Chapter 34

2 0 0
                                    

Allen's POV


Nang mabalitaan ko ang nangyaring aksidente sa sinasakyang eroplano ni Natasha ay agad akong sumama sa paghahanap sa kanya.


"Anong ginagawa mo rito?" Sigaw ng ama ni Natasha.


"Gusto ko pong tumulong," Mahinahon kong sagot.


Sa simula pa lang ay ayaw na sakin ng ama ni Natasha. Hindi ko alam ang tunay na dahilan. Ang iniisip ko na lang ay marahil sa akala niya ay lolokohin ko ang anak niya. Pero nagkakamali siya.


Simula nang makilala ko si Natasha ay nagbago ang buhay ko. Unang pagkikita pa lang namin sa cafeteria nung 1st yr college ako ay nakuha na agad niya ang pansin ko. Lalo na nung ibigay sakin ng pinsan kong si Kate ang tula na ginawa pa daw mismo ni Natasha para sakin.


Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nun. Hindi ko gusto. Pero sa t'wing hindi ko siya makita ay hindi nakukumpleto ang araw ko. Napansin na rin nina Leo na may pagtingin din ako sa kanya. Kaya sila ang gumagawa ng paraan para palagi ko siyang makita. At nang magustuhan rin ni Crent ang isa sa mga kaibigan ni Natasha ay mas lalo akong nagkaroon ng pagkakataon para makita siya.


Nagalit ako nang mabasa ko ang tina type niyang message noon. May tinatawag siyang 'babe'. Ang sabi ng mga kaibigan ko ay wala pa siyang boyfriend pero may tinatawagan siyang babe. Nabugbog ko pa noon ang mga kasama ko. Nagpapasalamat ako dahil blessing in disguise 'yun, nagawa kong halikan si Natasha.


Nang ibalita saking nawawala si Natasha, ilang araw akong hindi makatulog sa pag aalaala. Hinanap ko siya hanggang sa balitaan ako ni Kate na nahanap na siya ay dali dali akong nagpunta ng ospital.


"Dahil sa'yo, napahamak ang anak ko!" Agad akong hinarangan ng kanyang ama. Masakit para sakin na ipamukha na ako ang may kasalanan. "Nung una pa lang ayoko na sa'yo. Masyado kang maraming babae at sigurado akong sasaktan nila ang anak ko dahil siya ang mahal mo ngayon!" Halos maputol ang mga ugat niya sa leeg.


Buhat nun ay hindi na niya akong muling pinalapit pa sa kanyang anak. Lalo na't wala ng maalala si Natasha. Sobrang sakit na hindi na niya ako maalala. Siguro ay kasalanan ko nga. Hindi ko dapat agad iniwan si Natasha noong mga panahon iyon.


Tadhana na siguro ang gumagawa ng paraan para paglayuin kami. Umiwas na ako sa kanya pero pinagmamasdan ko siya sa malayo. Siya ang palaging paksa sa mga paintings ko.


"Mukhang may isla roon!" Itinuro ko ang isang isla na madaraanan namin.


Nagpunta kami roon at naghiwa hiwalay. May mga nakita na silang katawan na sakay rin ng eroplanong sinasakyan ni Natasha. Nagpakalayo layo pa ako nang may mapansin akong katawan.


Isang araw pa lang ang nakakalipas nang mangyari ang aksidente. Dali dali kong nilapitan ang katawan. Hindi na ito gumagalaw. Habang papalapit ako ay unti unting kumabog ang puso ko.


Pagkalapit ko sa nakadapang katawan ay hinawakan ko na ito. Malamig na bangkay na siya. Iniharap ko ito sakin at nanlaki ang mga mata.


Tinawag ko agad ang mga kasama naming coast guards at ibinigay ang katawan ng batang babae. Hindi ko kayang makita ang bata. Napaka mura pa ng edad niya pero agad siyang nabawian ng buhay.


May nakita ulit akong katawan. Gumagalaw ito kaya agad kong nilapitan. Nag half run ako para marating kaagad ito. Nang makita ko ang mukha nito ay sumigaw na agad ako.


"NATASHA!"


Binuhat ko ang katawan niya at dinala sa barko. Inalalayan agad siya ng mga nurses na sumama sa amin at binigyan ng first aid. Hawak ko ang kamay niya habang tahimik na umiiyak.


"Natasha! Anak!" Humagulhol ng iyak ang kanyang ama. Nasa likod naman niya si Zerah na tahimik na umiiyak din. Hinayaan siyang makalabas sandali dahil sa nangyari sa kapatid niya.


Tumunog ang cellphone ko at sinagot ito nang hindi nililingon ang caller.


"Hello! Allen, what's happening? Nakita niyo na ba si Natasha? My god! Allen!" Maging si Andjelka ay humahagulhol na rin ng iyak.


Iniwan namin sila sa Pilipinas na magkakasama at naghihintay ng balita. Tumango ako kahit na hindi niya kita 'yun.


"Yes," Yun lang ang nasagot ko at pinatay na ang tawag.


Nakarating kami ng ospital at agad ni confine si Natasha. Dito kami sa Canada dahil dito ang malapit at sigurado ang galing ng mga doktor dito at kumpleto sa gamit.


Hindi ako umaalis sa tabi ni Natasha. Wala na akong pakialam sa mga titig ng kanyang ama. Ang tanging priority ko ngayon ay ang alaagan si Natasha. Gusto ko, ako ang una niyang makita pagkamulat ng mga mata niya.


"Allen, magpahinga ka muna." Nilapitan ako ni Zerah. "Dun ka na lang sa bahay namin. Magpalit ka na rin ng damit at kumain,"


Nilingon ko siya. Ngumiti ako. "Ayos lang ako,"


"Sa tingin mo ba, matutuwa ang kapatid ko na pinababayaan mo ang sarili mo?" Sigaw niya.


"Hayaan mo siya, Zerah!" Sigaw din ng kanyang ama. "Wag mo siyang pakialaman."


Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit ng kanyang ama. Si Natasha ang nasa isip ko ngayon. Ayokong umalis sa tabi niya. Gumising ka na, please. Babawi ako sa'yo. Hinding hindi na kita itutulak palayo.


Magalit ka na kung magalit pero susuyuin kita. Hinding hindi ako magsasawang suyuin ka.


Just, please, wake up!

***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon