"T-Talaga?" Bulalas ni Allen.
Huminto kami sa pagsasayaw. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Kinagat ko ang ibabang labi ko saka nahihiyang tumango. Nag iinit ang pisngi ko sa ginagawa niya.
"Ayaw mo ba?" Tinitigan ko siya.
Nagliwanag ang mukha niya. "Gusto, syempre!" Humalakhak siya saka ako binuhat at inikot. Hinampas ko siya sa likod habang natatawa at kinikilig.
"I love you, Natasha. Promise, ikaw lang ang mahal at mamahalin ko." Seryoso ang tono ng kanyang boses habang diretso ang titig sakin.
"Mahal din kita, Allen. Noon pa..." Yumuko ako sa hiya.
"I know," Tumawa siya. "Kaya lang, ang alam ko, crush mo pa lang ako nun-"
"What?" Nanlaki ang mga mata ko. "Paano mo nalaman? May sinabi ba sa'yo si Kate?"
"Wala. Remember nung naka pila ka sa counter? Nung nasa likod mo ako?"
Muli kong inalala ang pangyayari na yun. Nung halos manigas ako sa kinatatayuan ko at muntik pa akong mapahiya sa kanila? Shet. Tumango ako kaya nagpatuloy siya.
"Ikaw yung tinutukoy nila Crent na transferee na maganda. Well, nalaman ko lang yun nung tinuro ka nila sakin. Then," Ngumisi siya. "After break, Kate gave me a piece of paper."
Kumunot ang noo ko. Anong kinalaman ng papel dun? Anong nakasulat dun-- Oh my god! Nanlaki ang mga mata ko. Tinanguan ako ni Allen na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.
"Yes, love. I didn't know but that poem of yours struck something in me."
Napangiti ako sa kahihiyan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nung kumalas ako, sinigawan ko ang mga alam kong nakatago at pinapanood kami.
"Court Phantoms!" Sigaw ko. "May atraso pa kayo sakin! Mga babae, kayo din!"
Nagsilabasan sila. Tumatawa silang lumapit sa amin. Lahat sila masaya para saming dalawa ni Allen. Ni congrats nila kami at ang mga kaibigan ko ay pinagbantaan si Allen. Maging ang mga lalake ay pinagbantaan ang kanilang leader.
Pagkatapos nun ay bumalik na kami sa prom. Pero sina Allen ay hindi pa daw aalis. Hihintayin niya ako. Sina Crent at Nick ay kasama nina Allen.
Hindi ako makapaniwalang kami na ni Allen. Hindi ba ito daydreaming na lang? As in? Totoo na? Napansin na niya ako? Mahal niya rin ako? Kami na? AHHHH!
"Where did you go?" Napatalon ako sa biglang pagsulpot ni Harry sa harap ko.
Ako na lang pala mag isa rito. Kumunot ang noo ni Harry sa naging reaksyon ko. Umupo siya sa tabi ko at hinarap siya.
"Kanina pa kita hinahanap. Isasayaw sana kita." Ngumiti siya sakin. "So, tara?"
Naglahad siya ng kamay. Tinignan ko iyon. Oo, nag aalangan akong kunin iyon. Siya na ang first dance ko at si Allen ang last dance ko. Mahaba haba pa ang oras pero hindi na ako mag e entertain maliban na lang kung party dance.
Magsasalita na sana ako kaya lang, "Sorry, bro. She's no longer available." Napatingin ako sa naka ngising si Allen.
Umupo siya sa kabila kaya nakapa gitna na ako. Inakbayan ako ni Allen kaya lalong kumunot ang noo ni Harry. Pero agad iyon napalitan ng galit na mga mata.
"W-What is the m-meaning-"
"She's mine now, dude." Nilingon ko si Allen at nginitian niya agad ako.
Binalik ko ang tingin kay Harry na nag igting ang panga. Kumuyom rin ang kanyang kamao. Hinawakan ko siya sa braso para sana pakalmahin.
"He's right," Mabibigat at matatalim ang kanyang titig nang sabihin ko iyon. "Kanina lang."
Yumuko siya at narinig ko ang malutong niyang mura. Napapikit ako. Ayokong magalit siya sakin. He's been my bestfriend. He's special to me. Even in my dreams, I never seen Harry like this... so much anger in his system.
Tumayo siya na ikinagulat ko. Ni isang salita, hindi niya binigay. Nag init ang gilid ng mga mata ko. Hinawakan ni Allen ang kamay ko at hinalikan iyon.
"It's okay, love..." Kinabig niya ang ulo ko papunta sa kanyang balikat.
***
BINABASA MO ANG
Never Gone
Short StoryCrush na crush ni Natasha si Allen. 2nd year high school pa lang siya samantalang 1st year college na si Allen. With friends' help, they made it. But destiny is not in favor with them. She lost her memories, and don't know who to trust. Pero ang pus...