"Tigilan mo na ako, Shanna!" Dinig kong sigaw ni Allen.
"NO!" Sigaw nung babae. "I love you, Allen!"
Shanna? Boses pa lang niya, sigurado akong si Shanna Rowles ito. Oh my god! May relasyon sila? Napatalon ako nang biglang lumabas si Allen. Nanlaki ang mga mata niya pero agad napalitan ng galit. Dadaanan na sana niya ako kaya lang may kailangan pa ako.
"A-Allen, wait!" Pigil ko.
Huminto siya at hinarap ako. "What?"
Napapikit ako sa mahinang pag sigaw niya. Yumuko ako at napahawak ng mahigpit sa pants ko.
"Yung hinihiram daw na artwork ni Ma'am Garma?"
Bumuntong hininga siya. "Nasa loob, sa table ko!" Pagkasabi niya nun ay tuluyan na siyang umalis.
Kinakabahan akong pumasok sa loob. Nakita ko ang kakaumpisa pa lang niyang painting. Buhok pa lang ito... at wavy. Kung sana ako lang ang babae dito na may wavy na buhok ay iisipin kong ako ito. Huh! Hibang na talaga ako.
Nakita ko ang umiiyak na si Shanna. Pinanlisikan niya ako ng mga mata saka umalis ng kwarto. Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang painting na hinihiram ni Ma'am Garma. Mabilis akong nagbalik sa room namin. Hindi ko pinansin ang mga mata nina Kate, Jackie, at Helga. Nag focus na lang ako sa pakikinig sa teacher.
2:30 ang naging dismissal namin. Puspusan na kasi ang pag pa practice para sa Intrams ng HS dept. Ako ang kinukuhang representative ng Ms. Intramurals kaya lang ay nasa volleyball na ako. Kaya si Kate na lang ang kinuha.
"Guys, una na 'ko." Sabi ko nang makalabas na kami.
"Sama ako!" Nagtaas pa ng kamay si Helga kaya natawa ako.
Nagkatinginan sina Jackie at Kate. Umirap lang si Kate. Nagtatampo pa rin siya sakin.
"Okay lang. Dun na kayo." Nakangiti kong pahayag.
"Sure?" Tanong ni Jackie.
Nginitian ko sila. Una akong humalik kay Jackie at nung kay Kate na ay lumayo pa siya ng kaunti pero agad ko siyang niyakap.
"Sorry, Kate! I love you, girl." Hinalikan ko siya sa pisngi. Ngumuso siya para pigilan ang pagngisi.
Iniwan na namin silang dalawa at nagpunta na kami ni Helga sa court. Nagwa warm up na ang mga players. Umupo kami sa tapat ng pwesto ng team ni Harry. Hindi siya ang captain ball pero magaling din naman daw siya.
Nakita ako ni Harry kaya huminto muna siya at lumapit samin.
"Goodluck!" Nginitian ko siya.
Pinamulahan siya ng mukha kaya agad nag iwas ng mukha. Kinamot niya ang batok niya.
"S-Salamat."
Bumalik na siya sa pag wa warm up. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong palaging nagtatama ang mga mata namin. Paunti unti na ring kumakabog ang puso ko sa tuwing magkasama kami ni Harry. Siguro nga nagkaka crush na rin ako sa kanya pero di tulad ng nararamdaman ko para kay Allen.
Aaminin ko, madali ako magka crush sa mga gwapo pero kapag nalaman ko ang ugali nila ay agad akong natu turn off. Maliban na nga lang siguro kay Allen. Indescribable feeling, ika nga.
Natapos ang game nila na sila ang panalo. Nakita ko pa si ate Zerah na dinaluhan si Alexis pero naiirita lang ito sa presensya niya.
"Uy, congrats!" Bati ko kay Harry nang makalapit siya samin.
"Congrats din." Nahihiyang utas ni Helga.
Pawis na pawis si Harry dahil sa paglalaro. Hindi siya nabangko sa buong laban. Tumayo na kami ni Helga at lumabas na ng court. Habang hinihintay namin si Harry ay nakita ko si Shanna. Mugto pa rin ang mga mata niya.
"Tara na?" Napalingon ako kay Harry na naka jersey pa rin.
Tumango ako at nag umpisa na kaming maglakad. Kikitain namin sina Kate at Jackie sa gate. Malapit na rin naman daw matapos ang practice game ng college. Next week na ang Intrams samin samantalang next next week naman ang school fest ng college. Makakapunta kami dun kung walang subject teacher o vacant. Highschool pa naman ay stick ang schedule unlike college, paiba iba.
"Naku! Tash, ayan na yung driver namin." Utas ni Helga.
"Sige. Ingat kayo." Hinalikan ko siya at kumaway na pagkapasok niya ng sasakyan.
Tahimik lang kaming dalawa ni Harry habang naghihintay. Kapag nagkakatinginan ay sabay kaming tatawa. Kinabahan ako nung makita ko si Allen. Masama ang titig niya samin ni Harry? Tama ba ako? Diretso ang tingin niya samin pero dinaanan niya lang kami. Nilingon ko siya sa likod ko.
Bumuntong hininga ako. Bakit sa dinami rami ng lalaki sa mundo ay sa kanya ko pa mararamdaman ito? Puppy love lang ito, teenage love. Makakalimutan ko din siya. Pero bago iyon ay hahayaan ko muna ang sarili ko na enjoyin ang feeling ng ganito. Ayokong magpaka KJ habang bata pa ako. Ayokong pagsisihan sa hinaharap na hindi ko naenjoy ang kabataan ko.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...