Chapter 18

2 0 0
                                    

"Mabuti naman at pinatawad mo na itong anak ko, Natasha?" Sabi ni Tita Enshiere nang nasa sofa na kami.


"Lumuhod po kasi, e." Nagtawanan kami.


Nanlaki ang mga mata ni Kuya Amiel, "WOW! Bro! You did that?" Humalakhak siya.


Sumimangot si Allen saka tumingin sakin. Ngumisi lang ako. Babawi ako, akala mo!


"Whatever, kuya!" Utas ni Allen.


"Vickers, tama ba?" Nanliit ang mga mata ng daddy ni Allen.


"Opo." Tumango ako.


"Anak ka ng may ari ng pagawaan ng bakal?"


"Yes po, tito."


Tumango siya. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan hanggang sa nagyaya na si Allen na kumain. Napanganga ako sa dami ng mga pagkain. Parang fiesta!


"Uh," Nahihiyang ngumiti si Tita Enshiere. "Pinaluto ko talaga yan para sayo."


"Sobrang dami naman nito, tita."


"Ganyan talaga si mommy. Masanay ka na lang." Ani Kuya Amiel.


Umupo na kami. Nag umpisa kaming kumain kahit na may halong kwentuhan. Sobrang bait ng mommy ni Allen sakin. Naaalala ko sa kanya ang mommy ko. Gusto ko siyang yakapin na para bang tunay kong ina.


"Natasha... halika," Ani Tita Enshiere pagkatapos naming kumain.


Si Tito Nahshon ay pumunta na ng kwarto para makapag ayos dahil papasok pa daw siya sa trabaho. Si Kuya Amiel naman ay nag ayos na rin dahil pupuntahan niya ang kanyang girlfriend. Habang si Allen ay nagpunta sandali ng kwarto.


Hindi kasi niya alam na may kasamang hipon ang kinain niya kaya ayun, sumakit ang tiyan. Natatawa ako kapag naaalala ko siya. May alas na naman ako.


"Bakit po, tita?" Tanong ko nang makarating kami sa garden nila.


"Bakit malungkot ang mga mata mo sa tuwing kausap o tinitignan mo ako?" Natigilan ako sa tanong niya. Paano niya nalaman iyon?


"Ahh..." Hindi ako makahanap ng sasabihin.


"Wag mong mamasamain, ha? Pero okay ba kayo ng mommy mo?"


Tumango ako.


"Kung ganun, bakit ganyan ka kalungkot?"


"W-Wala na po kasi si m-mommy..." Nag init ang gilid ng mga mata ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ito.


"Oh gosh! I'm sorry." Bulalas niya.


Niyakap niya ako kaya tuluyan na akong naiyak. Nakaka miss ang ganitong yakap. Nakaka miss ang yakap ng isang ina. Nagpunas ako ng pisngi. Nakakahiyang makita niya akong ganito.


"I'm sorry po." Sabi ko saka punas ulit ng pisngi ko.


"It's okay, hija. I understand. Nawalan na rin ako ng nanay." Ikinulong niya ang magkabila kong pisngi. "Remember this line, 'Hindi lahat ay nanay. Pero lahat tayo ay anak.'"


Kumunot ang noo ko. "Ano po?"


"Hindi ka pa nanay, pero anak din ako. I know the feeling of being left by your mother. Lalo na kung alam mong hindi na siya kailanman babalik."


Tumulo ulit ang luha ko. Pinunasan iyon ni tita. Ngumiti ako. Niyakap niya ulit ako. Kumalas lang kami nang marinig ko ang tikhim ni Allen. Ngumisi ako nang humarap sa kanya.


"Success?" Kantyaw ko.


"Kiss?" Agad siyang nakalapit sakin at ikinulong ako.


"Ano ba! Kainis!" Sinapak ko ang dibdib niya. Tumatawa lang siya sa ginagawa ko. "Titaaaaa!"


Narinig ko rin ang tawa ni Tita Enshiere. "Allen, mahiya ka naman sakin!"


Pinakawalan ako ni Allen. Kinagat niya ang kanyang labi pero umirap lang ako. I have to act cold around him.


"Kailangan ko na po umuwi, tita." Sabi ko.


"Sige. Salamat sa pagpunta rito, hija."


Humalik na ako sa kanya at sumakay na ako sa sasakyan ni Allen. Nakatingin lang siya sakin pagkasakay niya.


"What?" Iritado kong tanong.


"You know that cold treatment will not work. Why? Cause I'm hot!" Humalakhak siya.


Lumingon na lang ako sa labas ng bintana at pinigilan ang pagngiti. I swear, hahagalpak ako ng tawa kung hindi ko siya iiwasan. How could he be so handsome especially when he's uttering corny jokes? Well, even if he's mad or irritated, whatever emotion he show, he's still handsome.


God-like features. Justifying his glorious? Oh my god! I can still remember that poem I made.


"Gaano katagal-" Natigilan ako nang makitang sobrang lapit ng mukha niya sakin. Nakangisi siya habang kagat ang ibabang labi.


Nag iinit ang pisngi ko. Pigil ko ang hininga ko habang titig na titig sa kanya. Tinulak ko siya pero di siya natinag.


"I want to go home." Nag iwas ako ng tingin.


Umayos siya ng upo at bumuntong hininga. Hindi na siya umimik at tahimik na nag drive. Tinitignan ko na lang ang mga building na nadadaanan namin para hindi gaanong intindihin ang sitwasyon namin.

***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon