Inayos ko muna ang sarili ko bago umuwi. I should act like I haven't known the truth yet. They kept a secret from me. They treated me like a puppet who can follow all their instructions. But not now. Now that I have known the truth.
"It's late, Natasha!"
Ngumisi ako sa likod ng utak ko. Ganito din ba noon? You're scolding me when I'm getting home late. Ha!
"I'm sorry, dad." Niyakap ko siya. "Na bored po kasi ako dito kaya lumabas muna ako,"
"Saan ka nagpunta?"
"Sa Mall lang po."
Tumango siya at nagpunta na kami sa kusina. Naroon na rin si Ate Zerah at hinihintay kami. Umupo na ako at nag umpisang kumain. Tahimik akong kumakain habang pinagmamasdan sina dad at ate na tahimik ring kumakain. Kung minsan ay magtatama ang mga mata namin pero agad silang iiwas.
Ano? Takot kayong malaman ko ang totoo? Wala talaga silang balak magkwento sakin kahit na hindi na bumalik ang mga alaala ko diba? Siguro nga tuwang tuwa sila dahil wala na akong maalala.
"Um, dad," Basag ko sa katahimikan. Lumingon siya sakin habang ngumunguya. "Pwede ba akong magpunta ng bar bukas?" Ngumiti ako.
"Ha? Bakit?" Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sakin. Maging si Ate Zerah ay napalingon na rin sakin ngunit hindi nagpapakita ng reaksyon. "Ba't mo naisipan 'yun?"
Nagkibit balikat ako. "Wala lang po. May nag aya kasi sakin." Sumubo ako ng pagkain at ngumuya.
"Sino?" Tanong ni Ate Zerah.
"Friends,"
"Sina Kate ba, anak?"
"No, dad." Seryoso ko siyang tinignan. "Ibang kaibigan,"
Gulat sila sa mga sinabi at ipinakita ko. Why? Sanay na naman kayong liberated ako, di ba? Ba't pa kayo magtataka? Gusto ko silang pagtawanan. Ginawa niyo akong tanga na ayaw niyong sabihin sakin ang totoo. Ngayon, paglalaruan ko naman kayong lahat.
Pagkatapos kong kumain ay iniwan ko na sila sa hapag kainan. Hindi na ako nagpaalam. Bastusan na ngayon. Gusto kong maghigante kahit na may nararamdaman akong sakit sa pinaka ilalim ng puso ko.
Para bang ayaw niya ang gagawin ko? Ewan ko! Palaging nagtatalo ang utak at puso ko. Pasensyahan na lang dahil utak ngayon ang susundin ko.
--
Nagsoot ako ng pants and shirt. Ito ang sosootin ko papunta dun dahil ayokong ipakita kina daddy ang susuotin kong maikling dress. Nasa kotse ko na iyon pati ang mga make up. Sa bar na lang ako magbibihis.
Huminto muna ako sa isang park para daanan sina Shanna, Brenda, at Nikki. Inaya nila akong mag bar ngayon. Ang sabi nila may makakasama kaming mga lalaki pero hindi ko pa alam kung sino ang mga tinutukoy nila.
"OH MY GOSH! Bakit ganyan ang soot mo?" Utas ni Nikki na nakaupo sa likod.
Ngumisi ako. "Magpapalit ako dun,"
"No, girl! Magpalit ka na rito." Sabi ni Brenda.
Tumango na lang ako at sinunod sila. Puro mga babae naman kami kaya hindi awkward na magbihis sa harap nila. Tinted din naman ang sasakyan ko.
"WHOO!" Sigaw ni Nikki. "Welcome to the group, Natasha."
"Welcome back!" Pagtatama ni Brenda.
Nagtawanan kami sa loob ng sasakyan. Tahimik lang si Shanna pero nakikitawa din naman. Siya ang nasa front seat habang ako ang nagda drive. Si Brenda at Nikki naman ang nasa likod habang sumasayaw sa tugtog ng music.
Nang makarating kami sa bar ay narinig ko na agad ang maingay na music. Mukhang umpisa na ng party. Tinitigan pa ako ng security bago papasukin.
"Kasama namin siya." Sabi ni Shanna dun sa security.
Nagtaka ako. Bakit hindi ako nakilala nung security kung palagi na naman akong nagpupunta rito noon?
"Bagong security," Sabi ni Shanna nang mapansin ang pagkunot ng noo ko.
"Don't mind him, girl! We have to enjoy the night!" Masayang sigaw ni Nikki.
Nag pwesto kami sa naka reserve na table para samin. Tama nga ako. Umpisa na ng party dahil halos puno na dito at marami ng nagsasayaw sa harap. May mga babaeng nagdi dirty dance na rin sa stage.
"Drink this..." Utos ni Brenda.
Sabi nila Whiskey iyon. Wala akong alam tungkol sa mga alak, kung gaano ito katapang. Nilagok ko iyon at nagtawanan silang tatlo. Sabay sabay kaming umiinom ng iba't ibang alak. Sa umpisa ay parang nasusuka ako sa lasa pero pinipilit kong lunukin hanggang sa masanay na ang dila ko.
Ilang shots pa lang ay hilong hilo na ako. Umiikot na ang paningin ko. Sinubukan kong tumayo pero gumewang ako. Bago pa ako tuluyang matumba ay may naramdaman na akong mainit na kamay sa baywang ko.
Papungay pungay ko siyang tinignan. Hinawakan ko ang mukha niya. Naaninaw ko ang galit na mukha ni Allen. Nag igting ang kanyang panga.
Sinubukan ko ulit umayos ng upo kaya inalalayan niya ako. Umupo na ako at tinignan si Shanna na mukhang gulat.
"I'm sorry, girls..." Humalakhak ako. Ewan ko pero feel ko ang pagtawa. "Shanna... boyfriend... mo..."
Napahawak ako sa ulo ko. Damn whiskey! Damn alcohols! Napalingon ako sa mga lalaking nakatitig sa amin. Sila na ba yung mga lalaking darating?
"Anong ginagawa niya dito?" Umalingawngaw ang sigaw ni Allen. Kahit nahihilo ay nagawa kong tumingin ng diretso sa kanya.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...