush. Bumaba ako at nanlaki ang mga mata nang makita ko si Allen. Nakaupo siya sa sofa at nakasalikop ang dalawang kamay. Hindi pa nababawasan ang kape sa harapan niya.
Naintindihan ko na ang sinabi ni Ate Zerah. Nung ipakilala ko kasi si Allen sa kanila ay ayaw ni daddy sa kanya. Malamig ang pakikitungo niya rito kapag nagkikita sila. Pero hindi naman niya ako pinapaiwas kay Allen. Ang sabi lang niya ay mag ingat ako sa kanya at kung may gawin man si Allen sakin ay si daddy ang makakalaban niya. Wala siyang pakialam kahit na Farrell pa ang makakalaban niya.
"Anong ginagawa mo rito?" Utas ko.
"Mag usap naman tayo, oh? Ayusin natin to." Tumayo siya at nilapitan ako.
"Nakapag usap na tayo," Hindi ko siya magawang tignan.
"Pwes, ayusin natin to. Hindi ko na kayang wala ka."
Napalunok ako sa sinabi niya. Sigurado ba siya? Dahil sa sinabi niyang yun ay gusto ko ng umasa na lang pang habang buhay. Magpapaka martyr ako sa kanya. Kaya kong magbulag bulagan sa kanya.
"I'm sorry... Patawarin mo ako, please?" Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya sa harap ko. Napatakip ako ng bibig. "Patawarin mo ako, Natasha."
"Oo na!" Sigaw ko. "Tumayo ka nga diyan!"
Agad siyang tumayo. Kahit na gulat ay nagawa pa rin niyang ngumiti at yakapin ako.
"Thank you! I love you, Natasha!" Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Ayoko na ng iinom ka ng hindi nagsasabi sakin-" Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Hindi na ako iinom ng alak kung hindi lang din kita kasama." Ngumisi siya. "O kaya kung gusto mo, hindi na kahit kailan?"
Inirapan ko lang siya. Ngumiti siya at kita ang pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Biglang dumating naman si daddy at sumimangot agad ang mukha.
"Ngayon ka lang umuwi?" Hinalikan ko sa pisngi si daddy.
"Maraming naiwan na trabaho, anak."
"Good morning po." Bati ni Allen.
"Dito ka ba natulog?" Malakas ang boses ni daddy.
Agad kong hinawakan ang braso niya. "Hindi po, dad."
"Mabuti. E, bakit nandito ka na agad?" Binalingan niya ulit si Allen. Ngumuso na lang ako dahil nagkamot ng batok si Allen.
"Balak ko po sanang isama si Natasha sa bahay."
Nilingon ako ni daddy. Nagkibit balikat ako dahil wala akong alam tungkol doon. Hindi sumagot si daddy at dumiretso na lang ng kwarto. Tinawag ko ang isang kasambahay para dalhan ng pagkain si daddy.
Umakyat na rin ako at mabilis na nag ayos. First time kong pumunta sa bahay nila at makausap ang kanyang pamilya. Kinakabahan ako. Baka hindi nila ako magustuhan.
"Good morning po." Bati ko sa kanila. Napansin kong wala si Andjelka rito.
"Tita na lang, hija. Wala ang bunso ko, nasa Pampanga. Panigurado magkakasundo kayo nun kung makikita ka niya." Sabi ng mommy ni Allen. Ngumiti ako.
"Amiel," Naglahad ng kamay ang kuya niya at inabot ko naman ito. "Kaya pala tumitino na si Allen."
Nagtawanan kami. Magaan ang ambiance sa kanila. Ngumuso lang si Allen sa panloloko ng kuya niya.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...