Chapter 3

5 0 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa field sa likod ng university. Nang unti unting mag blurred ang paningin ko kanina, kusang tumakbo ang mga paa ko. Wala akong pakialam kahit giniginaw na ako rito sa sobrang lakas ng hangin. Sleeveless at maiksing palda ang uniform namin sa volleyball.


Umiyak ako ng umiyak. At kung minsan ay matatawa. Simpleng crush lang naman iyon. Infatuation lang. Pero bakit ganito kasakit? Parang may tumutusok na milyon milyong thumbtacks sa puso ko. I hate this kind of feeling! I am so emotional. Mababaw nga ang luha ko.


"Mom..." Humagulhol ako.


Dati rati, kapag umiiyak ako dahil sa simpleng gasgas ay agad akong pinapatahan ni mommy. Ibibili niya ako ng chocolate o kaya ay ice cream na chocolate flavor. Pero ngayong wala na siya, wala nang magpapatahan sakin.


Ibinaon ko ang mukha sa tuhod ko. Umiyak ulit ako. Hindi naman ako dapat nasasaktan ng ganito, e. Nakakainis!


"Stik-O?"


Nag angat ako ng tingin at nakita ko yung lalaking sumigaw kanina. Hinubad niya ang kanyang jacket at isinoot ito sa likod ko. Umupo siya sa tabi ko at ni offer ang isang box ng Stik-O na chocolate flavor.


Nagpunas ako ng pisngi at pilit na tumahan. Ngumiti siya sakin.


"Stik-O ang nagpapatahan sakin... sana mapatahan ka rin." Nag boses siya na animo'y nagtutula.


Natawa ako. Kumuha ako ng isa at kinain. Sabi nina Kate, kapag may nag confess sayo ay ma aawkward ka sa kanya. Bakit ako hindi?


"O, diba? Hindi ka lang napatahan, ngumiti ka pa." Nakita ko ang nag iisang malalim na dimple niya.


Halos maubos ko yung Stik-O na dala niya. Ngayon ko lang mas naappreciate ang Stik-O.


"Anong pangalan mo?" Tanong ko nang naubos na namin ang Stik-O.


"Harry Mitchard. 3rd year highschool." Naglahad siya ng kamay pero kumunot lang ang noo ko. "For formality."


Tumawa ako saka inabot ang kamay niya. "Natasha Vickers." Saad ko kahit na kilala naman niya ako.


"Gusto mo si Allen?"


Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman? Gosh naman! Ngumiti siya.


"Don't worry, hindi ko ipagsasabi." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.


"Sorry..." Sabi ko.


"Ano ka ba?" Tumawa ulit siya at lumabas ang kanyang dimple. "Okay lang. Pero pwede ba manghingi ng favor?"


Tumango ako. "What is it?"


"Let's be friends."


"Oo naman."


Hindi na ako bumalik sa practice. Hinintay na lang namin ni Harry na magsiuwian ang mga estudyante. Nagte text at tumatawag na rin sina Jackie at Kate pero di ko sinasagot. Hindi ako galit sa kanila kaya lang maaalala ko na naman ang kahihiyang pagwo walk out ko kanina.


"Hatid na kita?" Tumayo siya at inilahad ulit ang kamay para makatayo ako.


Inabot ko ito saka tumayo. Naglakad na rin kami pabalik ng court para kunin ang mga gamit ko.


"Wa'g na. Nandyan na yung driver namin." Sabi ko.


Hindi kami sabay ni ate Zerah dahil may sarili siyang kotse. Siya ang nagda drive nun samantalang ako, hindi pa pwede.


"Sige."


Natigilan ako nang pagkapasok namin sa court ay naroon pa sina Kate, Jackie, Allen, at Court Phantoms. Sila na lang ang nandito at mukhang nag aalala ang dalawa kong kaibigan.


"Oh my god, Natasha! Where have you been?" Natigilan si Kate at napalingon sa katabi ko.


Tapos na ang pag iyak ko. Sapat na ang lakas ko para hindi magpakita ng kahihiyan at kahinaan.


"I'm sorry, guys. By the way, this is Harry, my new friend."


Nginitian lang ni Harry ang mga kaibigan ko. Nagkatitigan din sina Harry at Allen at walang bumibitaw. Tumikhim si Crent at tinitigan ako.


"Okay ka lang ba?" Tanong ni Crent.


Tumango lang ako at hinigit na si Harry para samahan akong kunin ang mga gamit ko sa lockers area. Pagkabalik namin ay nandun pa rin sila.


"Mauna na kami. Kayo? Di pa ba kayo uuwi?" Tanong kong nakatitig kay Kate.


Naguguluhan pa rin sina Jackie at Kate pero ayoko muna magsalita. Maglalakad na sana kami ng magsalita naman si Leopold.


"Sabay na kami."


Nasa unahan kami ni Harry habang magkakasama ang mga lalaki at dalawa kong kaibigan. Kaya ko naman palang mag pretend sa harap niya. Kaya ko naman palang hindi manigas at manlamig sa harap niya. Kaya ko at kakayanin ko.


Nilagay ko ang siko ko sa balikat ni Harry. Sanay na rin kasi akong ganito ako mang akbay sa mga kasama ko. Nilingon ako ni Harry pero nginitian ko lang siya.


***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon