Chapter 4

6 0 0
                                    

Pagkarating ko ng bahay, nadatnan ko sina dad at ate Zerah sa sala. Pinapagalitan na naman ni daddy si ate pero palihim lang siyang umiirap at nagba backstab.


"Anong nangyari?" Tanong kong nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.


"Natasha, may nabalitaan ka bang inaway na naman ng ate mo?" Tanong din ni daddy.


Umiling ako. "Wala po."


Ngumisi si ate Zerah sa pag iling ko. May inaway na naman siya? Wala pang nakakarating sakin. Ako na naman ang magpapaumanhin sa mga ginawa niya. Hindi naman ganyan si ate nung nasa Canada kami. Sabi nila, ni reject daw siya ni Alexis (4th year student din) dahil sa ugali niya. Simula kasi nang mamatay si mommy, nag iba na siya. Pilit niyang sinisisi ang sarili niya.


"What happened to you, Zerah? Where's my old Zerah who used to be my first princess? My accomplice?" Tumulo ang luha ni daddy. "Hindi magugustuhan ng mommy-"


"Stop it, dad!" Sigaw niya. Tumayo na rin siya at nilingon kaming dalawa ni dad. "You don't understand my feelings. I am always rejected. I am always haunted by this fucking conscience!"


"It's because you owe the guilt of mom's death." Sabad ko. Tinitigan niya ako ng masama. "Walang may kasalanan, ate. Walang may gusto ng nangyari."


"Wala kang alam, Natasha! At pwede ba? Stop saying sorry for those talkshit people! They deserved that!"


Tinalikuran niya kami at nagpunta siya ng kwarto niya. Nilingon ako ng mga nagtatanong na mata ni dad.


"Ako po kasi nasasaktan sa mga pinagsasabi nila kay ate Zerah." Saad ko.


Tumulo ulit ang luha ni dad. "Kaya ba minsan ay may pasa ka?"


"Sa volleyball po 'yun."


Kailangan kong magsinungaling sa kanya. Halos ng pasa ay galing sa mga sinasaktan ni ate. Nagso sorry ako sa kanila nang hindi kasama ang mga kaibigan ko. Maging sila ay pinaglilihiman ko 'nun. Sinasabi ko na lang galing sa paglalaro ng volleyball ang mga pasa ko.


Yung iba kasi, tatanggapin ang sorry ko. Yung iba, hindi ako papansinin. Yung iba, akala nagbabait baitan ako at kaugali ko lang din si ate Zerah. At yung iba, sakin gumaganti dahil hindi sila makaganti sa ate ko.


Niyakap ko si dad at pilit siyang tumahan. Naaawa ako kay ate Zerah dahil sinisisi niya talaga ang sarili niya sa pagkamatay ni mom. At palagi siyang malungkot, nakikita ko iyon sa mga mata niya. Pinapakita niyang malakas at matapang siya kahit na alam ko ang totoong siya. Nami miss ko na nga ang bonding naming dalawa. Pagkamatay ni mommy, parang nawalan din ako ng ate.


Naaawa din ako kay dad. Marami na siyang pinoproblema sa kompanya, idagdag pa si ate Zerah. Kaya ako ay nagsusumikap para hindi na makaragdag sa sakit ng ulo niya.


Buong gabi akong nagkulong sa kwarto. Pinipilit akong magkwento ng mga kaibigan ko pero masyado pa akong maraming iniisip. Kailangan kong matutunan paano kalimutan ang feelings ko para kay Allen. Hindi na dapat ako magpa apekto sa simpleng presensiya niya.


Napatalon ako sa biglang pagtunog ng phone ko. Isang unknown number ang tumatawag. Sinagot ko ito.


"Hello? Sino 'to?" Tanong ko sa kabilang linya.


Hindi siya sumagot. Pagbuntong hininga lang ang narinig ko. Tahimik din ang background.


"Hello? Who's this? Prank caller?" Tanong ko ulit.


Isa pang buntong hininga ang narinig ko. "This is Allen."


Nanigas ako sa kama ko at nanlaki ang mga mata. Shit! It's just a name pero iba na agad ang impact sakin. Kakasabi ko lang na wa'g magpa apekto sa kanya, e. Boses pa lang niya, nayayanig na buong sistema ko.


"Allen?" Patay malisya ko.


"Allen Syndre. Kate's couz. Do you want me to be a talking resume?" Iritadong sagot niya.


Bahagya akong natawa. Mabilis pala talaga siyang mairita. At kahit na ganun ay sinasagot pa rin siya ng mga babae niya. Alam ng lahat na playboy siya, pinagsasabay ang mga babae, pero balewala iyon basta masali sila sa collection of girlfriends niya.


Nagustuhan ko si Allen dahil sa pisikal (una kong napapansin, syempre), ang pagiging masungit niya, pagkahilig sa basketball, at ang pagiging magaling na painter.


"Hey!" Untag niya. "You're Natasha, right?"


"O-Oo."


"Kate wants to check on you. She's been pestering me every hour. Kaya pwede ba? Sagutin mo ang tawag ng mga kaibigan mo."


Binaba na niya ang tawag. Nakakainis! Bakit sa kanya pa ako nagka gusto? Ganyan naman ang ugali niya.


"Bwisit ka!" Kausap ko sa phone ko.


Pinupukpok ko pa ito sa kama ko. Naaninag ko ang number niya. Buong sistema ko, kinikikig sa simpleng pagtitig sa numero niya. Kahit na ayaw ng utak ko, ni save ko pa rin ang number niya.


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon