Chapter 11

2 0 0
                                    

Nakaka ilang iling na ako sa designer namin. Dinala na niya ata lahat ng gowns niya dito sa kwarto ko. May iba't ibang kulay na rin siyang ipinakita pero ayaw ko talaga. Napalingon ako bigla sa pumasok.


"A-Ate Zerah?" Nanlaki ang mga mata ko.


Ngumisi siya. "Oh, bakit? Para ka namang nakakita ng multo?" Humalakhak siya habang nakatakip ang bibig ng palad.


"Di naman..."


"I just wanna help you, my lovely sister." Nilapitan niya ang wardrobe at inisa isang tignan ang mga gowns. "So... totoo bang dine date ka ni Allen?"


Nalaglag ang panga ko. Paano niya nalaman? Nakikibalita ba siya ng tungkol sakin? Naiiyak tuloy ako.


"P-Paano mo nalaman, ate?" Napayuko ako.


"I'm warning you, Natasha..." Nag angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso siya habang tumitingin sa mga gowns. "He's a freaking damn playboy. But you know what?" Umupo siya sa kama ko at tumingin na sakin. "I tested him. I've tried to seduce him, but he refused. It seems like he really likes you. He's serious with you."


Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Pinunasan ko ito at natigilan si ate Zerah dun. Nilapitan ko siya saka niyakap.


"What are you doing?" Maarteng tanong niya.


Hinigpitan ko ang pagkaka yakap sa kanya. "Thank you, ate Zerah. I miss you."


Lalo akong naiyak nang niyakap niya rin ako pabalik.


"Darling... hindi naman ako nagbago. I can still be your sister," Tumaas ang isang kilay niya. "Basta ba nasa mood ako." Tumawa siya.


Napangiti ako. Tumayo siya saka may kinuha na gown. Tube ito na above knee ang abot. It's a black-colored with a touch of pink. Unang tingin pa lang nagustuhan ko na din. Nakatago ito kaya hindi ko agad napansin.


"Here," Binigay niya sakin ang gown. "Make sure to bring home the bacon, I mean... the title as Prom Queen." Kinindatan niya ako bago lumabas ng kwarto.


"May pagka anghel din pala minsan ang ate mo." Tumawa kami ng designer.


Nag ayos na kami para sa JS mamaya. Nagtataka ako dahil hindi pa rin ako tinatawagan o tinetext man lang ni Allen. Bumuntong hininga ako habang mine make up'an ako. Natawa lang ang designer ko na siyang nag aayos din sakin.


Bakit nga ba ako naghihintay? Mahigit 3 weeks na kaming palaging magkasama ni Allen kaya sa palagay ko ay nagtatampo na si Harry sakin. Balak kong bumawi mamaya. Kakausapin ko siya. Kung hindi niya ako aayaing sumayaw, ako ang lalapit sa kanya.


"Anong mas gusto mo, Natasha? Naka pusod o kulot? Pareho kasing bagay iyon sa damit mo." Tanong niya.


"Naka pusod na lang, ate." Ngumiti ako.


Pagkatapos akong ayusan ay sumakay na ako ng kotse. Naiinis ako dahil hindi pa rin kami nagkakausap ni Allen. Ito na ba yung katapusan? Nagsawa na ba siya sakin dahil ako ang pinaka matagal niyang niligawan? Tumingala ako para pigilan ang pagluha. Galit ako pero di ko sisirain ang gabing ito. Once in a lifetime lang ang JS at ayokong maging embarrassing moment ito sa isang slamnote.


Naglakad ako papuntang classroom. Maaga pa naman para sa prom. Naroon na ang iilang mga classmates ko at ang tatlo kong kaibigan. Umulan ng papuri para sakin.


"Wow! Ang ganda mo talaga, Natasha!"


"Alam na kung sino ang Prom Queen."


"Marunong ka naman pala magsoot ng ganyan, e. Ang ganda mo!"


"Sana pala hindi na ako nag black." Ngumuso si Vera. "Natalbugan mo ako, o?"


Nagtawanan kami. "Ang itim mo kaya!" Kantyaw ni Chris.


Nakakabaliw talaga 'tong mga ito. Lagi nilang inaasar si Vera pero di siya napipikon. May mga nagpipicture taking na rin sa loob ng room.


"Edi invisible ako mamaya!" Tumawa siya sa panggagatong sa sarili.


"Tash, tara picture tayo." Hinila ako ni Kate at ibinigay kay Joshua ang camera.


"Photographer?" Tinaas ni Joshua ang camera.


"Naman! Mamaya kayo naman kasama sa pictures." Tumawa si Kate.


Iba't ibang pose habang click ng click ng camera. Marami na rin ang nagpa picture sakin. Nang mapagod ang iba ay naupo muna kami.


"Si Harry?" Tanong ko sa mga kasama ko.


Nagkibit balikat sila. Narinig ko ang mahihinang hiyawan ng mga babae. Lumabas kami ng room para maki usyoso. Nakita ko ang napaka gwapong si Harry sa kanyang mala prinsipeng soot. Kulay brown ito na may feathers sa bandang dibdib. Nakangisi siyang papalapit sa classroom namin.


"Hi." Ngumiti siya at nakita ko muli ang kanyang nag iisang dimple.


"AHH! Ang gwapo mo, baby!" Tumawa si Kate saka kumapit sa isang braso ni Harry.


"Kaya ba hindi nagparamdam dahil pinaghandaan mo 'to?" Tanong ni Jackie habang kinikilig.


"Huy! May mga boylet na kayo!" Sigaw ko.


"Ikaw din naman, a?" Sabi ni Kate.


"Bestfriend ko naman yan." Tumawa ako.


"Pumunta ako dito para sure na ikaw ang partner ko." Humalakhak si Harry.


Hinampas ko siya sa braso. Nagkwentuhan muna kami bago nagpunta sa pathway kung saan kami maglalakad. May hawak akong bulaklak habang kandila ang kay Harry. Naka red carpet ang dinadaanan namin kaya feel ko ang pagiging prinsesa.


Pagkatapos magpapicture sa stage ay umupo na kami sa kanya kanyang table. Malayo samin si Harry dahil sa fourth year na siya. Magkasama naman sina Helga Andrews at Kate Callas sa kabilang table. Sa kabilang table naman si Jackie Karloff. Dahil Vickers ako ay nasa hulihan kaming table. Kasama ko ang apat na babae at limang lalaki dito.


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon