Chapter 33

1 0 0
                                    

Nag aayos na ako ng mga gamit nang maka tanggap ako ng tawag sa isang unknown number.


"Hello. Who's this please?" Sabi ko nang sagutin ang tawag.


"It's Shanna," Malungkot ang kanyang boses. It's been years since we last talked.


"Ow. How are you?" Tanong ko. Ngumiti ako.


"I want to talk to you,"


Sinabi niya sakin kung saan kami magkikita. Itinabi ko muna ang mga gamit ko at agad na nagpunta sa sinabing restaurant ni Shanna.


"Shanna," Nakipag beso ako. "Kamusta na? Sorry nga pala sa huling pagkikita natin, a?"


Ngumisi siya. "I should be the one sorry."


"Huh? What do you mean?"


"Hindi totoo ang mga sinabi ko sayo noon. Hindi totoong magkaibigan tayo at hindi totoong liberated ka. Ginawa ko lang ang kwentong 'yun."


Hindi mag sink in sakin ang mga sinabi niya. Seryoso? Another surprise na naman ba ito?


"I just made that dahil sa galit ko sayo. Ikaw ang mahal ni Allen kaysa sakin. Ikaw ang first serious girlfriend niya at naiinggit ako dahil fling lang ako."


Kumunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Wala akong maintindihan.


"Wag kang tanga, dahil mahal ka ni Allen noon pa."


Yun ang huling narinig ko sa kanya. Wala ng pumasok pa sa utak ko sa mga sunod niyang sinabi hanggang sa iwan na niya ako. Hindi ko man lang napansin ang pagluha ko.


Tinawagan ko si Andjelka at pinuntahan sa office niya. Nagpaalam na ako sa kanya. Pinipigilan niya ako sa pag alis pero buo na ang desisyon ko.


Si Allen na mismo ang nagtulak sakin. Hindi ko na rin alam kung papaniwalaan ko ba si Shanna sa mga sinabi niya. Gusto kong mag pahinga muna sa mga pag iisip. Quota na ako sa ganitong pag iisip ng kung anu ano. Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali. Hindi ko na alam kung sinong paniniwalaan ko sa mga taong nakapaligid sakin.


Nagpunta ako ng Canada. Bumalik ako sa dating bahay namin. Gaya ng dati, pinutol ko na rin ang koneksyon ko sa Pilipinas. Ayokong may makapag paalala ulit tungkol sa mga naiwan ko dun.


Sa mga dumadaang buwan ay hindi ko na ulit maramdaman ang saya. Nabura na nga yata ito sa bokabularyo ko. Ni hindi ko na alam kung paano maging masaya ulit.


Tinawagan ko si Andjelka nang mag birthday si Kuya Alexis. Agad kong pinutol ang tawag dahil si Allen na naman ang binanggit niya. Walang nakaka alam kung nasaan ako.


Maging sa naging kasal nina Andjelka at Kuya Alexis ay wala akong alam. Nabasa ko lang ito sa news dahil sa sikat na nga si kuya sa kanyang ASK.


"Hi, mom!" Palagi akong nandito kung saan naka libing si mommy. "Namimiss ko na sina daddy, Ate Zerah, Kate, Jackie, Helga, silang lahat. Pati ikaw. Wala man akong maalala sa mga nagawa natin noon, ang alam ko naging mabuti kang ina sakin."


Tumulo ang aking luha. Humangin ng malakas kaya napangiti ako. Palaging ganito. Ramdam ko ang presensiya ni mommy sa tuwing narito ako at kinakausap siya.


Biglang tumunog ang phone ko. Numero ito sa Pilipinas. Sino naman kaya ito?


"Hello," Bungad ko.


"Anak..." Nabosesan ko ang umiiyak na si daddy.


"D-Dad?"


"Natasha, ang ate mo." Humagulhol siya ng iyak.


"Ano pong nangyari?" Kumabog ang puso ko.


"Naka baril siya,"


Nanlaki ang mga mata ko. Sinabi sakin ni daddy na binaril ni Ate Zerah si Kuya Alexis sa mismong kasal nila. Nakulong ito at inilagay sa isang mental hospital. Nawala sa katinuan ang ate ko. Bumuhos ulit ang luha sa mga mata ko.


Dali dali akong nag ayos at bumili ng ticket pauwi ng Pilipinas. Ilang oras ang magiging biyahe ko pauwi. Hindi ba pwedeng madaliin ito?


BOOGSH. Napasigaw kaming lahat sa narinig na pagsabog. Inassist kami ng mga flight attendant na wag mag panic. Ginagawa na raw nila ang lahat para makalapag ng maayos pero nakaka ilang oras pa lang kami nang umalis sa airport.


Kinakabahan na rin ako pero nagdasal na lang ako. Kailangan kong magtiwala sa piloto at sa Diyos. Ayokong mapaka negative.


Lalong kumabog ang puso ko nang lahat sila ay sumisigaw na. Umiyak na lang ako sa kinauupuan ko. Humawak ako ng mahigpit sa aking seatbelt. Unti unti ko nang naramdaman ang pagbagsak ng eroplano. Pumikit na ako at hinintay ang maaaring mangyari.

***

Never GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon