"Sorry po..." Hinawakan ko ng mahigpit ang palda ko. "Hindi ko na po kayang maglaro."
"You're quitting?"
Napa angat ako ng tingin. Kailangan kong tatagan ang sarili ko. Pumikit muna ako at huminga ng malalim.
"Hindi ko na po kasi talaga kayang maglaro-"
"Tuturuan kita! Ikaw ang ace player ng team natin!"
"I'm sorry, coach. Ayoko pong ipahiya ang team."
Huminto sa paglalaro ang mga ka teammates ko. Lumapit sila sakin. Pare pareho silang malulungkot.
"Aalis ka na ba talaga?" Tanong ni Vera.
"Mawawalan na kami ng Natasha Sexy Spiker." Ngumuso si Kathreen.
"I'm sorry, guys." Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. "You still have my support." Pinilit kong ngumiti.
Niyakap nila akong lahat. Nagsisisi ako. May parte saking ayaw iwan ito. Pero ang utak ko ang nasunod. Hindi na talaga kaya ng katawan ko ang maglaro ng ganito.
Kahit na labag sa kalooban nila ay hinayaan nila ako. Lumabas na ako ng court. Nagsoot ako ng varsity jacket. Naglakad lakad muna ako.
Napansin ko ang isang building na may nakalagay na 'Artist's Room'. Pumasok ako dun. Sumakit ang ulo ko. May mga pumapasok na alaala sa utak ko. Para bang naglakad na ako rito. Nakapasok na ako.
Hawak ko ang ulo ko habang tinitignan ang mga paintings sa loob. Sa isang kwarto ay may nakita akong nakapaskil na pangalan. Allen Syndre Farrell. Muling sumakit ang ulo ko.
"Ahh!" Shit. Bakit ang sakit ng ulo ko? May memories ba ako dito? Kailangan kong makapasok para malaman ang sagot.
Nakita ko ang mga gamit na pang painting. May mga nakasabit din sa wall na paintings. Lumapit ako sa isang painting.
Isang nakatalikod na babae habang nakapangalumbaba. Mukhang pinagmamasdan niya ang isang lalaking malayo sa kanya. Sumakit ulit ang ulo ko.
May mga imaheng pumapasok sa utak ko. Ako, nakaupo sa bench na kasama ang mga kaibigan ko. Malabo ang pangyayari. Parang de javu ito.
Napaatras ako at tumama ako sa isang table. Natamaan ko ang ilang mga artworks. Napaupo na ako sa sahig dahil sa sakit ng ulo ko. Umayos ako ng upo. Ilang minuto din akong nakaupo at sapo ang ulo.
Nang maramdaman kong medyo umayos na ang pakiramdam ko ay tumayo ako ng dahan dahan. Dinampot ko ang mga nahulog ko at nilagay ulit sa table. May isang sketchpad akong nakita. Na curious ako bigla kaya binuklat ko ito.
Sa first page ay may naka lettering na 'LOVE'. Na curious ako lalo. Inilipat ko sa next page. Date naman ang nandito. February 21, 2009. Kumabog ng malakas ang puso ko pagkakita sa petsa na iyon. Para bang may importanteng pangyayari na naganap sakin nung petsang yun.
Ililipat ko na sana sa next page nang, "What are you doing here?" Napatalon ako sa biglang nagsalita.
Nakita ko ang galit na mukha nung lalaking dumalaw sakin nung nasa ospital pa ako at sinundan ko nung pasukan. Si Allen.
Oh, wait! Allen Syndre Farrell ang nakalagay sa pintuan ng kwartong ito. Siya ba ang Allen na iyon? Artist siya?
Lumapit siya sakin at inagaw ang sketchpad. Itinago niya iyon sa isang cabinet at ni lock. Binalingan niya ako ng nakakatakot na titig. Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Get out!" Sigaw niya.
"Sungit!" Bulong ko.
"Ano?" Sigaw ulit niya.
Napatakip ako ng tainga. "Pwede wag sumigaw? Tangina. Hindi ako bingi!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Nag mura ka?"
"Any problem?" Nag crossed arms ako. "Bakit ba ang sungit sungit mo? Gwapo ka pa naman!"
Nag iwas siya ng tingin. "Lu-Lumabas ka na..." Itinuro niya ang pintuan.
"Whatever!" Umirap ako.
Naglakad na ako pero hinigit niya akong bigla. "Aww!" Napadaing ako sa sakit.
Nanlaki ang mga mata ko. Binitawan niya ako kaagad. Hinubad ko ang varsity jacket na soot ko at nakita kong pulang pula ang dalawang braso ko.
"Fvck!" Bulong ko. Ganun ba kasakit kapag matagal ng hindi nakakapaglaro ng volleyball?
"Anong nangyari diyan?" Padabog na tanong ni Allen saka hinawakan ang braso ko.
"Darn! Masakit nga, e. Hahawakan mo pa? Tanga ka ba?" Pinanlisikan ko siya ng mata.
"Stop cursing!" Napangiwi ako sa sigaw niya. "Ang laki na ng pinagbago mo!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Kilala niya ako? Alam niya ang dating ako? Paano niya ako nakilala?
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...