Chapter 9

2 0 0
                                    

It's almost 1 AM and yet, I'm still wide awake. I touched my lips. I can still feel his soft lips kissing mine. Darn.


Nagpagulong gulong ako sa kama. SHIT! Why am I shivering? Should I be angry because he had stolen my first kiss? Or should I be happy for he's my damn first kiss?


Napatalon ako sa pagtunog ng phone ko. I answered it without gazing at the caller.


"Hello?" Lumunok ako nang marinig ang sariling boses. I should stay calm.


"Hmm. Sounds happy, huh?" Panunuya ni Kate.


I bit my lower lip. Nag iinit na naman ang pisngi ko. "H-HA? Hindi no."


"I know you too well, Natasha! What is it? Care to share, baby?"


Sasabihin ko ba? Araw araw na nila akong aasarin kapag nalaman nila, that's affirmative. Feeling ko naman sasabog ako kung hindi ko 'to sasabihin. Argh!


"Ba't gising ka pa?" Pag iiba ko na lang.


"May umamin kasi kay Ylac... ayun nakipag away ako. Nagalit siya kaya hindi ako makatulog." Bakas sa boses niya ang pagkalungkot. Masyado naman kasing possessive, e, mag bestfriend lang naman sila.


"It's your fault." Sabi ko. "Bumawi ka na lang kay Ylac saka ka mag sorry dun sa babae."


"Sa tingin mo, ganun kadali? May pride din ako, hija! Sa dinami rami ba naman kasi ng lalaki, sa kanya pa? At sa harap ko pa, ha? Imbyernang lukaret na yun. Magkaka eyebags ako sa kanya, e." Giit ni Kate.


Natawa ako. Baliw na baliw na talaga ito kay Ylac. Hindi siya naglilihim ng feelings kay Ylac. Nakakapagtaka nga at best of friends pa rin sila kahit na umamin na si Kate sa kanya.


"Magkaka ayos din kayo, Kate. Ganyan naman kayo palagi, e."


"AHHH! Nakakainis talaga yun. Bahala na! Sige na, tulog na tayo!"


Tumawa ako. "Sige."


--


7:30 ang pasok namin pero 7 AM na ay kakagising ko pa lang. Late na ako! Myghad! Nakaalis na si ate Zerah, saka wala naman pakialam sakin yun. First time ko ma late ngayon. Tinext ko si Jackie.


Me:

Hey, Jack. Mali late ako! Please say my excuse. Thanks.


Naligo na agad ako. Ang one hour kong pagliligo naging 15 minutes na lang. Mangangati yata ako nito! Late na kasi ako nakatulog kanina dahil sa pag iisip sa ginawa ni Allen.


Nag init ang pisngi ko. Kinikilig pa rin talaga ako kapag naaalala yun. May mukha pa kaya akong maihaharap nito?


Nasa sasakyan na ako nang mabasa ko ang reply ni Jackie. At sa nabasa ko, halos ihambalos ko ang phone ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.


Jackie:

Tange! Wala nga si Ma'am Garma, di ba? May amnesia ka na, girl?


"AHHH!" Sumigaw ako sa inis.


"May problema po, ma'am?" Tanong ng driver.


Napayuko ako sa kahihiyan. Umiling na lang ako. Mabilis kaming nakarating sa school dahil nga sa pagmamadali ko. Na hindi naman pala kailangan! Grr.


Sinalubong ako nina Jackie, Kate, Helga, Court Phantoms, at si Allen ay nasa likod nila. Nakayuko lang siya. Shit! Sinabi ba niya? Wala bang pasok ang mga ito? Mga college students pero palaging tumatambay kasama mga high school students!


Namula ang pisngi ko sa mga ngisi nila. Parang alam ko na ang mangyayari? Pero wag naman sana magkatotoo!

"S-Sandali..." Bago pa ako makatanggi ay hinila na nila ako malayo sa mga boys.


"WHAT. IS. THE. MEANING. OF. THIS?" Mariing tanong ni Jackie.


May ipinakita silang picture... at... at... picture namin iyon ni Allen. Nung hinalikan niya ako. Sobrang clear ng mga mukha namin.


"S-S-San niyo n-nakuha yan?" Napatakip ako ng bibig.


"Kinuhanan 'to ni Leo. Don't worry, hindi naman kakalat!" Tumawa sila.


OH MY GOD! Lamunin na sana ako ng lupa, ngayon din! This is embarrassing! Lumingon ako sa kinatatayuan ni Allen. Nag iwas siya ng tingin saka umalis. Tumawa lang ang mga alipores niya.


"H-He kissed me..." Kinagat ko ang labi ko.


"It's obvious. Why did he do that?" Seryoso ang titig ni Kate sakin.


"Hindi ko alam... I-I was mad dahil sinuntok niya ang mga kasama niya without saying a valid reason. N-Nagkasagutan kami, and then, he grabbed me." Yumuko ako sa sobrang hiya.


Saglit kaming natahimik. Nagtititigan silang tatlo habang ako ay parang pinitpit na luya dito. Halos mapunit na ang dress ko sa panggi gigil dito.


"WAAAAAAAHHHH!!"


Napatakip ako ng tainga sa pag sigaw nilang tatlo. Triple pa ang kilig nila sakin. Shet na malagkit! Lumapit na rin sina Nancho sa amin.


"How's your first kiss?" Tumatawang tanong ni Chollo.


Pinanlisikan ko siya ng mga mata. "It's not funny!"


Humagalpak sila ng tawa. Mamamatay ako sa sobrang hiya. Damn you, Allen! Ikaw dapat ang nandito!


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon