Chapter 5

3 0 0
                                    

Kinabukasan ay pumasok ako na pinagtitinginan ng mga babaeng nasa court kahapon o kahit mga absent kahapon ay alam ang madrama kong pagwo walk out.


As of now, si Harry pa lang ang nakaka alam kung bakit ako umalis. And I wouldn't even dare tell anyone my true reason. Pinagbubulungan ako ng bawat estudyanteng nadadaanan ko, highschool o college student man (bawal kasi pumunta ang mga elementary students sa boundary ng HS at College building).


Nagsalpak na lang ako ng earphones sa magkabilang tainga ko para di sila marinig. Nagtataka pa ako nang makita ko ang iba na may itinuturo sa bandang likuran ko. Nilingon ko ang itinuturo nila at nakita ko ang nakangiting si Harry palapit sakin.


"Kamusta?" Tanong niya nang tuluyan na siyang makalapit sakin.


"Okay lang." Ngumiti din ako.


Sinabayan niya ako sa paglalakad. Tinanggal ko na ng tuluyan ang earphones at itinago sa bag ko. Hindi ko na lang pinapansin ang mga matang nakamasid sa amin. May tatlong babae ang tumatakbo palapit sakin. Huminto ako nang nasa harap ko na silang hinihingal.


"Ano nangyari sayo kahapon?" Tanong ni Helga na wala talagang alam tungkol sa nangyari sa kahapon. But I bet na may ikinwento na ang dalawa sa kanya.


"W-Wala naman." Sabi ko.


"Bakit ka ba tumakbo kahapon? Ha?" Nanggagaliiting tanong ni Jackie.


"At kahit pala pinatawagan kita kay kuya Allen ay hindi mo pa rin sasagutin ang calls namin?" Saad ni Kate.


Natawa ako. Kate's right. Dahil sa inis ko kagabi ay hindi ko pa rin sila kinausap. Pinaka isipan ko kung paano haharap sa kanila na parang wala lang. At inisip ko buong gabi kung ano ang sasabihin kong dahilan sa kanila.


"Sorry, girls. Nainis kasi ako sa pang uutos ni Allen kagabi kaya hindi ko pa rin kayo tinawagan." Sabi ko kahit na paunti unting niyayanig ang sistema ko sa pagbanggit sa pangalan niya at maalala ang pakikipag usap ko sa kanya kagabi.


"Ano bang sinabi niya?" Tanong ni Kate. Tumaas ang isang kilay niya.


"Forget it. Wala na sakin 'yun." Bumaling ako kay Harry. "May gagawin ka ba mamaya?"


Namula siya kaya bigla akong nahiya sa naging tanong ko. Ganito ba ang awkward na feeling?


"H-Ha? May praktis ng basketball." Nag iwas siya ng tingin.


Nakita kong ngumisi ang mga kaibigan ko pero si Helga ay patuloy pa rin sa pagba buffer ng mga pangyayari. Nang siguro ay mapagtanto na ito si Harry ay ngumiti na rin siya.


"Ganun?" Sabi ko na pilit iwinawaksi ang mabigat na ambiance sa amin. "Pwede ba ako manood?"


"ANO?" Sigaw ni Jackie. "Papanoorin ko si Nick mamaya, e."


Si Nick Casablanca ang boyfriend niya. Pero hindi alam ng kuya Alexis niya. Sa pagkaka alam ko ay 3rd yr vs. 4th yr ang maglalaban mamaya sa basketball. 1st yr college na kasi si Nick at siya ang ginagawa naming excuse para mapanood sina Allen sa paglalaro.


"Bahala kayo." Nagkibit balikat ako.


Naglakad na ulit ako at nagpaalam na si Harry na papasok na. Pumasok na rin kami nina Kate, Jackie, at Helga. Wala pa ang subject teacher namin para sa first period.


"Magkasama kayo nung Harry kahapon, diba? Saan ka niya nakita? Ano pinag usapan niyo? Hindi ka nailang?" Sunud sunod na tanong ni Kate.


"Kate, pwede bang wag mo na gamitin ulit si Allen para lang bumigay ako?" Hindi ko pinansin ang mga tanong niya. "Hindi ko na siya crush."


Sa pagkaka alam kasi nila ay crush pa lang ang nararamdaman ko para kay Allen. Nung una, crush lang talaga... as in hinahangaan. Pero lately ay lumalim. I know, I'm too young to know what kind of feelings is this. Pero palagi ko siyang naiisip, palagi ko siyang hinahanap, nasasaktan ako kapag may kasama siyang iba. At kahapon pa lang ay sobra akong nasaktan nang makita ko siyang tinititigan si Shanna Rowles.


"Ewan ko sayo." Asik ni Kate. Inirapan pa niya ako. Galit siya sakin, it's obvious.


Pumasok ang subject teacher namin sa Mapeh. Inutusan niya akong hiramin ang isang artwork ni Allen. Nag init ang pisngi ko. Sa dinami rami ng pwedeng utusan, bakit ako pa? Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Kakasabi ko pa lang na hindi ko na siya crush pero taliwas iyon sa nireact ng mukha ko.


Lumabas ako ng room at naglakad papuntang college building. Kinakabahan ako. Kahit anong pilit ko talagang iwasan siya at kalimutan ang nararamdaman ko ay mahirap pa ring gawin. Dahil yun sa taong nakapaligid sakin at sa sariling pakiramdam ko.


Nasa tapat na ako ng building ng AB. Mas lalong kumabog ang puso ko. Bawal mang istorbo ng klase sa mga college pero dahil medyo close ko ang prof nila ngayon ay nakaya kong makapag paalam.


"Excuse me, Mr. Pavarotti." Sabi ko. Natuyuan na yata ako ng dugo sa kahihiyan. Lahat kasi sila nakatingin sakin.


"What brings you here, Ms. Vickers?" Baling nung prof sakin.


"Can I excuse Mr. Farrell for a while? Ma'am Garma needs something from him."


"I'm sorry, Ms. Vickers, but Mr. Farrell isn't here." Bumaling siya sa mga estudyante niya. "Mr. Cornwell, did you know where Mr. Farrell is?"


"He's in the Artist's room." Tamad na sagot ni Giovan, isa sa members ng Court Phantoms at kaibigan ni Allen.


Muli akong nilingon ni Mr. Pavarotti kaya tumango ako. "Thank you, sir."


Tinalikuran ko na sila roon. Papunta ako ngayon sa Artist's Room kung saan dun nagpipinta ang mga katulad ni Allen. Dun din makikita ang mga artworks nila. Kumbaga isa siyang mini museum para sa kanila.


Pagkapasok ko ay nakita ko agad ang mga nakamamanghang artworks ng iba't ibang estudyante ng university na ito. Nakita ko rin ang iilang artworks ni Allen na talaga namang nakakalaglag ng panga.


Dumiretso ako sa kwartong may nakapaskil na, 'Allen Syndre Farrell', sa may pintuan. Nakaawang ang pinto at narinig kong may nag uusap roon.


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon